The Chapter 18;
"I'M REALLY sorry, hija. Hindi kaagad talaga kita nakilala. Ikaw kasi, eh! Ang ganda mo na lalo! Manang-mana ka talaga kay Concepcion! Sorry talaga..." Habang papunta kami sa sala ng kanilang malaking Hacienda ay todo parin si Señora sa paghingi ng tawad sa 'kin dahil raw ay hindi na niya kaagad ako nakilala.
Inintindi ko na lang dahil naiintindihan ko naman kung hindi na niya ako nakilala kaagad kanina. Siyempre, people changed. Lahat ng tao nagbabago. Lahat naggo-grow up. Am I right or left?
"Ano kaba naman po, Señora! I said it's fine... People changed nga sabi ng nakararami..." I softly said and then I give her a genuine smile.
She smiled genuinely too. "Hanggang ngayon, ang bait mo pa ring bata... Walang pinagbago!" Aniya sabay lingkis ng isang kamay sa braso ko. Ngayon ay nakaupo na kami sa isang couch. "Anyways, just call me Tita or Mommy, hmm?" Dagdag niya.
Napamaang ako. Ehh?
"Uhh..." I don't know what to say!
"Mom!" Sambit ni Adrian na ngayo'y parang hangin na lang sa kanyang ina na hindi pinapansin kaya natawa na lang si Don Rafael na siyang ama ni Adrian. Tahimik lang itong nakaupo katabi ang anak pero nakatingin ito sa 'min ngayon ng nakangiti at nakikinig sa usapan.
"Shut up, Son! Bahala ka d'yan! Nagtatampo ako sa 'yo, alam mo ba 'yon? Hindi mo sinabing naha-" Hindi natuloy ni Señora Leonora Theresa ang sasabihin niya ng pinutol iyon ni Adrian ng magsalita siya gamit ang nagbabantang boses.
"Don't you dare to say that, Mom!" Ani Adrian sa nagbabantang boses.
"Tss! Whatever... Tampo ako sa 'yo!" Parang batang usal ni Señora na bahagya pang umirap kaya hindi ko maiwasang hindi matawa matapos nitong itinuon muli ang atensyon sa 'kin habang nakangiti. "So how are you now, hija? Saan na kayo ngayon nakatira? Anong trabaho mo? Saan ka nagtratrabaho ngayon? Kamusta naman na ang pamilya ninyo? Ang tagal na rin ng taon na lumipas..." Sunod-sunod niyang pagtatanong. "Haysst. I wonder, ano ng nangyari sa 'yo noong mga nagdaang taon na hindi na kami nakabalik dito... Siguro nalungkot ka ng husto. I'm really sorry, hija. We're really sorry... Kung bumalik lang din kaagad kami dito after naging successful ang operation ni Adrian at naka-recover na siya, e 'di sana..."
Umiling-iling ako habang nakangiti pa ring nakatingin sa kanya. "No, Señora. It's really fine. It's okay. Naiintindihan ko kayo ni Don Rafael. Alam kong para rin sa kapakanan ni Adrian ang ginawa niyong hindi na pagbalik ulit dito noon. As a mother of Adrian, alam kong nag-aalala ka lang sa anak mo bilang ina. Nag-aalala ka sa mga susunod na pwedeng mangyari ulit na masama sa kanya. Kaya naiintindihan ko po kayo ng Don, Señora..." Pag-iintindi ko sa sitwasyon.
Hindi na ako magtataka o magugulat na may mangyari ulit na masama dito sa 'min kay Adrian lalo't isa siyang tagapamana ng mga Cortez. Kilala ang angkan nila na isa sa mga mayayamang pamilya sa lugar namin at sa Manila.
Ang nangyari noon kay Adrian sa isang piyestahan kung saan ay nabaril siya malapit sa mata dahilan para nabulag siya ay kagagawan ng mga taong may interes sa kanilang mga kayamanan. Kaya nangyari iyon sa kanya. Sinubukan siya ng mga taong may interes sa kayamanan nila na patayin siya pero sa huli ay hindi rin naman nagtagumpay ang mga may kagagawan dahil nakaligtas siya ngunit nabulag naman. Nahuli rin sila kalaunan at nabulok sa kulungan dahil sa ginawa.
