THE CHAPTER 5

309 8 0
                                    

The Chapter 5;

NAGISING AKO sa isang kuwartong hindi pamilyar sa 'kin pero alam kong parte pa rin iyon ng Hacienda. At kung hindi ako nagkakamali ay nasa isa sa mga guest room ako ngayon.

Paano naman ako napunta rito?

The last time I checked nasa malawak kaming lupain ng mga Cortez kanina... Paanong...

"Mabuti naman at gising kana..." Bungad sa 'kin ng Señorito nang biglang pumasok ito sa kwarto.

"Adrian..."

"Bumaba kana. Kakain na..." Anito saka akmang lalabas na sana muli nang pigilan ko siya. Nilingon naman ako nito, lingon na nabuburyo.

"T-teka... Paano ako napunta rito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman ito. "Binuhat malamang, alangan namang hinila ka papunta dito..." Sarkastikong aniya saka ako tinalikuran at lumabas na sa kwarto.

Napangiwi naman ako. "Tss, kahit kailan talaga... Problema ba talaga sa 'kin ng isang 'yon? Kung madalas galit, minsan naman sarkastiko!" Bulong kong sabi saka bumangon na sa pagkakahiga. Doon ko napansing iba na pala ang suot kong damit.

Anak ka ng... Sino naman kayang nagpalit sa 'kin? Napapaisip kong saad sa 'king isipan. Uhm... Baka naman si Manang. Hihi, kalmahan lang, Whitney... Kalmahan...

"Good morning!" Sarkastikong bungad kaagad sa 'kin ni Cian sa dining area. Napangiwi nalang ako.

"Morns..." Nasabi ko na lang kahit maggagabi na, saka naupo sa tabi ni Cian. Habang si Adrian naman ay kaharap namin. "Salamat nga pala sa pagbuhat sa 'kin kanina. Kung hindi mo siguro ako binuhat at iniwan niyo lang ako do'n sa labas, malamang sa malamang, naulanan na 'ko ngayon..." Bulong ko sa kanya. Napansin ko kasi kanina habang pababa na ako na umuulan na pala sa labas.

Nakita ko naman kung paanong nangunot ang noo nito saka iling-iling na tumingin sa 'kin. "Hindi naman ako ang bumuhat sa 'yo, Whitney..." Bulong din nito sa 'kin.

"Huh? Kung gano'n, sino?" Bulong ko rin pabalik sa kanya pero hindi na siya nakasagot sa 'kin nang dumating na si Manang Caroline, dala-dala ang isang malaking bowl na may lamang sopas, umuusok pa nga ito nang ilapag niya sa gitna ng lamesa.

Sino naman kaya ang nagbuhat sa 'kin papunta dito? Hmm...

Napangiti naman ako sa naisip na baka ang pinsan niyang ubod ng sungit ang bumuhat sa 'kin.

"Ang cute niyong tingnan..." Biglang sabi ni Manang habang nakamasid sa 'ming tatlo na nagsisimula nang kumain at humigop ng mainit na sopas na siya mismo may gawa at luto. "Para akong bumalik sa nakaraan. Kung saan, halos walang makapaghiwalay sa inyong tatlo. Kulang nalang ay dito na tumira itong si Whitney, kakalagi rito. Mabuti na lang at mabait ang Nanay nito't pinapayagan siyang pumunta dito palagi kahit may kalayuan ito sa kanila..." Patukoy ni Manang Caroline sa 'kin at sa 'ming tatlo.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Memories bring back...

"Kamusta na nga pala si Nanay Concepcion at ang kapatid mo?" Biglang tanong naman ni Cian saka tumingin sa 'kin at ngumiti. "Sa susunod, doon naman tayo magpunta sa inyo..."

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now