THE CHAPTER 1

566 6 0
                                    

The Chapter 1;

"OH, HIJA? Kumusta naman ang pag-uusap niyo ng Señorito Adriano? Nagkausap nga ba kayo?" Bungad sa 'kin ni Manang Caroline nang makababa ako.

"Saglit lang po kaming nagkausap, Manang..." Nanlulumo kong saad sa kanya.

"Aba'y bakit naman?" Nalulungkot nitong tanong sa 'kin pero nandoon ang pagtataka kung bakit saglit lang kaming nagkausap ng Señorito. "Huwag mong sabihing hindi ka rin niya nakilala?"

Nagulat ako. "Bakit naman po? Ako lang 'to!" Naguguluhan kong tanong.

"Aysus! Kahit nga ako, hindi ka kaagad nakilala. Siya pa kaya? Eh, baka nakakalimutan mo, bulag siya noong nakilala ka niya. Kaya hindi ko siya masisisi kung hindi siya kaagad naniwalang ikaw nga si Whitney." Paliwanag ni Manang. "Saka ang laki rin kasi ng pinagbago mo, hija! Dalagang-dalaga kana! At mas lalong gumanda!" Puri nito sa 'kin.

"Hindi naman po masyado. Pero salamat po." I said, kahit papaano ay napagaan ni Manang ang loob ko.

Marahil ay nabigla ko rin siya kaya ganon. Gusto ko tuloy kutusan ang sarili dahil sa ginawang pangbibigla sa Señorito.

"Walang anuman, hija. Teka, kumain kana ba? Ipaghahanda kita ng pagkain kung ganon..." Ani Manang Caroline.

I shook my head. "Hindi na po, Manang. Uwi na po ako. Salamat na lang ho. Bukas ulit!" Saad ko.

Nakita ko pa siyang nalungkot sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti na lang din siya sa huli. "Ganon ba, sige. Ingat sa pagmamaneho pauwi, hija!"

"Opo!"

"OH, ANAK, ginabi ka 'ata sa pag-uwi?" Nag-aalalang bungad na tanong sa 'kin ni Nanay nang makauwi na ako sa bahay matapos nagpunta sa Hacienda ng mga Cortez.

"Pasensya na, 'Nay. Nagpagasolina pa po kasi ako do'n sa kabilang baryo kaya natagalan ako sa pag-uwi." Dahilan ko.

"Ganon ba, saan kaba nagpuntang bata ka? Pinag-alala mo 'ko ng husto. Nagmamadali kapa naman kanina." Usisa ni Nanay.

"Galing po ako sa Hacienda ng mga Cortez." Sagot ko.

"Talaga? Tapos? Ano bang pinunta mo do'n?" Pagtatanong pa ni Nanay sa 'kin.

"Nakauwi na raw po si Señorito Adriano mula sa Amerika, 'Nay." Kuwento ko sa kanya.

"Ah, talaga ba? Eh 'di mabuti 'yan! Kung ganon, kumusta na siya? Nakita mo na ba siya? Kumusta na raw siya, anak? 'Yong mga mata niya, kumusta? Ayos naba? Nakakakita naba ulit siya?" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni Nanay.

Napabuntong hininga naman ako. "Siguro po." Tanging nasabi ko.

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang imahe niya kanina habang nakikipaglaban ako ng tingin sa kanya.

Oo, kulay asul pa rin ang kulay ng mata niya pero... Alam kong hindi na iyon ang dati. Hindi na iyon ang mga matang dati na palagi kong tinitignan nang palihim at hindi niya alam.

"Whitney naman! Sa tingin mo ba masasagot ng siguro po mo ang lahat ng tinanong ko sa 'yo?" Asik sa 'kin ni Nanay. Napangiwi naman ako.

Kahit kailan talaga...

"Mukhang okay naman po siya dahil nakita ko siyang humihinga kanina nang maayos at nakatayo sa harapan ko tsaka... 'Yong mga mata niya..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng pinangunahan na naman kaagad ako ng imahinasyon ko.

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now