It's my third week of working as a cashier in a newly built cafe. Hindi na kami nagkaroon ng matinong pag-uusap ng mga magulang ko pagkatapos ng nangyari. Plano kong mag-ipon ng sapat na pera para bumalik sa Pangasinan. I can't take it anymore. Kapag nakapag-ipon ako ng pera, aalis na ako at itutuloy ko mag-isa ang pangarap ko para sa amin ni Theo.
It's almost five, malapit nang matapos ang shift ko. Wala naman nang taong dumarating at saktong bumisita si Vi. She ordered and asked my colleagues if we could talk. Mabuti na lang at mababait sila kaya pumayag.
"How's your job?" she asked.
"Okay lang. Maganda naman ang salary. It's not that tiring, and everyone here is kind to me. Hindi rin naman mahirap ang trabaho ko."
"Cali, college graduate ka. Why don't you try applying for jobs na connected sa tinapos mo? Mas mataas din ang suweldo."
I sighed. "Believe me, Vi, kung may tumatanggap lang sa akin ay matagal ko nang ginawa. I tried naman, but all of them were looking for experienced employees. Sa modeling, gusto ko rin, pero dahil sa accident, maraming nabago sa katawan ko. I'm not qualified anymore."
"Maybe my boyfriend could help you."
"Thanks. Sa ngayon, dito muna ako."
Magsasalita pa sana siya nang lumapit sa akin si Jacob, ang isang katrabaho ko at may dalang mocha latte. "Pinabibigay ng secret admirer mo."
I stared at his hand offering the said beverage. Simula second day ko pa lang dito ay may nagbibigay na sa akin ng mga inumin. Tinatanong ko sila kung sino siya, pero wala naman silang maisagot. Mayroon lang daw mga taong biglang pumapasok at binibilhan ako ng drinks na parang inutusan ng kung sino.
"Hindi mo ba nakita kung sino ang nagbigay?" I asked.
"Nakita ko kanina 'yong babaeng bumili nito na may kausap sa labas. Lalaking nakasuot ng itim pero hindi ko nakita 'yong mukha." He left after that.
Chills went down my spine. Pakiramdam ko ay pinapanood ako ng kung sino mang lalaking 'yon. What if he's a bad guy?
"Calista, you look scared. May problema ba?" Vi asked.
"I feel like someone is watching me. May nagpapadala ng drinks sa akin. What if he's a psychopath, or a criminal? Vi, I'm scared."
"Oh, God. You should stop working here na. If you don't feel safe, lumipat ka."
Napabuntonghininga na lang ulit ako at saka itinabi ang inumin. Nagpaalam na si Vivien na aalis na siya kaya bumalik na rin ako sa puwesto ko. Ilang minuto lang ay dumating na ang papalit sa akin. I went back to the employees' room where we keep all our belongings. Inayos ko muna ang suot mo at nagpaalam na.
Saktong paglabas ko ay bumuhos naman ang malakas na ulan. Sumilong ako sa isa sa mga waiting shed dahil hindi ako nakadala ng payong. Fifteen-minute walking distance lang naman kasi ang cafe mula sa bahay kaya madalas akong naglalakad. Iyong naiipon kong pera ay itinatabi ko sa kuwarto ko. Ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Balak ko na sanang takbuhin hanggang sa bahay, pero may tumigil na taxi sa tapat ko.
"Sakay na, Ma'am," sabi ng babaeng nagda-drive.
"No, thank you." I kept in mind na nagtitipid pa rin ako.
"Ma'am, bilis na po."
"I don't have money po."
"Pero may nagbayad ng isang libo sa akin para ihatid ko raw kayo."
I looked around and one thing caught my eye. A guy wearing a black hoodie with sunglasses covering his eyes is looking at me. May nakatakip ding mask sa kalahati ng mukha niya. I stared at him for a while. A man in black suit approached him and whispered something. Pagkatapos n'on ay umalis na rin sila dala ng isang mamahaling kotse.
"Ma'am, tara na po para makauwi na kayo," the driver said again.
Nag-text muna ako kay Vi ng plate number ng kotse at sinuri ko rin ang driver na mabuti bago ako sumakay. I told her my address. Habang umaandar kami pauwi, sumagi sa isip ko ang lalaki kanina. I couldn't see his face, but I know he's looking at me. Siya rin siguro ang lalaking palaging nagbibigay sa akin ng drinks sa cafe. Pero kung siya nga, bakit? What's his reason?
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinoproseso ang lahat. Hindi ako mapakali lalo na't may lalaki palang nakasunod sa akin. What if he's watching everything I do? What if he's a bad guy plotting something evil against me? Marami akong naisip na kung ano-ano dahil lang sa lalaking iyon.
"Ma'am, dito po ba?" the lady driver asked again.
"Yes, thank you. Bayad naman na, right?"
"Opo, Ma'am."
"Thank you."
I walked out and ran hanggang sa bahay. Wala na ang maids at drivers namin. Tatlo na lang kami rito at palaging busy si Mommy at Daddy. I always go home earlier than them, at ako na rin ang palaging nagluluto ng dinner dahil wala rin naman silang alam pareho. I went to my room to shower and dried myself.
Pagkatapos n'on ay bumaba na rin ako. Marami nang kulang sa fridge namin kumpara noong maayos pa ang buhay namin. Kinuha ko iyong isda at nilinis iyon. I'm still slow at these things, but I'm thankful na maalam na ako. I fried it and cooked some rice as well. Itinabi ko iyon pagkatapos at saka tumuloy sa sala para hintayin ang Mommy at Daddy.
It's half past seven nang marinig ko ang kotse nila. Hindi na rin gan'on kalakas ang ulan kaya naririnig ko ang boses nila, at sigurado akong may kasama pa silang iba. Boses iyon ng isa ring lalaki na nakikipag-usap sa isa pang lalaki.
"I'm thrilled to meet our new family member," a manly voice said.
"Yes, I'm sure my daughter will be happy to know that she's marrying your grandson." Alam kong si Daddy iyon.
But what did he just say? I'm marrying someone? It couldn't be anyone else, I'm their only daughter! Bakit naman ako magpapakasal? The door opened, my parents and an old man came into view.
"Oh, ito na pala ang anak ko," Dad said.
The man smiled. "Very nice. She's gorgeous, I'm sure Dior will love you."
"Dad, anong magpapakasal. What do you mean?"
"Calista, you will marry his grandson."
"No! Ayaw ko. Ano na naman ba 'to, Dad?!"
"Sweetheart, it's for your own good," Mom interrupted.
"How?!"
"It's a win-win! If you marry Dior, dadagsa ang investments sa company ninyo," the man said again.
"And on top of that, he is filthy rich. He will give you everything you want."
"For goodness sake, tungkol na naman sa pera!" I yelled. Gusto ko silang sigawan nang paulit-ulit tungkol sa mga ginagawa nilang mali, pero naagaw ng isang lalaking nakaitim ang atensiyon ko.
"You. . ."
BINABASA MO ANG
Remorseful Enticement
RomanceRomance|R-16 Calista Vasiliev is a self-centered brat who grew up in a wealthy family. She's spoiled and can get anything she wants with a flick of a finger. Tired of her impudence, her parents sent her to a province to teach her a lesson. In order...