Pleasure 44

7.3K 123 12
                                    

I was watching Theo pack up our things, preparing for our flight back to the Philippines. Gaano katagal na ba kami rito? Dalawang buwan na rin yata ang lumipas. His grandfather already let him go back to the Philippines as he is taking over their Chinese headquarters again. Tapos na ang pagtuturo niya at pagte-train kay Theo kaya pinayagan na niya itong makabalik kapalit ng pamamahala ni Theo sa kompaniya nila sa Pilipinas.

"Kanina ka pa nakatulala, mahal," pukaw niya sa pansin ko. "Okay ka lang?"

I nodded. "Mh-hmm. Medyo kabado lang ako sa kung ano ang mangyayari pagbalik natin. For the last two months, I've been the happiest. Pagbalik ba natin, gan'on pa rin?"

"Oo naman. We'll still be happy."

"I want to see my parents. Pupuntahan ko sila kaagad."

"And I'll be there with you."

"No," matigas kong sambit sabay iling. "I'll show up on my own.

"Cali, please? Hayaan mong samahan kita. Kahit magpakita lang ako... Hahayaan ko naman kayong mag-usap nang kayo lang ng mga magulang mo."

I sighed. "Fine. Sana okay na kami ni Dad."

He kissed my forehead. "Sana nga, but don't worry, mahal ka n'on. Go to sleep, maaga ang flight natin bukas."

"Ikaw, hindi ka pa ba matutulog?"

"I still have some papers to sign. Tatabihan din kita pagkatapos."

"I'll sleep later na lang din. I'll wait for you."

"Mahal, marami-rami pa iyon. Sige na, tulog na."

"Kaya ko naman ng kaunting puyat."

"Sige na nga." Itinabi niya ang kumot at saka umupo sa kama. "Halika na. Tatabihan kita hanggang makatulog ka."

"Huh? You mean it?"

"Oo nga, halika na."

Humiga ako sa tabi niya. Binalot niya ang katawan ko ng kumot at saka humiga sa tabi ko. He wrapped his arm around me and kissed my hair.

"Okay, if you insist." Tumabi ako sa kaniya at sumiksik sa katawan niya. "Kapag nakatulog na ako, saka ka magwo-work ulit?"

"Oo, kailangan ko nang matapos ngayon para makaalis na talaga tayo bukas."

"I'm excited to go home na."

"Pagbalik natin, ano ang balak mong gawin? Maliban sa kausapin ang Dad mo?"

"I don't know. Ikaw ba, do you have plans?"

"Balik tayo sa Pangasinan. Kahit isang linggo lang tayo ulit sa dati nating tinitirhan. I could use a little peace and quiet."

"And we'll visit Del? And Nanay Maring? Iyong mga kaibigan mong naiwan mo?"

He nodded. "Oo naman. Nakalimutan kong umuwi na pala ng probinsiya si Nanay. Kumusta na kaya sila?"

"Alam na ba nilang buhay ka?"

"Kung kumalat ang balita tungkol sa nangyari noong kasal ninyo ni Dior, malamang sa malamang ay alam na nila. Sa tingin mo, galit din ba sa akin ang mga kaibigan ko sa hindi ko pagsabi ng totoo?"

"If you tell them your reasons, maybe they'll understand. At saka mababit naman sila, I'm sure mas matutuwa pa silang malaman na buhay ka kaysa magalit sa "yo."

"‘Di payag ka nang umuwi tayo ng Pangasinan?

"Gusto ko na ring bumalik doon. Gaano tayo katagal mags-stay?"

"Isang linggo nga. Pagkatapos, babalik na tayo sa Manila at magtatrabaho na ulit ako."

Sumiksik pa ako sa katawan niya. "How about me?"

"Bakit, gusto mo na rin bang magtrabaho? Ihahanap kita ng magandang work."

"I want to be a full time vlogger or start my own business."

"Anong business, mahal?"

