THE CHAPTER 27

212 4 0
                                    

The Chapter 27;

AS I EXPECTED, tambak nga talaga ang tatrabahuhin ko once na bumalik na ako sa kompanya.

Lots of paperworks ang halos nakalagay at nakapatong sa isa kong mesa dito sa sariling office ko. Mga nakatambak at mga naiwan ko noong mga nakaraang linggo na ngayon naman ay nadagdagan pa pagbalik ko.

Una pang bumungad sa 'kin ang mga iyon na halos gabundok na sa dami.

Napahilot na lang ako sa sentido ko. Wala pa ngang nagagawa sa nasisimulan pero stress na ang bangs.

"Good morning, sis ko! Welcome back!" Bungad sa 'kin ni Aicelle nang pumasok ito sa office ko. Saktong kakaupo ko lang din sa swivel chair ko.

"Oh?" Nakataas pa ang isang kilay sa kanya.

"Ayy! Wala man lang bang isang good morning d'yan?" Aniya saka umismid pagkatapos ay ipinatong ang mga dalang papeles sa mga gabundok na tatrabahuhin ko.

At dinagdagan pa talaga niya. Ang galing. Ngayon, paano ko ito sisimulan at tatapusin?

Napasandal naman ako sa backrest ng inuupuan ko saka muling napahilot sa sentido. "Ghod, Aicelle! Hindi pa nga ako nagsisimula sa trabaho ko, tinambakan mo na naman ako!" Maktol ko na siyang tinawanan lamang niya.

"So? Kasalanan ko? Kasalanan ko? Sino bang nagbakasyon sa 'tin ng isang buwan? Hindi ba, ikaw? Kaya ayan! Face the consequence!" Mapang-asar nitong sabi dahilan para masama ko siyang tingnan.

"Malamang! Kailangan ko rin ng break! Hindi katulad mo, kailan kapa nga ba huling nagbakasyon? Ahh... Last two years ago, hindi ba?" Ganti ko rin sa kanya na kaagad niyang ikinairap.

"Whatever! I don't need a break. I don't need a vacation. Kailangan kong magsipag sa pagtratrabaho para sa junakis ko. Remember, may binubuhay na akong bata. Para rin ito sa future niya..." Aniya saka naupo sa harapan ko. Pinaggigitnaan kami ngayon ng office table ko. "Anyways, change topic tayo. Chika, anong ganap? How's your vacation? Kayo naba ni Adrian?" Pag-iiba nito ng usapan. Halatang excited pa sa isasagot ko ang bruha!

Napangiwi ako. "Anong kami na? Hindi pa ah. Pero nililigawan na niya ako." Saad ko habang nilalaro ang sign pen ko. "Tyaka, oo, nag-enjoy naman ako kahit papaano..." I said as I remembered the scenario of me and Adrian when we're together.

Habang inaalala ang mga naging bonding naming dalawa, doon ko napagtantong umalis nga pala ako nang walang paalam sa kanya.

Shit! Nakaligtaan kong magpaalam sa kanya! Ang tanga!

"Shit!" Wala sa sariling napamura ako dahilan para pandilatan ako ng mata ni Aicelle.

"Anong shit ka r'yan?! Minumura mo ba akong babaita ka!?" Masungit nitong turan sa 'kin.

Napailing-iling ako. "Hindi... Bigla ko lang naalala na hindi nga pala ako nakapagpaalam kay Adrian na babalik na ako rito sa Manila." Paliwanag ko. "Hindi bale, ite-text ko na lang siya..." Saad ko saka dinampot ang cellphone ko at tinext siya. Alam ko naman na ang numero niya.

___

+639*********

Whitney;

Nandito na ako sa Manila. Pasensya kana, hindi ako nakapagpaalam
sayo ng personal.

___

"Wews! Bakit kapa magpapaalam, eh, kayo ba? May kayo ba?" Pangbabara nito sa 'kin na inirapan ko na lamang.

___

Muling Ibalik [COMPLETED]Where stories live. Discover now