The Chapter 22;
"KILALA mo ba 'tong lalaking 'to, Whitney?" Maangas na tanong ni Chris habang seryosong nakatingin kay Adrian na ngayo'y nakatingin rin sa kanya pero walang emosyong pinapakita sa kanyang mukha.
Mukha bang hindi?
"Uhh... Oo, Chris. Kilala ko siya..." Sagot ko sa kanya habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Ramdam ko na ang tensyon sa pagitan nila.
"Stay away from my girl." Mariing sabi ni Adrian kay Chris saka ako hinila papalapit sa kanya.
"Girl? You sure, bro? Haha, hindi nga?" Natatawang sabi ni Chris sa mayabang pa rin na paraan saka tumingin sa 'kin. "Totoo, Whitney? Bakit? Kayo na ba nitong lalaking 'to? Sino ba 'to? Akala mo kung sino, mukhang bagong salta lang naman dito." Anas nito.
Kaya ayaw ko sa isang 'to, eh! Masyadong mayabang! Talagang deserve niya na hindi ko siya sinagot noon.
Kaagad na uminit ang ulo ko sa sinabi ni Chris. Sinong bagong salta? Sino? Si Adrian? Ulol!
"Chris, pwede ba? Hindi siya bagong salta dito, okay? Kakauwi niya lang galing sa America. Siya si Adriano. Anak nina Señora Leonora Theresa at Don. Rafael." Nababanas kong paliwanag sa kanya.
Pero mukhang hindi natinag si Chris sa sinabi ko. Bagkus ay umiling-iling pa ito at tinignan si Adrian ng masama.
"So... I wonder, siya siguro 'yong Adriano na tinutukoy nina Gailah at Avi sa 'kin. Siya ba? Siya ba, Whitney? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo 'ko sinagot noon, huh? Whitney? Siya ba!?" Singhal ni Chris sa 'kin.
"Chris..."
"Huwag mong singhalan si Whitney!" Umiigting ang panga na sabi ni Adrian kay Chris kaya napakapit naman ako sa braso nito habang pilit na pinapakalma siya.
Short-tempered pa naman ang isang 'to at baka umabot pa sa suntukan ang tensyon na namamagitan sa kanila ngayon.
"Pake mo ba, huh? Tangina! Wala akong pakielam kung kayo ang pinakamayaman dito sa atin. Hindi mo alam kung paano ako napahiya ng babaeng 'yan sa harap ng maraming tao noon! Gago! At dahil 'yon sa 'yo!" Galit na sabi ni Chris saka astang sasapakin sana ako ng mabilis na itinago ako ni Adrian sa likuran niya at siya ang nasapak.
Sa gulat ko ay hindi kaagad ako nakakilos o nakagalaw man lang. Tanging reaksyon ko lang rin ay ang pagkagulat at hindi makapaniwala dahil sa ginawa ni Chris bago kami iwan dalawa ni Adrian.
Kung hindi lang sa mga narinig kong mga bulong-bulungan sa paligid ay hindi pa ako mababalik sa tamang huwisyo.
"Adrian... Okay ka lang ba? Pasensya kana sa lalaking 'yon. Mukhang hindi pa rin nakaka-get-over sa pagkapahiya ang gago noon..." Sabi ko habang pahina ng pahina ang boses sa huling sinabi.
"I'm okay, no need to worry. Ikaw? Okay ka lang ba? Hindi kaba nasaktan? Tarantadong lalaki 'yon, nananakit ng babae. Tsk!" Ani Adrian habang sinusuri ang katawan ko kung nasaktan ba ako. Wews! Emerged! Enebe...
Napailing-iling ako. "Hindi naman ako nasaktan. Ikaw ang inaalala ko. Ikaw 'yong nasapak, eh, imbes na ako." Nanlulumo kong saad. Sira-ulong 'yon!
Napabuntong hininga na lang ako ng malalim dahil mukhang hindi pa talaga nakaka-get-over ang isang 'yon noong napahiya siya sa maraming tao sa mismong kaarawan ko nang hindi ko siya sinagot.
Hinayaan ko siya noon na manligaw dahil sa pamimilit at pangungulit niya sa 'kin araw-araw sa school. Kungbaga napilitan lang talaga akong payagan siyang manligaw sa 'kin kahit alam ko sa sarili ko na may gusto na ako kay Adrian ng mga panahong iyon.
Kahit kailan wala akong naging pagtingin o naramdaman sa lalaking 'yon. Bukod kasi sa mayabang ay babaero rin 'yon. Ewan ko na lang ngayon...
He smiled bitterly. " I said don't worry about me. I'm okay." Mahinahon niyang sabi habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay saka hinalikan ang likod ng mga palad nito.
Hindi ko naman naiwasang hindi mamula kaya lihim akong napayuko para hindi niya makita ang namumula kong mga pisngi.
"B-buti nakapunta ka... Akala ko hindi ka pupunta..." Pag-iiba ko ng usapan kalaunan.
Napatingin naman siya sa 'kin habang hawak-hawak pa rin ang dalawa kong kamay. "You didn't invite me to come here but you waited for me. You waited for me, aren't you?" Parang batang usal niya saka ngumuso. Amp!
Binawi ko naman sa kanya ang dalawang kamay ko saka napakamot sa ulo ko ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nasa likuran ko nakatago. "Ehh, sa nakalimutan kong sabihin kasi sa 'yo no'ng pumunta ako ro'n sa inyo noong isang araw..." Paliwanag ko. Totoo 'yon! Promise, no lies!
"Hindi ka na rin pumunta kahapon sa 'min... Why? Bakit? Dahil ba sa-" I cut him off. Hangga't maaari ayoko munang mapag-usapan o marinig 'yong tungkol sa nangyari isang araw doon sa hacienda nila.
"Hindi, ah! Ano lang... Nagpahinga lang talaga ako buong araw kahapon. Alam mo na... Nasa vacation ako ngayon, kaya natural lang naman siguro kung mag-relax ako, hindi ba?" Agad na depensa ko. "Hehe, tyaka ikaw na rin nagsabi na huwag na akong bumalik pa doon sa Hacienda, hindi ba?" Alala ko sa sinabi niya ng gabing iyon bago kami nag-ano... 'Yong ano ba. Basta 'yong nag-ano kami!
"No, Whitney. It's not like that. I didn't mean it..." Aniya.
"Okay lang." Saad ko sabay ngiti ng kaunti. Nagulantang na lang ako ng bigla ako nitong niyakap.
"Sorry... Ikaw kasi..." Mahinang sabi niya. Anong ako??
"Huh?" Naguguluhan kong tanong sa kanya pero hindi na ako nito sinagot pa. Bagkus ay yumakap na lang ito sa 'kin ng hindi gaano kahigpit habang ang ulo ay nasa balikat ko. "Adrian..."
"Let me hug you like this, my love... please..." Aniya habang yakap-yakap pa rin ako.
Sa pagkakayakap namin ngayon sa isa't-isa ay magmumukha talaga kaming magkasintahan sa paningin ng iba. Kahit ang totoo ay hindi naman kami. Ni label nga wala, eh! Awit!
Ewan pero kusa na lang rin akong napayakap sa kanya habang ninanamnam ang bawat sandali na magkayakap kami ngayon.
Damn! 'Yong puso ko ito na naman.
Panalangin ko na lang na hindi niya marinig o maramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon. Ito na naman kasi ito sa paghuhuramintado. Na parang hinahabol ng kung sino sa bilis ng pintig ng puso ko ngayon na parang galing sa isang habulan, kung saan mabilis akong tumatakbo kaya mabilis ang tibok ng puso ko ngayon.
Ganito ba talaga kapag in-love?
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomanceComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...