At doon nagsimula ang pagiging magkaibigan namin nina Cian. That time, I helped Cian na buhatin si Adrian na sobrang bigat para makaiwas sa isang pagsabog rin naganap. Thankfully, nakaligtas naman kami at wala masyadong naging komplikasyon sa 'ming mga katawan. Maliban na lang kay Adrian na may tama na nga ng baril malapit sa mata ay ang dami pa nitong mga bugbog na natamo. Kaya ayon, nagtagal siya ng ilang araw, linggo at buwan sa hospital bago nagising dahil bugbog sarado talaga ang katawan niya at hirap na hirap siya kung gumalaw man lang o magsalita.
Napailing-iling nalang ako sa sobrang disappointed sa mga taong gumawa no'n sa kanya noon. Masyado silang mga sakim sa pera na to the point na kaya nilang pumatay ng kapwa nilang tao para lang sa pera.
Grabi talaga ang nagagawa ng pera sa mga tao...
"Saka past is past, Señora. Kung siguro maibabalik man ang oras, alam kong gagawin at gagawin mo pa rin ang mas ikabubuti ni Adrian. Handa kang gawin ang lahat, maging maayos lang si Adrian... Ganun ka mabuting ina..." I said in a matter-of-fact tone. "There's no wonder, why Don Rafael really loves you..." Dagdag ko pa habang ang mag-ama naman ay nakatingin lang sa 'min ngayon ni Señora na ngayo'y napahawak pa sa dibdib na animoy na-touch sa sinabi ko.
"Thank you, hija! You're so understanding..." She said and then hugged me tight.
I hugged her back too. "Always, T-tita..." I whispered that only Señora can heard what I've been said.
Totoong naintindihan ko ang naging sitwasyon. Alam kong kaya hindi na sila bumalik pa dito ay dahil nag-aalala ang Señora na baka may mangyari ulit na masama sa kanilang unico ijo. Kaya napagpasyahan at naisipan nilang doon na lang tumira at ipagpatuloy ang buhay nilang pamilya.
Pero kasi... Naghintay ako...
Bago sila umalis, hinanda ko na talaga ang sarili ko na maghintay even though it will took a years bago ko siya ulit makita.
Naghintay ako. Naghintay ako na balang araw babalik siya at ipagpatuloy namin 'yong pagmamahalan namin sa isa't-isa bago pa man siya noon umalis at lumipad patungong Amerika, kasama ang mga kapamilya niya. Nagka-aminan pa kami ng feelings sa isa't isa before we parted ways.
And also that day, he promised. Nangako siyang sa pagbalik niya ay ipagpapatuloy na namin ang aming pagmamahalan. Pero hindi... Hindi na siguro iyon mangyayari pa.
Nakahanap siya ng iba doon sa ibang bansa. Nakahanap siya ng bagong mamahalin. Nakahanap na siya ng iba. At ibig sabihin lang no'n ay wala na. Hindi na niya ako mahal dahil nakahanap na siya ng iba na ipinalit niya sa 'kin. Iba na ngayon ang mahal niya.
Kaya nga siya nandito, 'di ba? Para mag-move on sa ex niya...
Kaya mas malabo pa sa paningin ng isang bulag na mangyayari pa ang matagal ko ng hinihintay... Ang maging kami.
Dahil kung 'gayong meron na siyang ibang minahal noon doon sa Amerika... Malamang, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang paunti-unting pagkabura ng nararamdaman niya para sa 'kin.
Ang akin lang naman, sana ay ininform niya man lang ako, 'di ba? Like, pinadalhan man lang niya ako ng liham na naglalaman ng paghingi niya ng tawad o farewell dahil wala na, nakahanap na siya ng iba, ganun... hindi 'yong ganito na para akong tanga na naghihintay ng isang himala sa gilid, kahihintay sa kanya. Hanggang sa umabot na lang ng walong taon ang paghihintay ko sa kanyang bumalik.
Kasi masakit, eh. 'Yong naghihintay ka pero wala ka naman na palang mahihintay... Nawala na... Kasi nakahanap na pala ng iba.
Ang sakit... Na kahit hindi naging kami ay nasasaktan ako dahil umasa ako at naghintay sa taong nangako sa 'kin pero bumalik na wasak ang puso dahil sa ibang babae.
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomanceComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...