THE PROLOGUE

663 9 0
                                    

The Prologue;

Whitney Grazelle Cañar's POV

"WHITNEY! Whitney!" Tawag sa 'kin ni Mang Kadyo habang ito ako nabuburyong nagwawalis sa bakuran ng bahay namin.

"Po?" Nabuburyong tugon ko nang makalapit na ito sa 'kin.

"May magandang balita ako sa 'yo!" Masiglang-masigla na saad nito sa 'kin. Kaagad namang naantig nito ang interes ko.

"Ano ho 'yon, Mang Kadyo?" Puno ng interes kong tanong sa kanya saka itinigil ang pagwawalis.

"Si Señorito Adriano nakauwi na raw mula sa Amerika!" Hindi pa rin nawawala ang pagiging masigla na kwento sa 'kin ni Mang Kadyo.

"Si Señorito Adriano nakauwi na raw mula sa Amerika!"

"Si Señorito Adriano nakauwi na raw mula sa Amerika!"

"Si Señorito Adriano nakauwi na raw mula sa Amerika!"

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Mang Kadyo bago ko makuha ang ibig niyang sabihin...

What the... Nakauwi na siya? For real?! Ackkk!

"T-talaga, Manong? Kailan pa?" Nasasabik kong tanong kay Manong Kadyo habang nakangiting nakatingin sa kawalan, iniisip ang Señorito Adriano. "Nasaan ba siya ngayon?" Dagdag ko pang pagtatanong sa kanya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakauwi na siya. Na bumalik na rin siya sa wakas. Matapos ang ilang taon nang lumipas.

"Nasa Hacienda nila. Ang totoo kaninang madaling araw lang nakauwi dito sa atin ang Señorito. Sa ngayon ay nagpapahinga pa raw ito ngayon." Sabi ni Mang Kadyo.

"Talaga po?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, hija. Ayaw mong maniwala? Eh 'di pumunta ka sa Hacienda nila para malaman mo kung totoo nga ang sinasabi ko."

"Opo, pupunta na po ako ro'n, ngayon na rin mismo. Salamat nga po pala sa pagbalita!" Saad ko saka sanik at nagmamadaling naglakad papasok sa bahay namin.

"Oh, anak, nagmamadali ka 'ata?" Bungad na tanong sa 'kin ni Nanay nang napansing nagmamadali ako habang may hinahanap.

"Nakita niyo po 'yong susi ng motor ko, 'Nay?" Nagmamadali kong tanong sa kanya. Kaagad namang kumunot ang nito, nagtataka kung bakit ako madaling-madali.

"Nandiyan lang 'yan. Hanapin mo diyan sa may jar. Diyan mo laging nilalagay ang susi ng motor mo." Kahit nagtataka ay itinuro ni Nanay ang maliit na jar na nakapatong sa may divider namin, kung saan ko nga palaging nilalagay ang susi ng motor ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko naman din iyon doon.

"Sige, 'nay. Alis na muna ako..." Paalam ko saka nagmamadaling lumabas ng bahay namin. Nakita ko pa si Manong Kadyo na papalabas nang gate ng bahay namin. Hindi iyon nakasara, kaya siguro nakapasok siya at napuntahan ako sa may bakuran namin.

"Teka, Whitney, anak! Saan ka pupunta? Jusko, mag-ingat ka sa pagmomotor!" Rinig kong sigaw ni Nanay. Nasa may pintuan na ito ng bahay namin, nakatingin sa 'kin at tila gusto pa akong pigilan sa pag-alis.

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now