The Chapter 24;
"WHITNEY! Anak? Gising na, tanghali na!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko.
Kaagad naman akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko saka kinukusot-kusot ang mga mata bago tumingin sa wall clock para malaman kung anong oras na.
It's already 6:30 a.m in the morning. Halos anim na oras lang pala ang naging tulog ko. Anong oras na rin kasi kami kagabi nakauwi.
And speaking of kagabi, bigla namang pumasok sa isipan ko ang narinig kagabi.
"Psh! Ano naman kayang ginagawa nina Nanay at Mang Kadyo, kagabi? Nakuuu! Tyaka, anong ginagawa dito ni Mang Kadyo, kagabi?" Wala sa sariling napatanong ako.
Aisshhh! Huwag nila sabihing...
"Whitney, ano na? Gising kana ba? Lumabas kana r'yan! Kakain na!" Sigaw pa ulit ni Nanay mula sa labas ng aking kwarto. Kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang lumabas mula sa aking kwarto.
Kaagad namang bumungad sa 'kin ang pinakamamahal kong ina na ngayo'y nakapamewang at tila inip na inip na sa kahihintay sa 'king lumabas sa kwarto.
"Good morning po!" Bati ko kay Nanay sabay mano bilang paggalang.
"Mabuti naman at bumangon kana. Hala sige! Kumain kana muna at pagkatapos ay tulungan mo akong mamigay sa iba pa nating mga kapitbahay ng mga natira nating handa kahapon sa piyesta..." Saad ni Nanay sa 'kin bago maglakad patungong kusina. Kaagad naman akong sumunod sa kanya sa kusina at nakita ang kapatid kong kumakain nang kanyang umagahan sa hapag-kainan namin.
"Good morning, Ate! Kamusta ang tulog?" Saad niya habang nakangising-aso.
Kaagad ko naman siyang tinignan ng masama na may pagbabanta. "Tsk! Ewan ko sa 'yo!" Maang-maangan ko. Kunwari hindi alam kung anong tinutukoy niya.
"Asus! Maang-maangan is real!" Pagpaparinig ni bunso na inirapan ko na lang bago humigop ng kape.
Ilang saglit pa ay natapos na rin ako sa pagkain ko kaya bumalik na ulit ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan.
'Gaya nga ng sabi ni Nanay ay tinulungan ko nga siyang namahagi sa iba naming kapitbahay ng mga natira naming handa kahapon sa naganap na piyesta. Ilang oras rin ang itinagal namin sa pagbibigay lalo't sinasamahan ni Nanay ng kaunting pakikipagusap sa mga binibigyan niya ng ulam. Habang ako? Ito, ginawa niyang alalay. Ginawa niya akong taga-dala ng mga ipinamimigay niya.
Ang nangyari nga pa lang piyesta kahapon ay naging payapa at tahimik. Walang nangyaring hindi inaasahan. Nasa loob lang rin ako ng kwarto ko that time, nagmumokmok. Wala naman akong maitutulong kay Nanay lalo't may mga kasamahan siya kaya nanatili na lang ako sa kwarto ko magdamag pero lumabas naman ako kagabi para magtungo sa Sayawang Bayan.
"Oh, Kadyo! Ito, owh. Para sa inyo ni Elisse." Ani Nanay kay Mang Kadyo ng ibigay niya rito ang huling bahagi na natira sa pamimigay namin mula pa kanina.
"Ayy, Salamat naman, Concepcion! Maraming salamat..." Ngiting pasasalamat ni Mang Kadyo kay Nanay habang nakatingin sa isa't-isa.
Weird. I smelled something fishy...
Pansin ko lang, ah. Ba't mas marami 'yong ibinigay ni Nanay kina Mang Kadyo? Ang weird na talaga... Parang gusto ko na lang tuloy maniwala sa instinct ko na may something sa kanilang dalawa ni Nanay.
"'NAY, matanong nga kita..." Pagsasalita ko ng makalayo-layo na kami sa bahay nina Mang Kadyo.
Naglalakad na kami ngayon pauwi sa bahay.
"Ano 'yon?" Tanong sa 'kin ni Nanay.
Tumigil ako sa paglalakad saka siya tinignan. Ganun rin ito. "Anong relasyon ninyong dalawa ni Mang Kadyo??" Pagtatanong ko habang nakapamewang na ngayon.
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomanceComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...