"Bakit ka pumayag sa ganitong set-up? This is pure bullshit," bulong ko kay Dior habang nagda-drive siya papunta sa fashion designer na gagawa ng gown ko.
"Bakit naman ako hindi papayag? Marami akong mamanahin kung sakaling magkaka-asawa ako at anak."
"I don't want children."
"Oh, but you will. Hindi mo ba alam na kasama 'yon sa responsibilidad mo bilang asawa? You will bear my child and fulfill your responsibility as a woman."
I took a deep breath and formed my fists into balls. "Being a wife or a mother is not a mandatory responsibility of a woman. It's a choice, and you, as a man should not have anything to say about it."
"I'll let this pass, pero kapag asawa na kita, wala kang karapatang sagutin ako nang ganiyan. You should shut that little mouth of yours if you don't want me to put you into place."
A lone tear fell my my eyes as I diverted my gaze. Sa ngayon, wedding gown ko na lang ang kulang sa kasal. Kumpleto na ang lahat at sa susunod na linggo din ay engagement party na rin namin. Dad somehow gaslighted me into agreeing with this setup. Kapag nakaharap kami sa pamilya namin, akala mo ay santo si Dior. Kapag kaming dalawa lang naman, wala siyang ibang ginawa kung hindi bastusin ako. Napakawalang-modo niya at makasarili.
Dad also made me stop working from the cafe. They wanted me to move in with Dior, but I convinced them to let me stay at home for now. Pagkatapos ng kasal, titira na kami ni Dior sa Germany, nakapaloob din iyon sa usapan.
"We're here, bumaba ka na," he said.
Ni hindi man lang niya ako hinintay na makababa at nagtuloy-tuloy na. The staffs of the fashion designer greeted us with a warm welcome. Dior told them about our schedule at kaagad naman nilang tinawag ang amo nila.
After shaking hands and greeting each other, she gave us her portfolio showcasing her gorgeous designs. They're all beautiful, but I have something else in my mind. Nakapili kaagad ng tuxedo si Dior at sinukatan siya nang mabilis. Pagkatapos n'on, nagpaalam siyang hihintayin na lang niya ako sa kotse at saka umalis. Hindi lang iyong wedding gown ko ang ginagawa, pati na rin iyong isusuot ko sa engagement party namin.
I eyed the ball gown type gown and showed it to her. "I want this one," I stated.
"That is a good choice, dear. Susukatan na ba kita?" she asked.
Marahan akong tumango at saka tumayo. May isa pa siyang kasamang nagsusulat ng mga sinasabi niyang measurements ko. She asked me a few questions and I answered with the least words possible.
"And one more thing..." sabi ko nang paalis na ako, "I want my wedding gown black. Walang dapat makakaalam nito."
Mukhang nagulat pa siya pero kalauna'y tumango na lang din. Sumunod ako kay Dior sa kotse. Nakasandal siya roon habang humihithit ng sigarilyo at nakatingin sa kawalan. Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na suriin siya.
Matangkad siya at maputi. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi niya. Palaging nakatali ang buhok. He's the embodiment of a badboy in movies. Masama rin kasi ang ugali niya.
Dahan-dahang naglakad ako palapit sa kaniya. He smirked when he saw me and went in without even saying another word. Sumunod na rin ako sa kaniya. Nang maayos ko ang pagkakakabit ng seatbelt, naramdaman ko ang kamay niya sa hita ko na parang minamasahe niya.
"Hotel muna?" he whispered.
"May bahay ka, mayroon din ako. Ano namang gagawin natin doon?" pagtataray ko at saka hinampas ang kamay niya.
"Don't act innocent, Calista. Don't you wanna see what your future husband has to offer?"
"Kaya lang naman kita magiging asawa dahil mukhang pera ang mga magulang ko. Do you think I want anything from you? Delusional asshole."
"You try so hard to act like those hard-to-get girls. You're gonna give in, Cali. Wala pang babaeng hindi tumatanggi sa akin."
"Tanga ka pala, wala naman palang tumatanggi sa 'yo, bakit ako ang inaasawa mo? Manyakis na nga, tatanga-tanga pa. Ang baba ng standards ng mga sinasabi mong babae. Nakakaawa naman sila."
"Ganiyan kababa ang tingin mo sa kapuwa babae mo? Poor you."
I turned to him and smiled sarcastically. "Hindi naman, naaawa nga ako, 'di ba? O, baka naman pumatol lang sila sa 'yo dahil. . . sila ang naaawa sa 'yo?"
His jaw clenched as he started the car. I turned away and looked outside. Then, I saw another guy in a black suit entering the building where the fashion designer lives. I scanned the surroundings at hindi ako nagkamali. May isa na namang mamahaling sasakyan na nasa malapit lang– a black limousine car.
Tama nga ang hinala ko. Hindi talaga si Dior ang lalaking sumusunod sa akin. I wonder what he is up to. Isa lang ang hinihiling ko. Sana hindi kasing lala ni Dior ang epekto ng kung sino man siya. Umandar na kami papalayo kaya ibinaling ko na sa iba ang atensiyon ko.
We stayed quiet throughout the whole ride. When I got home, Mom greeted me with a big smile. Hindi na rin nagpakita si Dior dahil magba-bar pa raw siya. Mom showed me bouquet of roses with my name on it.
"Someone gave it to me kanina lang. Family friend daw," Mom said.
"Why would anyone give you flowers, Mommy?" takang tanong ko.
"I don't know, pero may kasama itong box na nakapangalan sa 'yo." She handed me a gray box.
Nagpaalam ako sa kaniya na sa kuwarto ko na lang bubuksan iyon. Inilapag ko ang lahat sa kama at saka nagpalit ng mas komportableng damit. Naghilamos pa ako para tanggalin ang kaunting makeup sa mukha ko bago balikan ang box.
It's a simple gray box with my name written in gold. I opened it, revealing a velvet ring box inside. Binuksan ko rin iyon at tumambad sa akin ang isang white gold band ring na may maliliit na diamonds. Napansin ko ang nakasulat sa loob ng box at pakiramdam ko ay natanggalan ako ng tinik sa dibdib.
"Ngayong puwede na, pagbubuksan mo ba ulit ako, mahal ko?"
BINABASA MO ANG
Remorseful Enticement
Любовные романыRomance|R-16 Calista Vasiliev is a self-centered brat who grew up in a wealthy family. She's spoiled and can get anything she wants with a flick of a finger. Tired of her impudence, her parents sent her to a province to teach her a lesson. In order...