"I don't know. Cosmetic line maybe, pero bago iyon, kailangan munang makilala ako. Siguro, I'll work in my vlogs muna."

"May mga kailangan ka bang gamit doon para mabili na natin?" He started stroking my hair.

"I have nothing with me. Naiwan ko ang lahat ng gadgets ko sa bahay nila Mommy. I'll need a laptop, a camera that I'll use for filming, some light rings, and others."

"Magtitingin tayo pagbalik natin mula sa Pangasinan, ayos lang ba iyon?"

I giggled. "Yes, mahal."

"Sige na, good night na."

I held his nape and pushed him towards me. I gave him a peck on his lips. "Good night. I love you."

A soft chuckle escaped his lips. "Mahal din kita, Cali."

I closed my eyes and expected myself to fall asleep, pero hindi nangyari. I shifted positions, but my mind is wide awake. When I couldn't take it anymore, I sat up. Sumunod sa akin si Theo.

"Bakit?" he asked.

"I can't sleep."

"Gusto mong maglakad-lakad muna sa labas?"

"I guess that could help."

Tumayo siya at saka kumuha ng cap at saka sweaters para sa akin. "Isuot mo muna ito."

Hinintay niyang maisuot ko ang mga binigay niya bago hawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad paalis. His penthouse is near the busy part of the place. Maraming malalaking billboards at mga bukas na buildings. Magkahawak lang ang mga kamay namin ni Theo na naglalakad, walang nagsasalita pero hindi awkward. We're just enjoying everything.

"Ganitong buhay ang hindi mo kayang iwan noon, 'no?" he suddenly blurted out.

"Yep, you're right."

"Is this life still ideal?"

"Honestly, yes. I grew up with buildings, traffic and luxurious life, magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong mas gusto ko ang buhay sa probinsiya. There's nothing wrong with it, but I do think that we are entitled to have our own preferences. Ikaw ba?"

"Napagtanto ko ring ang tanga ko noon. Palagi kong iniisip na okay lang kahit wala akong pera basta buhay pa ako. Ayos na sa akin ang hindi sigurado kung may pambili ba ako ng pagkain ko sa susunod na linggo... Parang gago lang."

"Nasanay ka na rin sa luxurious lifestyle?"

"Unti-unti, oo. Mas maayos pa rin pala iyong hindi ka na mamomroblema kapag may biglaang nangyari kasi may pera ka. Mas maayos pa rin iyong mabibili ko ang mga gusto ko... Mga bagay na gusto mo rin."

"Ako na naman?"

"Oo naman. Huwag ka nang magpanggap, Cali. We both know you love being spoiled."

"Well, at least may karapatan akong maging spoiled brat, I'm so pretty kaya."

"Proud pa nga."

"Well, duh!"

Tumawa siya at saka pinanggigilan ang ilong ko. "Cute mo, pero ang sungit pa rin."

"I kinda miss our asaran."

"Sa dami ng puwedeng ma-miss iyon pa talaga? Ako, hindi mo miss?"

"Hindi. Who do you think you are ba?"

"Ang sakit mong magsalita. Nabangga ako ng kotse dahil sa 'yo— dahil sa inyo ng lintik na pusa tapos gaganyanin mo ako? Ang sakit-sakit n'on, Cali!" He even let go of my hand just to clutch his chest.

"Mukhang tanga, Theo. People are looking at you."

He looked around and found others looking at him, may iba pang natatawa. Hindi niya sila pinansin at hinawakan ulit ang kamay ko. Sa paglalakad namin, nakaramdam ako ng antok. I yawned and Theo immediately looked down at me.

"Balik na tayo sa penthouse? Tulog na tayo, mahal?"

I nodded. "I'm sleepy na."

And just like that, we walked back to our place. Theo carried me on his back. Just like earlier, he tucked me to bed and stroked my hair. After this, babalik na ulit kami. What's gonna happen next?

------
Birthday ko na bukas! (July 7) bigyan niyo ako ng Theo, fleece🥲

Remorseful EnticementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon