Ika-walo na kabanata

39 2 1
                                    

Ang nabigo

“Nandito na tayo, Gwen.” wika ni Simon habang kaharap ang isang simpleng bahay.

Pareho ang desinyo nito sa bahay namin dati, simple pero maganda.

Nandiyan ba ang kasama mo?” tanong ko.

Umiling siya,

Binuksan niya ang pinto tsaka iginaya ako papasok. Nang nakapasok na ako at nakita ko agad ang malinis at matiwasay na mga gamit. Babae ba ang kasama niya dito? Ang linis kase, madalas kase paglalaki lang ang nakatira sa isang bahay ay magulo ang mga gamit.

“Nasaan siya?” tanong ko ulit. Kinakabahan kase ako sa hindi malamang rason kaya hindi ako mapakali hanggang hindi ko nakikita ang kasama niya.

Ngumiti siya sa'kin, “Wala siya ngayon. Baka may pinuntahan na naman 'yon. Umupo ka nalang muna dito, ipaghahanda kita. aniya habang tinuturo ang isang upuan.

“Marunong kang magluto?” tanong ko tsaka umupo sa upuang tinutukoy niya.

Lumapit siya sa'kin kaya hindi na ako gumalaw.

“Ako ang nagluluto para sa sarili ko dati. Ngayon magluluto na ako para sa magiging ina ng mga anak ko.” salaysay niya.

Ngumuso ako. Laging kinikirot ang puso ko sa tuwing may sinasabi siyang bagay na alam kong imposibleng mangyare sa'min, dahil hindi ako normal na tao.

Pinagmasdan ko siyang lumakad patungo sa kanilang kusina yata.

Tumayo ako at sumunod sa kanya. Nakita kong may niluluto nga siya.

Bumaling siya sa'kin at humalukipkip. “Diba sabi ko umupo ka lang doon.” aniya.

Lumapit pa ako sa kanya,

“Hindi kase kita nakikita do'n, e.” sabi ko tsaka umupo sa isang upuan.

Ngumisi lang siya at bumaling ulit sa kanyang niluluto.

“Sino ang pangalan ng kasama mo?” tanong ko,

Sumulyap siya sa'kin, “Lucas ang tawag ko sa kanya,” aniya habang may kinukuhang pinggan.

Tumayo ako para tulungan siya pero pinabalik niya lang ako sa upuan.

“Ilang taon na siya?” usisa ko.

Bumaling siya sa'kin ng nakataas ang isang kilay. “Bakit mo ba tinatanong?” tanong niya pabalik.

Bahagya akong umismid. “Gusto ko lang malaman,” wika ko habang tinitingnan ang kabuuan ng kaniyang bahay.

“Hindi ko alam.” sagot niya.

Dahil sa sagot niya mas lalo lang dumami ang gusto kong itanong sa kanya.

“Bakit?” biglang tanong ko.

Ngayon ay inilalagay na niya ang mga naluto niya sa mesa.

Pinatayo niya ako at pinaupo sa isang upuan kaharap ang mesa, umupo naman siya sa harap ko at ngumiti.

“Hindi ko siya kaano-ano, Gwen, Nakita ko lang siya noong gabing may gustong pumatay sa'kin... Noong gabing pinatay rin ang ama ko.” kwento niya.

Napakagat ako sa labi ko. Nangyare 'yon sa kanya? Kailan?

“Paumanhin, Simon.” wika ko.

Umiling siya at ngumiti, “Kumain nalang tayo,” aniya at binigyan ako ng pagkain sa pinggan.

Marami pa akong gustong itanong sa kanya pero mukhang ayaw na niyang pag-usapan, kaya nanahimik nalang ako, at pinupuri ang masarap na pagkaing niluto niya.

Minsan sumusulyap siya sa'kin pero hindi ko na pinapansin.

Kasalukuyan kaming kumakain ng biglang may dumating na isang batang lalaki. Nabitawan ko bigla ang kubyertos dahil sa nakita ko...

“Lucas, halika dito.” wika ni Simon at agad namang lumapit si Carlo.

