THE CHAPTER 20

223 5 0
                                    

The Chapter 20;

KINAUMAGAHAN ay wala. Wala akong naging tulog. Hindi ako nakatulog. At nakakainis!

Patuloy na sumasagi sa isipan ko ang nangyaring paghahalikan naming dalawa ni Adrian. Kaya ito ang naging resulta...

Kulang sa tulog si ako.

Hindi na ako magtataka kung meron na naman akong mga malulusog eye bags nito.

Pilit kong ibinangon ang ang sarili kong katawan ng marinig ang ilang beses na pagkatok ng kung sino mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at bumungad sa 'kin si Nanay na may dala-dalang pagkain.

Wow, breakfast in bed?

"Breakfast in bed?" Wala sa sariling tanong ko kay Nanay na ngayo'y nakabusangot. "Bakit po?" Inosenteng tanong ko sa kanya na mas lalong ikinasama ng itsura niya.

"Nangangalay na po ako, Mahal na Prinsesa. Baka gusto mong papasukin ako sa loob ng kwarto mo at sa ganun ay mailagay ko na ito sa bed mo para kainin mo bilang breakfast in bed..." Anito sa sarkastikong paraan ng pananalita.

Napanguso na lang ako saka mas nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya sa loob.

"Ito na po, Mahal na Prinsesa. Eat well. Sana bumalik kana sa katinuan at makausap ng maayos." Aniya nang mailagay na niya ang breakfast ko sa kama ko na maayos naman na.

Mas lalo namang humaba ang pagkakanguso ko. "'Nay naman..."

"Tss. Ano ba kasing nangyari sa 'yo kagabi at umuwi kang wala sa iyong sarili? Pinag-alala mo ako ng husto..." Anito sa nagtatampong boses saka nag-iwas ng tingin.

"'Nay naman... Okay lang ako, okay? May iniisip lang ako na malalim kagabi kaya wala ako sa sarili." Pagdadahilan ko. "Kita mo namang buo pa rin akong umuwi 'di ba? Kaya hangga't buo akong nakakauwi dito, okay ako. Hmm?" Paglalambing ko sa kanya saka siya pina-upo sa kama ko at bahagyang minamasahe ang balikat niya.

"Sigurado ka, ah? Okay ka lang?" Anito saka hinawakan ang isa kong kamay na nasa kabilang balikat niya.

"Oo naman, 'Nay! Ako paba?" Masiglang sabi ko saka ngumiti ng matamis.

"Nga pala... Nabalitaan kong umuwi na raw ang mga magulang ni Adrian. Galing ka do'n sa kanila 'di ba? Kamusta naman na sila?" Pag-iiba ni Nanay sa usapan.

Tumango-tango ako. "Oo, 'Nay. Kaya nga ako natagalang umuwi kasi napahaba ang pag-uusap namin ng Señora..." Kuwento ko.

"Ganun ba? Mabuti naman at naisipan nilang umuwi dito kahapon, sakto at bisperas ng piyesta dito sa 'tin ngayon! Bukas na ang piyesta..." Usal ni Nanay dahilan para matigilan ako saglit ng may biglang maalala.

Shit! Hindi ko nga pala nasabi sa kanya!

"Shit! Nakalimutan kong sabihin sa kanya ang tungkol do'n..." Wala sa sariling nasabi ko ng maalala na hindi ko nasabi kay Adrian ang isa ko pang isinadya sa kanya kahapon doon sa kanila.

Pumunta ako ro'n para kamustahin ang kalagayan niya at para na rin sana imbitahan siya na sumama sa 'min bukas sa Sayawang Bayan.

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now