I tied my hair in an updo and fixed myself. Theo told me to get myself ready because we're going to town. Fiesta raw dito ngayon at sabi niya, gusto niyang iparanas sa akin kung gaano kasaya ang ganito sa kanila. Maaga pa lang ay sinabihan na niya ako tungkol rito.
"What do you usually do on fiestas?" I asked as he helped me tie my shoelaces.
"Sa umaga, may parada. Pagkatapos n'on, may contests na ginaganap sa plaza. Kadalasan ay mga elementary students na nagpe-perform. Sa hapon naman, may mga nagsho-show, at sa gabi beauty pageant."
"That sounds fun! Maghapon ba tayo?"
He nodded. "Oo naman, at saka may challenge pala ako sa 'yo."
"Really? What's that?"
"Akin na wallet mo."
I handed him my wallet, then he took a thousand peso bill and gave it to me. "Iyang isang libong 'yan lang ang puwede mong gamitin sa araw na 'to."
"That's all? What if it's not enough?"
"Kung hindi kaya, 'di hindi. Pero kapag nagawa ko, gagawin ko ang isang bagay na ipagagawa mo sa akin."
"Kahit ano?"
"Oo," he confidently said. "Kahit ano pa man 'yan. At saka, mura lang naman ang mga mabibili doon. Ano, game ka?"
"Game!"
He laughed then held his hand out. I happily held it and intertwined our fingers together as we walked. Pinakain muna namin si Thali bago kami umalis.
Like the usual, naglakad kami hanggang sa sakayan ng jeep papuntang bayan. I secretly took photos of him and convinced him to take a picture with me. Pumayag naman siya, pero halatang pilit lang. He didn't even tried to smile!
"I'll set this one as my wallpaper," I told him.
"Ang pangit naman."
"Ako?"
"Hindi. Maganda ka, siyempre. Ang pangit ng picture niyan."
"If you smiled, then hindi ka sana nagrereklamo ngayon."
"Kahit naman ngumiti ako, pangit pa rin. Hindi naman maayos ang mukha ko."
"You're so pogi kaya!"
"Huwag tayong maglokohan dito, Cali."
"You're pogi nga! I mean it."
"Ewan ko sa 'yo."
Nagpatuloy siya sa paglalakad, pero medyo namumula ang tenga niya at halatang pinipigilan niyang ngumiti. Hindi ko mapigilang tumawa dahil sa ginawa niya. Maraming dumaraang jeep kaya madali kaming nakaalis.
For the first time since I got here, the town never looked more alive. Maraming nakasabit na kung ano-ano sa paligid. Even from afar, you could here the bands playing. May mga parade floats din and may mga nakasakay na beauty queens sa bawat isa. May mga nagsasayaw din kasama rin sa parade. Nasa gilid kaming nanonood. Children were so happy especially if the candidates threw candies.
"After nito, ano pa ang gagawin natin?" I asked.
"Pupunta tayo sa plaza. Manonood tayo. Hindi ka pa ba nakakaranas ng ganito?"
I quickly shook my head. "It's too hot. I'd rather stay at home or go shopping."
"Kung gan'on, sisiguraduhin nating mag-e-enjoy ka."
I giggled then continued watching them. Medyo mahaba pala dahil kakasimula pa lang. Nang makaraan ang pinakahuli sa parada, inaya na ako ni Theo sa plaza. Sabi niya, marami na ang tao mamaya kaya habang maaga pa, mauuna na kami sa magandang puwesto. Pinili namin ang pinakababang part kung saan mas maganda raw ang view kapag nagsimula na.
BINABASA MO ANG
Remorseful Enticement
RomanceRomance|R-16 Calista Vasiliev is a self-centered brat who grew up in a wealthy family. She's spoiled and can get anything she wants with a flick of a finger. Tired of her impudence, her parents sent her to a province to teach her a lesson. In order...