The Chapter 9;
"OKAY ka lang?" Tanong ko kay Aicelle habang nagluluto kaming dalawa ng hapunan dito sa kusina ko. Pansin ko ang pananahimik niya ngayon na hindi ko nakasanayan.
Well, nasanay na kasi akong palagi itong may baon na tsismis o hindi kaya ay putak ng putak na para bang manok. Kaya nang napansin ko ang pananahimik niya ay hindi ko maiwasang hindi magtaka. Minsanan ko lang ito makitang tahimik, eh. Madalas kapag tulog.
Binaliktad na muna niya ang nilulutong fried chicken bago lumingon sa 'kin ng may malungkot na mukha saka nagsalita. "Bumalik na pala 'yong Tatay ni Cathy, Whitney..." Mahina nitong sabi pero bakas sa boses nito at lungkot.
Kaagad namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Owh, tapos? Ano naman ngayon kung bumalik na? Eh, 'di ba... Sabi mo naman noon sa 'kin hindi mo ipagkakait si Cathy na makilala ang Tatay niya? So what's the matter?" I suddenly asked her. "Saka, hindi mo pa rin sinasabi kong sino nga ba ang Tatay ni Cathy... Ikaw ha? Kaibigan mo 'ko, Aicelle. Pwede mo 'kong pagkatiwalaan..." I snorted.
Aicelle already had a child, and that's Cathy. Nakakainggit nga eh. Siya may anak na tapos ako, ito still single.
Ang tanging alam ko lang sa Tatay nito ay iniwan daw sila nito ni Aicelle habang hindi nito alam na buntis siya. 'Yon lang ang tanging alam ko. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan ng lalaki. Ayaw ko naman na manghimasok. Desisyon niya kung sasabihin niya sa 'kin kung sino o anong pangalan ng Tatay ng anak niya. Kaya hinayaan ko na lang siya hanggang sa maisipan niyang magkwento sa 'kin.
Alam ko rin naman na hindi pa siya handang magkwento at naiintindihan ko iyon bilang kaibigan niya.
Siguro masyadong sensitibo para sa kanya ang tungkol ro'n, kaya hangga't maaari, ayaw niyang magkuwento sa iba.
"Si C-cian..." Anito sabay tingin sa 'kin.
"Bakit? Ano si Cian?" Nagtataka kong tanong. Kahit may mga naglalaro ng mga katanungan sa 'king isipan ay mas pinili kong hintayin ang mga susunod niya pang sasabihin sa 'kin.
Ghod! Stop thinking too much, selp! Baka sa kakaisip mo tumama ang iniisip mo sa sasabihin ni Aicelle sa 'yo...
"Si Cian ang Tatay ni Cathy, Whitney." Sabi niya at tuluyan nang napaiyak sa hindi ko malamang dahilan.
What the fvcking fvck?
Kaagad naman akong napasinghap dahil sa hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Nagpatuloy ang pag-iyak niya at habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang paghikbi niya kaya kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at inalo.
Damn! I don't know what to say! Ako mismo ang nagdala dito nina Cian sa 'min kaya nagkita silang dalawa. Hindi ko rin naman kasi alam na may connection pala sila sa isa't-isa noon pa man... Mierda!
"Damn... I'm sorry, Aicelle... I'm sorry." Paghingi ko ng tawad sa kanya habang inaalo pa rin siya. "Ako ang nagdala sa kanila dito kaya kayo ulit nagkita... I'm sorry..."
Rinig at ramdam ko naman ang pagpipigil niyang mapahikbi. "W-whitney... Natatakot ako..." Natatakot nitong sabi. "Baka... B-baka kunin niya sa 'kin si Cathy, Whitney... Natatakot a-ako. Hindi pwede... H-hindi niya pwedeng k-kunin sa 'kin ang a-anak k-ko..."
Mas niyakap ko naman siya ng mahigpit. "No. Of course, hindi mangyayari yun, Aicelle. Don't worry. Please stop crying na... Hindi niya kukunin sa 'yo si Cathy, maliwanag ba? Hindi pwede..." Pampalubag loob ko rito.
YOU ARE READING
Muling Ibalik [COMPLETED]
RomanceComeback Series 1: Adriano Vince Cortez | ✓ Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Ngunit magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat na nasa nakaraan na lamang? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ___ Date Started: 01/1...