The Chapter 6;
KINAUMAGAHAN, maaga kaming nagising tatlo. Halos magkasabay-sabay lang rin kaming nagising pero mas nauna lang ng kaunti ang dalawa keysa sa 'kin. Nakakahiya nga, eh... Ako itong nagsabi na dapat maaga kaming magising ngayon pero ito, ako ang huling nagising sa aming tatlo. Ni hindi man lang ako ginising. Hmmp!
Nang magising ay wala na akong katabi. Wala na ang dalawa. Marahil ay bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang kwarto. Kaya bumangon na lang ako pagkatapos ay tinungo ang guest room kung saan ako tumuloy noon at doon ginawa ang morning routines ko tuwing umaga.
Nang matapos na ako ay bumaba na ako. Bahagya pa akong natigilan sa kalagitnaan ng pagbaba mula sa hagdan ng nabungaran ang dalawa na nasa sala, magkaharap na nakaupo sa dalawang single couch habang umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo. Animoy may mga kanya-kanyang sariling mundo.
"Good morning!" Pagkuha ko sa atensyon nilang dalawa habang papalapit na sa gawi nila.
Dahil hindi na kami 'gaya ng dati na close ni Adrian, kay Cian na lang ako lumapit imbes na kay Adrian.
"Magandang morning!" Bati sa akin pabalik ni Cian nang nilingon ako nito. Kaagad nitong binaba ang diyaryong binabasa at itinuon sa 'kin ang kanyang atensyon.
Ngumiti ako. "Morning..." Usal ko sabay lingon kay Adrian na ngayo'y nagbabasa pa rin ng diyaryo. Ni hindi man lang ito nag-abalang lingunin ako.
"Kain muna tayo bago ka umalis?" Ani Cian saka tumayo mula sa pagkakaupo.
Umiling ako. "Hindi na siguro... Baka matagalan pa ako lalo dito." Sambit ko. "Tsaka baka mainip na 'yong boss ko doon sa amin, kakahintay sa 'kin..." I reasoned out.
"Eh 'di mainip siya..." Sabat ni Adrian na ikinalingon ko sa kanya, pati na rin si Cian ay napalingon sa kanya.
Bahagya pang nag-slow sa paningin ko ang pagbaba niya ng diyaryo sa lamesa na nasa gitna nilang dalawa ni Cian. Ngayon ay kitang-kita ko na ang pagmumukha niya.
He's only wearing a white v-neck shirt and black short with Fila branded slippers but still... Ang lakas pa rin ng datingan niya sa paningin ko kahit simple lang ang suot niya at medyo madilim ang ekspresyon niya.
While Cian is wearing a navy blue v-neck shirt and blue shorts with Nike branded slippers.
"Oo nga, Whitney. Eh 'di mainip 'yang boss mo sa paghihintay sa 'yo! Tsk, bakasyon mo ngayon 'di ba? Dapat hindi ka dinidisturbo ng isang 'yon!" Sang-ayon ni Cian sa pinsan niya. "Sino ba 'yang boss mong 'yan, ah? Pakilala mo sa 'kin... Grabi siya, bakasyon na bakasyon mo, nang-iistorbo siya?!" Dada pa niya habang nakapamewang sa harapan ko.
Napangiwi ako. "Hindi na. Kahit naman siguro sabihin ko sa 'yo kung sino siya, baka hindi mo lang rin siya makikilala. Tyaka hindi naman siya abala sa bakasyon ko rito, okay? Medyo nakakapagtaka lang na nandoon siya sa bahay namin ngayon..." Mahabang lintaya ko.
Tumango-tango naman siya. "Pero sino nga 'yang boss mong 'yan?" Pangungulit niya.
Ngumisi ako. "Sekretong malupit..." Mahinang sabi ko saka tumawa. Ang kulit din kasi, eh! Baka kung malaman niya pa kung sino ang boss ko, baka bungangaan pa ng isang 'to... Nakakahiya! Baka matanggal pa ako sa trabaho, huwag na lang!
Kilalang-kilala ko na ang bibig ng isang Cian Lee Cortez na ito. Mahilig magbunganga pero okay lang naman dahil imbes na idaan sa pakikipagsuntukan ang lahat kapag nagkakaroon ng kaaway o minsan ay nagkakainitan ng kausap ay, dinadaan niya lang sa pagbubunganga hanggang sa wala ng masabi ang kakompronta niya.
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomansaComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...