Pleasure 45

7.2K 115 2
                                    

Mabilis lang lumipas ang oras. Kanina lang ay naghahanda kami para sa flight namin, ngayon ay pababa na kami sa eroplano. There's a car waiting for us. Kasama namin sila Jian na umuwi dito sa Pilipinas at sila na ang nag-uwi sa bahay ni Theo ng luggages namin. Theo drove on of the cars to my family's company.

Habang papalapit kami ay palakas nang palakas ang kabang nararamdaman ko. Can Dad forgive me after what I did? Sana naman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa akin. I could never imagine my Dad being mad at me for so long.

"Malapit na tayo," Theo announced.

"Traffic na naman. Ilang minuto pa sa tingin mo bago tayo makarating?"

"Hindi naman na gan'on kalala. Siguro 15 minutes ay naroon na tayo. Sa ngayon, kumalma ka muna. Paano mo haharapin ang mga Daddy mo kung namumutla ka sa nerbiyos?"

"I'm not nervous."

"Kilala na kita. Walang silbi ang pagsisinungaling, mahal."

"I'm sorry. Ang dami kasing what ifs."

"Nandito lang ako. Sasamahan kita, pero hindi hanggang sa loob ng opisina ng ama mo. Magtatago na lang ako, at kung sakaling mangyari ang kinatatakutan mo, susunod na kaagad ako."

Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa labas. Hindi rin nagtagal, nasa parking lot na kami ng kompanya. And there goes the painfully loud beating of my heart again. God, please help me.

Nauna na akong lumabas kay Theo at maglakad papasok. He walked fast and caught up immediately, he held my hand and gave me a reassuring smile as we walked. The employees knew me and greeted me as we passed by.

"Didiretso na tayo sa top floor kung nasaan ang office ni Dad. There's a corner where you can wait," sabi ko kay Theo nang makasakay kami sa elevator.

"Sige, sana maayos niya na 'yan."

Hinintay ko munang makaupo siya sa isa sa couch. Kumuha siya ng magazine at iyon ang pinagkaabalahan. I nervously strolled towards the his office at dahil glass ang door niya, nakita ko na kaagad si Dad at katabi niya si Mommy.

I pushed the door open and their eyes darted on me. I can see the visible rage upon setting my eyes on my father. Si Mommy naman ay mukhang natuwa, pero pinigilan lang ang emosyon. Tumayo si Dad at hinampas pa ang lamesa niya.

"At bakit nagpakita ka pa?" his scary voice roared.

It stopped me from getting any nearer. I can feel the anger in his voice, making my heart wrench in pain. My throat felt dry; as if there's a huge lump that I can't swallow
Daddy ko...

"I just want to see you," I said in a low tone.

"After what you did? May gana ka pang magpakita rito?"

"Daddy, sorry po. I just can't see myself marrying —"

"I don't care! Bakit ka bumalik, ha? Ayaw na ba sa 'yo ng Theodore na 'yon? Nagsawa na ba? Hindi na ako magtataka, Calista." Sinubukan pa siyang pigilan ni Mommy, pero ayaw niya. "Sa tigas ng ulo mo at sa sama ng ugali ko, walang magmamahal sa 'yo!"

"Dad—"

"Kahit ako ay naiinis sa 'yo! One thing is all I asked, pero hindi mo kayang ibigay! I made a mistake when I married your Mom! Sana hindi ko na lang pinanagutan ang batang hindi sa akin!"

"Hon, stop!" Mom yelled, her voice cracking.

"What?" I stuttered. "What do you mean, Daddy?"

"Cali, anak, leave us muna," pakiusap ni Mommy.

"It disgusts me every time you called me your Dad," he remarked. "Hindi ko alam kung paanong sa loob ng maraming taon ay nakaya kong ituring na anak ang isang katulad mo."

Remorseful EnticementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon