The Chapter 30;
DALAWANG BUWAN ang lumipas...
"Ahmm... Boss? Alis na po ako." Paalam ko kay Rence na ngayo'y abala sa pagpi-pirma ng mga papeles na nasa ibabaw ng mesa niya. Nilingon naman ako nito saka itinigil ang ginagawa. "Gusto niyo po, bago ako umalis ibili ko muna kayo ng pagkain niyo this lunch?" Offer ko na kaagad niyang inilingan.
"No need. You can go now, Whitney. Ako ng bahala sa kakainin ko this lunch time." He said as he smiled.
I nodded and smiled at him back. "Okay. Alis na po ako. Bye! Thank you nga pala sa pagpayag na maghalf-day ako ngayon." Sambit ko.
"Your always welcome, Whitney. Sige na, alis kana. Ingat ka sa biyahe." Aniya na tinanguan ko na lang bago lumabas ng office niya at nagtungo sa elevator.
I sighed softly. It's been two months passed since naging kami ni Adrian. We are now two months in a relationship. Actually, kahapon kami nag-two months. At kahapon rin saktong nag-propose sa 'kin si Adrian. So we are now already engaged. So speed right?
As he said, bakit pa nga ba namin pagtatagalin ang lahat? Kung ito naman ang matagal na naming gusto noon pa man. Kaya oo man o hindi. Payag man ako sa hindi. Still, isusuot niya pa rin raw kahapon ang singsing sa kamay ko at pakakasalan ako sooner or later.
The ring is color gold na pinalilibutan ng mga maliliit na diyamante na kapag itinutok mo sa araw ay talagang kikinang. Simple but elegant and expensive.
Naging saksi sina Aicelle, Rence, mga magulang ni Adrian, si Cian at sina Nanay at Bunso sa naging proposal sa 'kin ni Adrian kahapon sa mansion nila dito sa siyudad. Hindi ko nga inaasahan na nandoon sila Nanay. That was unexpected. Haysst, Adrian and his own ways.
Sa ngayon nasa condo ko sina Nanay at Jhairo nanatili. Babalik din daw sila kaagad sa probinsya tapos babalik din dito kapag ikakasal na kaming dalawa ni Adrian.
And also, Rence and Adrian are now okay. Goods na silang dalawa. Wala ng karibal-karibal. Nakapag-usap na rin sila the day after my shift noong sinagot ko na si Adrian sa pangliligaw sa 'kin. While Cian and Aicelle ay hindi ko pa alam. Wala naman sila sinasabi pero mukhang okay naman na sila. Kung hindi pa man, I know magkakaayos rin sila. Para kay Cathyrine. Para sa anak nila.
I am now happy and contented to my life. Wala na akong hihilingin pang iba dahil 'yong matagal ko ng hinihiling noon pa man ay natupad na. Ang bumalik siya at maging kami. Hindi man naging maayos ang muling una naming pagkikita ni Adrian, hindi ko man inaasahan ang naging pagtrato niya sa 'kin noong nagdaan, wala na 'yon sa 'kin ngayon. Ang mahalaga, ito na kami. Engaged na at ikakasal na anumang oras.
"WOW! Saan ang punta natin?" Agad na bungad sa 'kin ni Aicelle pagkalabas na pagkalabas ko sa elevator na huminto sa first floor kung nasaan siya ngayon, may mga dala-dala na namang mga papeles.
Ngumisi ako sa kanya. "Well, pupuntahan ko lang naman ang fiancé ko ngayon..." Mayabang kong sabi.
Napangiwi siya. "Naghalf-day ka?" Tanong niya. Psh, hindi ba halata? "Taray, ah? Porque ikakasal na, nagha-half day kana! Aba!" Anito na ikinairap ko.
"Tsk! Ewan ko sa 'yo. Pupuntahan ko pa si Adrian. Mag-uusap kami tungkol sa kasal namin." Saad ko habang hindi maitago ang pagka-excite.
She snorted. "Heh! Eh 'di sana all na lang talaga! Basta ako ang maid of honor mo, ah?" Aniya. "Grabi! Ang bilis talaga ng panahon. Parang kahapon lang nasa ligawan stage pa lang kayo 'di ba? Tapos ngayon, engaged na kayo. Wews!" Anito habang kinikilig.
