It's been hours since I went to bed, pero hindi pa rin ako makatulog. Parang may nakadagan sa dibdib ko sa bigat ng nararamdaman ko. Bumangon ako para sana kumuha ng tubig, pero pagbukas ko ng pinto ay saktong natumba sa paanan ko si Theo. Mukhang naalimpungatan pa siya at tumingin-tingin pa sa pailigid. Nang makita ako ay mabilis siyang tumayo.
"Cali, bakit gising ka pa?" he asked.
"Ano'ng ginagawa mo rito? You should be sleeping in your room."
"Akala ko kasi galit ka, kaya hinintay kita rito. Anong oras na ba?"
"It's late. Matulog ka na."
"Puwedeng tumabi muna ako sa 'yo?" He stood and held onto the door frame for support.
"Why? You have you own room naman, 'di ba?"
"Gusto kitang katabing matulog."
I sighed and went to the kitchen. I filled the glass to the top and let the cold liquid quench my thirst. On my way back, Theo is still standing by my door.
"Go ahead," I told him. "You can sleep in my room."
Nauna siyang pumasok pero hinintay niya muna akong humiga bago siya sumunod. Lumapit siya sa akin at yumakap, pero pinigilan ko siya. Sinabi ko na lang na naiinitan ako para tigilan na niya ako.
"Sige, good night," he whispered.
I heard him shuffling before sleeping. It took me a some time to put myself to sleep. When I turned around, tulog na siya.
"Good night," I whispered.
WHEN morning came, I did my morning routine and went out. I also took my phone and wallet. I heard Theo calling me from the kitchen and asking me what I want for breakfast.
"Gusto mo munang mamasyal," sabi ko.
"Saan? Sasamahan kita."
I shook my head. "I want to go alone. Maglilibot lang naman ako rito."
"Pero baka maligaw ka."
"I won't. I can do things on my own. Besides, I won't go that far."
He nodded. "Pero kapag matagal na at wala ka pa, susunod na ako."
I just smiled and went out. I inhaled the refreshing morning breeze. The sunlight feels good as it hit my skin. Naglakad-lakad ako kahit hindi ko naman talaga alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
May narinig akong parang tunog ng bell at kasabay n'on, dumaan ang isang cart. Tinitingnan ako ng tindero at ngumit sa akin saka siya tumigil sa harap ko. "Bili ka, ineng?"
"Ano po 'yan?" I asked.
"Lomi, at saka sopas. Mainit-init pa, masarap pang agahan."
I suddenly had the urge to eat breakfast. Hindi pa pala ako nakakakain."
"Magkano po?" I asked.
"Bente lamang, pero kapag may nilagang itlog, trenta."
"What's 'trenta' po?"
Mahinang natawa si kuya. "Inglisera ka pala. Thirty pesos, 'nak."
"I'll have one nga po. Iyong sopas."
Tumango siya at kumuha ng paper cup at iyon ang nilagyan. He asked me if I wanted chilli and garlic with it. Pumayag ako dahil na-miss ko na ring kumain ng maanghang. Ilang taon na rin akong pinagbabawalang parents ko. Nakahanap ako ng bench at doon ako naupo habang kumakain. May isang tindahan sa malapit at doon ako bumili ng tubig.
Muntik pa akong mapatalon nang tumunog ang cellphone ko. I didn't expect to pick up a signal in here, pero may dalawang bar. Nanny Maring is calling me, so I answered immediately.
BINABASA MO ANG
Remorseful Enticement
RomanceRomance|R-16 Calista Vasiliev is a self-centered brat who grew up in a wealthy family. She's spoiled and can get anything she wants with a flick of a finger. Tired of her impudence, her parents sent her to a province to teach her a lesson. In order...