The Chapter 23;
NAKAYAKAP pa rin kami sa isa't-isa. Nang biglang nag-iba ang tugtog. Naging romantiko ito bigla.
• Muling Ibalik by First Cousins •
Lagi na lang kitang naaalala
Mula nang tayo'y di na magkita
Kung ikaw ay nagtatampo
Kailangang bang ganito
Bakit hindi natin...Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Sayang naman ang ating nakaraan ♪"Whitney?" Pagtawag niya sa 'kin. Magkayakap pa rin kami ngayon sa isa't-isa.
"Hmm?"
"Pwede ba kitang isayaw?" Malambing na tanong niya.
Saglit akong natigilan. Tama ba 'yong narinig ko? Niyayaya niya akong sumayaw? As in sumayaw? For real?
"Whitney??"
"A-ahh... Sige ba..." Wala sa sariling tugon ko habang hindi makatingin sa kanya ng diretso.
Alam mong ikaw lang ang mahal
Kailangan ko ay ang tulad mo
Ngunit kung sayo'y mawawalay
Saan ako tutungo, bakit hindi natin...Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Sayang naman ang ating nakaraan ♪Hindi ako gumalaw kaya siya na mismo ang naglagay ng dalawa kong braso sa balikat niya saka iniligay ang dalawang kamay niya sa bewang ko.
Kusang nagtama ang paningin naming dalawa pagkatapos hanggang sa unti-unting lumalapit ang mukha namin sa isa't isa.
Naramdaman ko na lang kalaunan na dumampi na pala ang malambot na labi niya sa sarili kong labi.
He kissed me passionately. Hindi katulad no'ng nakaraang araw na nagkahalikan kami. Ramdam na ramdam ko ngayon ang pagmamahal niya habang hinahalikan ako. Ramdam na ramdam.
"Alam mong ikaw lang ang mahal. Kailangan ko ay ang tulad mo. Ngunit kung sayo'y mawawalay. Saan ako tutungo, bakit hindi natin... Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Sayang naman ang ating nakaraan..." Wala sa oras na naitulak ko palayo si Adrian ng marinig ang boses ng kapatid ko sa gilid ko na sinasabayan ang kanta.
Oh ghod! Nakakahiya!
Napatingin naman ako sa kapatid ko na ngayo'y nakangiting nakatingin sa 'ming dalawa ni Adrian habang kasama naman niya si Lydia na siyang girlfriend niya.
Rinig ko na rin ang ibang bulungan at tilian ng iba na animo'y kinikilig sa nakita.
Nakakahiya talaga! Ang daming nakakita! Ang daming nakasaksi! Lupa, lamunin mo na ako ngayon na!
Dahil sa hindi na talaga kinaya ang nararamdamang hiya ay dali-dali akong lumabas ng covered court na 'yon. Rinig ko pang tinawag nila ako roon pero hindi ko na sila inabalang lingunin at tuloy-tuloy lang na lumabas hanggang sa medyo makalayo na sa lugar na iyon.
"Whitney, wait!" Habol sa 'kin ni Adrian. Hinigit ako nito ng nahabol rin niya ako.
"Ano ba?!" Bulyaw ko sa kanya na ikinatigil niya saglit. Hindi niya siguro inaasahan na mapagtataasan ko siya ng boses. Ako rin, hindi ko inaasahang pagtataasan ko siya ng boses. "Alam mo bang nakakahiya 'yong ginawa mo doon? Ang daming nakakita sa atin doon! Paano kong nakita rin iyon ni Nanay? Anong sasabihin ko? Anong idadahilan ko? As far as I know, walang tayo kaya anong sasabihin ko kay Nanay? Na wala lang 'yon? Ano na lang ang sasabihin at iisipin ng ibang nakakita tungkol sa paghahalikan natin? Na tayo? Kahit ang totoo ay hindi naman..." Diretsong usal ko sa kanya habang diretso ring nakatingin sa kanya na may naluluhang mata.
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomanceComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...