I chuckled as I shooked my head. Itong babaeng 'to talaga. "Oo na. Wala naman akong ibang close na kaibigan kundi ikaw, kaya expect mo ng ikaw talaga ang kukunin kong maid of honor sa kasal ko." I said.
"Naks naman! Sige, thank you. Malugod kong tatanggapin ang pagiging maid of honor mo sa kasal niyo ni Adrian. Basta 'yong anak ko rin, ah? Sali mo sa pagiging flower girl sa kasal niyo." Dada pa nito na natatawang tinanguan ko na lamang. "Sige na, shooo! Alis na. Marami pa akong gagawin. Bye!" Paalam niya bago ako iwan.
"Bye!" Pahabol ko sa kanya bago lumabas ng building na iyon at tinungo ang kompanya nina Adrian kung nasaan siya ngayon.
PAGKARATING na pagkarating sa labas ng kompanya nina Adrian ay kaagad akong pumasok sa loob ng building at saktong nakasalubong ko ang sekretarya ni Adrian na papalabas ng building.
"Hi!" Bati ko sa kanya ng makita niya ako at makita ko siya.
Ngumiti naman ito sa 'kin pabalik ng makita ako. "Hello po, Ma'am! Hulaan ko, si Sir Adrian po ang sadya niyo, 'di po ba?" Panghuhula niya na tinanguan ko na lamang. "Nandoon po siya sa office niya, Ma'am. May kausap. Punta na lang po kayo ro'n. Pasensya kana Ma'am kung hindi kita maihahatid doon sa office ngayon ni Sir Adrian. May iniutos pa po kasi sa 'kin, eh." Paliwanag niya sa 'kin sa magalang na boses.
Ito ang isa sa gusto ko sa sekretarya niyang ito, eh. Alam kong hindi niya lalandiin si Adrian dahil professional siya magtrabaho at may sarili na ring pamilya. Kaya hindi ako nababahala na siya ang naging sekretarya ni Adrian. Kampante ako sa kanya. At the same time, may tiwala rin ako sa kanya.
I smiled. "Okay lang. Sige, gawin mo na ang iniuutos niya sa 'yo. Ako ng bahala sa sarili kong pumunta sa office niya. Salamat." Saad ko na nginitian niya na lang bago lumabas ng kompanya. Ako naman ay tinungo na ang office ni Adrian na nasa 15th floor nitong building na ito.
NANG makarating sa floor kung nasaan ang office ni Adrian ay kaagad kong tinahak ang daan patungong opisina niya.
As I opened the door of his office, imbes na siya ang surpresahin ko ay ako mismo ang nagulat sa aking nakita. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa dalawang taong naghahalikan.
I gulped. "A-adrian..." Mahinang sambit ko na halos hindi na marinig pero mukhang hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Adrian dahil natigilan ito at kaagad na naitulak ang babaeng naka-kandong sa kanya na siyang kahalikan niya.
W-what's the meaning of this??
"Whitney, baby... L-let me explain first," Bakas sa boses na kinakabahan siya habang papalapit sa 'kin.
"Anong... Sinong... Bakit..." Hindi ako makabuo ng salitang sasabihin. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa nakita ko.
Ano nga bang dapat kong sabihin tungkol sa nakita ko?
"S-sino siya Adrian? Bakit..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano sila kokomprontahin sa nakita ko. As of now, I'm still shocked at hindi makapaniwala sa nakita.
Nakatingin lang ako ngayon kay Adrian habang sinusuri ang buong mukha niya. Bakas sa mukha niya ang takot at iba pang emosyon na hindi ko na mapangalanan pa kung ano.
May tiwala ako kay Adrian. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam kong may dahilan ang nakita ko. Hindi dapat kaagad ako magpaapekto sa nakita ko. Baka may misunderstanding lang sa nakita ko.
I convinced myself that what I saw has an explanation. That it was just a misunderstanding.
But damn it, Whitney! Hindi mo ba nakita na naghalikan sila? Labi sa labi. Ano 'yon? Naghalikan for what? Para saan? Ani ng kabilang panig ng isipan ko.
"She's..." Hindi natuloy ni Adrian ang sasabihin niya ng lumapit sa 'ming gawi ang babaeng kahalikan niya at siya na mismo ang nagpakilala sa kanyang sarili.
"I'm Vennice Smith. Adrian's fiancé and you are?" Pakilala nito sa sarili saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Natigilan ako narinig. D-did she just say Vennice? As in? What the...
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomanceComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...