THE CHAPTER 8

248 6 0
                                    

The Chapter 8;

"... AND this is my own house," Saad ko sa kanilang apat matapos naming makarating sa sarili kong bahay ilang metro lang ang layo sa bahay namin noon.

Kaagad naman nilang inilibot ang paningin nila sa loob ng bahay ko. Mula sa mga furnitures at mga iba pang kagamitan ay kumpleto na lahat-lahat ang mga narito. Ang tanging kulang nalang ay ang magkaroon ako ng sariling pamilya para matirhan na ito. 

Resthouse ko lang kasi ito sa ngayon, lalo't ako lang ang mag-isang tumitira rito. 

Gusto ko sanang dito na lang sina Nanay tumira, ang kaso, ayaw niya. Gusto niya roon sa dati naming bahay. Kaya pina-renovate ko na lang ang dati naming bahay para sa kanya at kay bunso.

And also, hindi rin ako naglalagi rito dahil may trabaho ako sa Manila. Tuwing bakasyon lang ako dito kapag naaaprubahan ang vacation leave ko tuwing gusto kong magbakasyon nang kahit ilang mga linggo lang naman para makapag relax rin ako kahit papaano. Nagkataon lang talaga na sa bahay ni Nanay ako tumutuloy ngayon sa bakasyon kong ito ngayon co'z I felt loneliness. Kaya roon muna ako tumutuloy.

Nakakabaliw ang mag-isa sa ganitong kalaking bahay.

"Whoaah... Mala-mansyon lang ang peg! Taray mo 'teh! I wonder... Ilang taon kaya bago ito natapos 'noh? Ganda..." Aicelle said habang punong-puno ng pagkamangha ang mga mata. "Magkakaroon rin ako ng ganito balang araw..."

"Hmm... Mga three years rin mahigit bago natapos..." Sabi ko kay Aicelle habang inililibot rin ang tingin sa kabuuan ng bahay ko.

Malinis. Malinis naman at walang mga alikabok sa bawat estante ng mga kabinet. Thanks to Nanay at palagi niyang nai-i-maintain ang cleanliness ng bahay ko.

"Nice one, Whitney! Ang ganda ng bahay mo! Sana all!" Puri naman ni Cian kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. 

Kaagad namang nabura ang ngiti ko at napangiwi nang makita kung saan siya nakatingin.

Kay Aicelle siya nakatingin mga beh...

Kanina ko pa 'to napapansin, eh... Kanina para silang mga tanga na nakatitig sa isa't-isa doon sa amin habang hindi makapaniwala na nagkita sila. Then, later on bigla silang nawala dalawa na parang bula. Tapos kanina sa van magkatabi silang dalawa kaya si Adrian na lang ang nagmaneho papunta rito sa bahay ko. Pagkatapos, ito pa? Makikita ko si Cian na nakatingin kay Aicelle ng palihim. Weird...

Napatingin naman ako kay Adrian nang bigla itong tumikhim na narinig ko kaya nang malingunan ko siya ay nakita ko siyang nakatingin sa 'kin ng deritso habang walang emosyong pinapakita sa kanyang mukha.

"Hindi na rin masama. Your house is unique, though..." Anito sa kalmadong boses saka inilibot rin ang tingin sa paligid ng buong bahay ko.

"Salamat, ah?" Medyo sarkastikong sabi ko saka naman nilingon ang boss kong si Rence na nakatitig sa 'kin habang may mga ngiti sa labi. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi ma-weirduhan sa kanya.

Ba't ba ang daming mga weirdo ngayong araw na ito? Geez!

"So... What can you say about my house?" Tanong ko rito saka ngumiti pabalik sa kanya.

Napailing-iling naman ito pero nandoon pa rin ang mga ngiti sa kanyang labi. "I never thought that behind of your being frugal, you're making your own house way back then..." Anito habang nakangiti pa rin sa akin. "I'm so proud of you, Whitney…"

"Thank you, Rence..." Pagpapasalamat ko rito habang hindi rin mawala-wala ang mga ngiti sa labi tulad niya.

"Always, Whitney, Always..." Mahinang sabi nito sabay gulo ng buhok ko dahilan para napanguso ako at natawa naman siya ng bahagya.

"Ang totoo niyan, thankful talaga ako sa 'yo... Dahil kung hindi mo ako tinanggap noon sa trabaho at kung hindi mo ako naging secretary ngayon, hindi ako magkakaroon ng ganito kaganda at kalaking bahay ngayon. May stable na trabaho at may sarili ng bahay at kaya ng bumuhay ng sariling pamilya..." Saad ko sa kanya. "Kaya thank you, thank you ng marami, Boss Rence. Katas 'to ng pagiging secretary ko at bilang empleyado mo."

Naalala ko pa noon kung paanong halos sumuko na ako sa paghahanap ng trabaho dahil walang tumatanggap sa akin noon kahit college graduated naman na ako. Sabi nila tatawagan na lang raw nila ako kapag may update na pero wala namang ni isang tumawag sa 'kin. Nakakasama ng loob, sa totoo lang. 

Para tuloy akong tanga na naghihintay noon. Habang ang iba naman ay kailangan ng isang empleyado na may experience na. Eh, kaso ako wala. No experience. Kaka-graduate ko lang kasi. Kaya ayon ang ending wala akong nakuhang trabaho. Not until...

Dumating 'yong opportunity na natanggap ako sa huli kong inaplayan sa wakas. At 'yon ay dahil kay Rence na Boss ko. He gave me some opportunities. And now, I can proudly said that I can stand together with my dreams without any help from others...

And together with my dreams, I want also to be with someone who can't be mine. I want him, also... Charr!

*/Sighs; My only dreams for now is ang maging akin siya. Charrr! Mukhang ni hindi nga niya pala maalala kung ano talaga ako sa buhay niya noon, eh! Hayyyssst!

Hahayyy... Paitas kinabuhi ani!

Panahon na siguro para tumigil na ako sa kakaasa sa kanya at mag-move on na. Psh!

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now