Hindi ako nagkakamali si Carlo nga ang batang kaharap ko ngayon. Unti-unting nag init ang gilid ng mata ko... buhay ang kapatid ko.

Gusto kong yakapin siya pero hindi niya yata ako nakikilala.

“Siya si Gwen asawa ko.” Salaysay ni Simon at ngumiti naman sa'kin si Carlo. Hindi niya talaga yata ako naaalala.

Tumayo ako at lumapit kay Carlo. Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya nagpatakan na ang mga ito. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Simon sa nangyare sa'kin at ganon rin ang kapatid kong si Carlo.

“Ba't po kayo umiiyak?” tanong sa'kin ng kapatid ko.

Nagtanong rin sa'kin si Simon pero hindi ko na rin sinagot. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Parang waterfalls na talaga ang luha ko sa lakas ng daloy nila.

Hinawakan ko ang mukha ni Carlo, alam kong si Carlo ito, may matangos na ilong gaya ni tatay, at ang kulay ebony na mga mata na gaya kay nanay. Malaki na siya, at mukhang marunong na siyang alagaan ang sarili niya, lumaki siya ng wala ako.

“Gwen, anong nangyare?” tanong ulit ni Simon,

nilingon ko siya at nginitian. “Kamukha siya ng kapatid ko, Simon, kamukhang-kamuha.” wika ko habang humihikbi.

“May kapatid ka?”

Tumango ako, “Hindi ko siya naalagaan ng mabuti, kaya lumaki siya ng wala ako.” sabi ko habang nakatingin sa kapatid ko.

Sumusulyap siya kay Simon na may halong pagtataka. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa reaksiyon niya. Hindi niya talaga ako naaalala,, bakit? Kaya ba Lucas ang pangalan niya?

“Pwede ba kitang yakapin Carlo?” sabi ko. Gusto ko na talaga siyang yakapin.

Ngumiti siya. “Lucas po ang pangalan ko,” pagtatama niya na mas nakapag-paiyak pa sa'kin. Pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.

Tumango siya kaya niyakap ko na siya. Ilang taon siya nawala sa'kin, ngayong nalaman kong buhay siya... Hindi ko rin pala siya makakasama, dahil hindi na ako normal na tao. Si Simon pala ang nakakita sa kanya, hindi ko na alam kong paano ko siya pasasalamatan ngayon.

Matapos kong yakapin ang kapatid ko ay humiling ako kay Simon na makausap siya.

“Simon, salamat.” sabi ko.

Nagtaka naman siya,

“Para saan, Gwen?” tanong niya.

Sumulyap siya kay Carlo,

“Siya ang kapatid ko, Simon. Salamat dahil inalagaan mo siya, salamat dahil nakita ko ulit siya ng dahil sa'yo.” sabi ko habang nakangiti.

Sumulyap ulit siya kay Carlo,

“Kapatid mo si Lucas?” tanong niya.

Tumango ako, “Siya si Carlo. Kaya salamat. Hindi ko alam kong paano kita pasasalamatan—” agad niya naman akong pinutol tsaka niyakap.

“Hindi mo na ako kailangang pasalamatan, Gwen, dahil ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Salamat dahil dumating ka, naparamdam mo sa'kin kung ano ang kaligayahan at kung paano maging masaya. Salamat.” aniya at hinagkan ako sa noo.

Ganon rin ang pinaramdam niya sa'kin.

Meron akong pinagtatakahan, hindi ko lang masabi ko ano. Sa tingin ko mas lumalapit na ako sa katapusan ko.

Lumapit ako kay Carlo at... “Carlo, naalala mo pa ba 'to?” usisa ko habang pinapakita ang pulseras na binigay niya sa'kin noong kaarawan ko.

Sumulyap siya sa paligid at tumingin ulit sa'kin.

“Ako po ba tinatanong niyo?” tanong niya pabalik.

Ngumiti ako tsaka tumango. Pinipigilan ko ang pag-iyak,

Pero, umiling siya.

Paano niya nakalimutan ang lahat?

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon