"What's your plan?" tanong ko kay Theo habang nililinis namin ang dating garden niya. We just had lunch and right after that, nagsimula na kaming maglinis. It's been three hours and we just finished.
"Plano saan?"
"Magtatanim ka ba ulit? Or do you have other things in mind?"
"Pinag-iisipan ko nga. Parang ayaw ko munang magtanim ulit. Ano kaya'ng maganda?"
"What do you have in mind?"
"Hindi ko alam. Construction? Puwede ring kagaya ng dati, mangisda ako gan'on."
"Maganda rin naman. It's up to you."
"Ang problema lang, paano ka? Kung magtatrabaho ulit ako, maiiwan ka dito."
Mabilis naman akong nakaisip ng paraan. "Do you remember the food cart sa bayan? Why don't you try selling street foods? Marami namang bibili, right? Kahit dito ka na lang."
He threw the wastes first before sitting beside me. "Puwede rin. Ilang linggo na ring tumigil sa pagbebenta iyong mga kapitbahay."
"Can I help? Madali lang naman ang gagawin, right?"
"Oo naman. Magluluto ka lang, tapos magbabantay."
"I'm excited!" sabi ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Parang 'yon lang excited na. Ewan ko talaga sa 'yo. Kung hindi ka nag-iinarte nagiging ignorante ka."
Malakas ko siyang hinampas sa braso. "You're so mean! Are you sure you like me?"
"Hindi dahil may gusto ako sa 'yo, magiging mabait na ako. Hindi naman ako nagpapa-impress."
"Whatever, Chudoro!"
He immediately glared at me after hearing his funny nickname. "Tigilan mo 'yan. Hindi Chudoro ang pangalan ko."
"Chudoro! Chudoro, Chudoro, Chudoro!" I chanted.
"Ah, gan'on? Nagmamatigas ka?"
He poked the side of my waist. "Hoy, don't do that!" But he kept on poking me, then it lead to tickling. "Theo... Stop it! I'm ticklish." I said between my laughs.
He didn't stop and continued tickling me, ao I tickled him back. Mahirap para sa akin ang abutin siya dahil hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay. Ang isa ang ginamit niya sa pangingiliti. I tried kicking and struggling, but it didn't work. When I saw the chance, I pushed him and we both stumbled. Napahiga siya sa damuhan at ako nama'y nakaupo sa tiyan niya. Tinulak ko ang balikat niya at nagtapat ang mga mukha namin.
"Don't tickle me!" singhal ko.
Mahahalata ang malalalim na paghinga at nakatingin lang sa akin. I suddenly remembered scenes from romance movies I watched back then. Ganito ang nangyayari sa mga bida, tapos magki-kiss sila kapag matagal silang nagkatitigan– kagaya ng ginagawa namin ni Theo ngayon.
"Theo, pare!" someone called from the front yard.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at nahihiyang natawa. Can't believe I imagined us kissing in that position. Weird things really happen when it comes to this guy.
Nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko siya. May isang lalaking sumalubong sa amin. Hindi niya yata ako nakita na nasa likuran lang ni Theo.
"P're kumusta?" the guy greeted.
"Ayos naman. Kumusta'ng Maynila?" Theo answered.
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Nga pala, inuman tayo sa bahay? Nandoon na barkada."
BINABASA MO ANG
Remorseful Enticement
RomanceRomance|R-16 Calista Vasiliev is a self-centered brat who grew up in a wealthy family. She's spoiled and can get anything she wants with a flick of a finger. Tired of her impudence, her parents sent her to a province to teach her a lesson. In order...