Simula

227 4 1
                                    

                                   

Kasama ko ang grupo ng mga lobo, naglalakad sa kagubatan. Gabi na kaya sinama ko ang isang grupo ng lobo para humanap ng makakain.

Isa ako sa kanila, lobo rin ako. Tinatawag akong isang ‘Wolf Walker’. Nagiging tao ako pag gusto ko at nagiging lobo rin ako kung nais ko.

Kaya kung magpalit ng anyo, at umahon sa lugar ng mga tao. Pero iniiwasan ko patin ang pumunta sa kaharian ng Vereiñia.

Sa ngayon, nag anyong tao ako kasama ang grupo ng Lobo.

Gabi ko lang sila pinapayagang umahon, dahil dilekado pag umaga.

Nagulat ako ng biglang tumakbo ang mga lobo kong kasama, patungo sa parehong direksiyon. Sa tingin ko may nakita na silang pagkain.

Hindi ko na sila sinunadan at nag masid nalang. Nakita kong naghintay muna sila sa'king pahinlot. “Kung hayop yan, kainin niyo na!” sabi ko sa kanila at hindi na tiningnan ang pinapalibutang pagkain. Tumingin-tingin lang ako sa paligid. Baka kase may dumating na mangangaso.

Bumaling ulit ako sa kanila pero naka tingin lang sila sa'kin. “Anong meron? Bakit hindi niyo kinakain ang pagkain?” tanong ko. Naiintindihan ko sila sa pamamagitan ng pag tingin lamang sa kanilang mata at ang pakikinig sa kanilang tahol.

Nilapitan ko nalang sila dahil 'yon ang nais nila. Tiningnan ko ang pagkaing tinutukoy ko.

Nagulat ako ng makitang tao yun at mukhang walang malay. Agad kong pina-alis ang mga wolf kong kasama. Baka kase gumising ang taong ito at makita pa sila.

Hindi nga ako nagkamali, bigla itong gumalaw at umubo. Linapitan ko siya at tiningnan ang tiyan niyang kanina niya pa tinatabunan ng kanyang palad. Meron siyang sugat na malalim, nag-dudugo pa.

Lalake ito, nakapikit siya. Mukhang mabait na tao. “Pasensya na, tao! Nais kong gamutin ka, pero hindi ko pwedeng gawin.” bulong ko.

Lobo lang ang pwede kong gamutin. Isa akong Wolf Walker, nangangalaga sa mga lobo, hindi sa mga tao.

Ang gumamot ng isang tao ay merong kapalit. Pa nawala ako ikaw ang kapalit. Ibig sabihin sa oras na mamatay na ako, ikaw ang magiging ‘Wolf Walker’.

Marami ang Wolf Walker sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Mas pinili namin manirahan sa mga patagong lugar, dahil mas ligtas para sa ‘Packs’ ang tagong lugar.

Meron akong alam na mga ninuno na gumamot ng mga tao at tuwing namatay sila may dumarating na  wolf walker bilang kapalit.

Mas madaling matapos ang buhay naming  wolf walker pag may nililigtas kaming mga tao.

Mukhang mabait ang isang 'to. Tinitigan ko muna ang mukha ng lalaki. Maamo ang kanyang mukha, matangos ang kanyang ilong, nakapikit siya at may mga pasa. Kahit madilim ay nakakakita kaming mga lobo. Kaya kitang-kita ko ang pagmumukha niya.

Umubo ulit siya at meron ng kasamang dugo. Sana mabait ka ngang tao. Sana tama na ikaw ang kapalit sa'kin. Sana magiging maayos ang ‘Packs’ kung ikaw na ang pinuno nila.

Ginamot ko siya. Ibig sabihin siya ang papalit sa'kin sa mga susunod na araw, o buwan, o taon. Sa oras na wala na ako, ikaw na.

“woooohhhh! Dugo ko, nais kong gamutin mo ang taong ito. Bilang isang pinuno ng mga lobo ngayon... Nais kong siya ang susunod.”

Ilang sandali lang ay gumising na ang lalake. Umubo pa siya.

Tumayo agad ako at umambang aalis kaso hinawakan nito ang kamay ko, tsaka tumayo rin. “Sino ka?” aniya.

Pumiglas ako kaso ang lakas niya. “Isa akong taong hindi mo kilala! Kaya bitawan mo ako!” tugon ko.

Umiling siya. “Hindi ka normal na tao. Paano mo ko nagamot?”

patuloy parin ang pag piglas ko. “Tama ka. Hindi ako normal na tao... Isa akong diwata!” Pagsisinungaling ko. “kaya bitawan mo ako. Kundi papatayin kita!” banta ko.

Tumawa siya ng malakas. “Ang galing mo namang magbiro. Binuhay mo ako tapos papatayin rin!? Ano ako wolf kukulungin tapos kalaunan papatayin—” Agad ko siyang pinutol.

Agad kong nakuha ang kamay ko sa galit.
“Ganon ang ginagawa niyo sa mga Lobo?!” galit kong tanong.

Nagulat siya sa nagawa ko. “Ewan. Anong pangalan mo?” tinalikuran ko siya at hindi na siya sinagot.

Pero sinundan niya ako. “hoyy! Teka lang, tinatanong kita, binibini!” aniya habang sumusunod. “Ako si Simon Rascal Archuleza...” Aniya

“Aso karin pala.” bulong ko saktong ako lang ang nakakarinig.

“Ano?”

“Ang sabi ko, walang nagtanong sa'yo! Umuwi ka na sa inyo!” singhal ko.

Sumusunod parin siya. “Gabing-gabi na, ahh. Anong—” agad akong huminto at kaya natigil siya sa pagsasalita.

Bumaling ako sa kanya. “Pwede bang umuwi ka na! 'wag mo na akong kausapin! Wag mo narin akong sundan! Taga gubat ako, kaya sanay na ako sa dilim! Ang pangalan ko'y Gwen! Ngayo'y nasagot ko na ang mga tanong mo at siguro naman wala ka nang sasabihin. Pwede ka na bang umalis?!” galit na sabi ko.

Umiling siya't ngumisi. “May sasabihin pa po ako—”

Nagtaas ako ng kilay. “Ano?!” sigaw ko.

Lumapit siya, bahagya akong umatras. Sana 'di ko nalang siya tinulungan. Edi sana walang nang sumusunod sa'kin ngayon.

“Ngayon ko lang nalaman na meron palang taga gubat na kaseng ganda mo...” mahina niyang sabi.

Tinulak ko siya. “Lumayo ka sa'kin! Umuwi ka na!” salaysay ko.

“Gabi pa, Gwen, hindi ko makikita ang daan dahil gabi!” aniya. “Saan ba bahay mo? Ihahatid na kita.”

“Kaya kong umuwi ng mag-isa! Kaya pwede ba, Umuwi ka na! Alis!” sabi ko.

Hindi parin siya nakinig. “kanina pag dilat ko't nakita kita, akala ko patay na ako—” Tinalikuran ko siya at naglakad ulit.

Wala akong planong pumunta sa Packs habang sumusunod 'tong lalaking Rascal.

Nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita. “Kase ikaw ang bumungad sa'kin. Ewan ko. Dapat ba kitang sisihin, dahil sa kagandahan mo? Gabing-gabi na, pero naaaninag ko parin ang kagandahan mo—” napatingin siya sa'kin.

“Ano ba!? Gaano ba katigas yang ulo mo't di mo ako naintindihan!? Umalis ka na sabi, e!” sigaw ko dahil sa inis.

“Matigas talaga ang ulo ko. Pero mas matigas ang ulo mo! Diba sabi ko hihintayin kong sumikat ang araw bago ako aalis.” aniya.

Umirap ako. “Kung ganon, pwede bang wag mo na akong sundan!? Dito ka nalang maghintay, lubayan mo na ako, pakiusap!” salaysay ko.

“Hindi ako aalis dito hangga't di pa kita nahahalikan!” deretsong sabi nito.

Hayop na Rascal 'to. Sana di ko nalang sinakripesiyo ang dugo ko para sa'yo.

Natulala na lamang ako ng may lumapat na malambot sa labi ko.

“Ngayong nahalikan na kita, mukhang mas ayoko ko ng umalis.” sabi nito matapos akong halikan.

Wala na akong nagawa. Iniisip ko ang mga dating pinuno kong namatay dahil sa pag-ibig. Ang halik niya'y nakakawala sa sarili. Bawal sa isang wolf walker ang umibig. Bawal ang merong maramdamang pagmamahal.

Dahil sa halik niya, mas lalo kong naramdaman ang konektadong dugo namin. Sa oras na mamatay ako, siya na ang papalit. Wala dapat akong maramdaman para sa kanya, dahil mas masasaktan lang ako.

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon