Ika-labing-limang kabanata

37 2 1
                                    

Ang hating gabi

Ako na ba ang pinakamalas na tao sa mundo? Wala ng natira sa 'kin, sarili ko nalang ang meron ako pero parang pati ang sarili ko ay gusto ko naring mawala.

Hahanapin ko muna ang kapatid ko sa ngayon. Papaslangin ko pa si Raymondo. Kailangan niya pang maranasan kung paano paslangin.

Nang nakalabas na ako ng bayan ng Vereiñia binago ko ang anyo ko. Nag anyong lobo ako para makapunta ako sa kuweba kong nasaan ang packs at kung saan ko iniwan ang panang ibinigay sa 'kin ni kuya.

Napatingin ako sa mga lobong sunod ng sunod sa 'kin.

“Gusto kong tulungan niyo ako. Hindi ko alam kong gaano ka dami ang makakalaban kong kawal ni Raymondo, kaya kailangan ko ang tulong niyo. Kung maaari?” wika ko.

“Ikaw ang pinuno namin, kung anong utos mo sa 'min ay susundin namin,” wikang gamit ang mata nila.

Tumango-tango ako, “Salamat. Sumunod nalang kayo sa 'kin.” utos ko.

Marahil alam narin nila ang pagbabagong nangyare na sinabi ni Gary na kaibigan pala ni Tatay.

Gusto ko ng mawala dito sa marayang mundo, pero ngayong nagbago na ang buhay ng isang wolf walker mukhang magtatagal pa ako sa mundong walang saysay ng mag-isa... Hindi pala ako mag-iisa dahil kukunin ko ang kapatid ko. Hindi ako papayag na masaktan siya ng walang hiyang Raymondo na 'yon.

Pabalik na ako ngayon sa Vereiñia na nag-anyong lobo, kasama ang packs at dala ko na rin ang pana na binigay ni Kuya. Unang beses ko itong gagamitin, at siguraduhin kong buhay lang ni Raymondo ang kikitilin ng panang 'to.

Madali kaming nakarating sa Vereiñia dahil alam ko kung saan ang pinakamadaling daan patungo dito dahil kay Simon, at mabilis ring tumakbo ang mga lobo.

Hindi ko aakalaing gagamitin ko pa ang packs para makapag-higanti sa isang lapastangang tao.

Nag anyong tao ako at hinarap ang packs na nasa likuran ko. “Gusto kong dito lang kayo sa labas ng bayan, magtago muna kayo, maririnig niyo ang pagtawag ko sa kung kailangan ko na kayo,” wika ko. Tsaka tumalikod na sa kanila.

Hindi ako pwede magpadalos-dalos sa ngayon. Sa oras na makapasok ang lahat ng lobo dito sa bayan ng Vereiñia, merong tutunog na kampana tanda na may lobong nakapasok.

Huminto ako sa paglalakad ng nakapasok na ako ng Vereiñia, pinikit ko ang mga mata ko at nagbakasakaling mapagkinggan ko kung nasaan man naroon ang Raymondo'ng 'yon.

Lumakad agad ako sa direksiyon kung saan ko narinig at naramdaman ang presensiya ni Raymondo at ang mga kasamahan niya.

Nang lumakas ang pakiramdam ko tungkol sa kinaruruunan nila kaharap ko na ang malaking kastilyo na tinitirhan yata ni Raymondo.

Malaki ito, pero kung ikokompara sa nag-iisang palasyo dito sa Vereiñia maliit pa siguro 'to at maituturing lamang 'to na palaruan ng prinsesa o prinsipe.

Walang pasubali akong pumasok sa kastilyong kaharap ko. Kastilyo rin ang tinitirhan ko dito dati pero para sa 'kin simpleng bahay lang 'yon at mas malaki ang kastilyong ito dahil nag-iisang heneral nalang si Raymondo dito sa Vereiñia.

Pero bakit hindi nakatira si Simon sa kastilyo?

Wala na nga rin pala ang ama niya, marahil sinira rin ang kastilyong 'yon. Hayop talaga si Raymondo!

Nakaharap si Raymondo sa isang malaking kulungan, ayon sa pagkaka-alam ko kulungan 'yon ng lobo.

Inangat ko ang braso ko na hawak ang ‘Pana’ at unti-unti itong hinila para bigyang puwersa sabay tinutok na malapad na likod ni Raymondo. Minabuti kong tatama ito kay Raymondo.

Bibitawan ko na sana ang hinihila kong pana nang bigla kong narinig ang pag tunog ng kampana. Tanda na merong lobong nakapasok sa bayan, napabaling ako sa kalapit ng durungawan at nakita ko sa gitna ng dilim ang mga taong nagkagulilat.

Hanggang ngayon parin pala ay takot parin ang mga tao sa mga lobo.

May kunting takot akong naramdaman para sa mga lobong kasama ko kanina at iniwan ko sa labas ng bayan. Maaaring may nakakita sa kanila.

Isinantabi ko ang pag-aalala ko sa mga lobo at bumaling ulit kay Raymondo... Pero wala na 'to sa kinatayuan niya kanina.

Inilibot ko ang paningin ko para mahanap ang bulto ni Raymondo at ganon nalang ang gulat ko ng pagbaling ko sa likuran ko ay may nakatotok ng isang tabak sa leeg ko na siyang kina-atras ko.

Nawala agad ang gulat ko at napalitan 'yon ng poot at galit.

May ekspresyon ang mukha niya na parang nasisindak na nagtatanong. “Buhay ka parin? Anong klaseng tao ka!?” tumawa ito. “O, baka naman gusto mo talagang sa parehong gabi ng pagkamatay ng magulang mo kita patayin?!”

Mapakla akong tumawa.Nasabi ko na ba sa 'yong, hindi ako tao? Kahit ilang beses mo akong patayin. Hindi ako mamamatay hangga't buhay ka, Raymondo! Kaya kung ako sa 'yo, habang buhay ka pa mag hukay-hukay ka na, at kung pwede ilibing mo na rin ang sarili mo!” nakita ko ang takot na umukit sa mga mata niya at mas nilapit ang tabak sa leeg ko na mabilis ko namang tinabig, at marahas at mabilis na inagaw ang tabak na hawak niya, tsaka tinutok 'yon sa leeg niya. “Sa kasawiang palad, hindi mo na magagawang mag hukay at ilibing ang sarili mo, dahil lalangawin ka na dito sa loob ng kastilyong ito.” napasandal na siya sa pader dahil sa patuloy niyang pag-atras, dahil na rin sa patuloy kung pagabante habang tinututok parin ang dulo ng tabak sa leeg niya.

Umiling-iling siya. “Maawa ka—” pinutol ko siya.

“Naawa ka ba!? Hindi. 'di ba? Pinatay mo sila—” natigil ang pagsasalita ko ng marinig ko ang tanda ng pagsapit ng hatinggabi. Ngumisi ako bago nagsalita. “Hindi ka mamamatay sa parehong gabi pero sa parehong oras... Mas maaga ka!” umakto akong isasaksak ko na sa kanya ang tabak, kasabay noon ay ang pagpikit niya at ang pagkalaglag ng isang butil ng luha sa kanyang mata.

Lumuluha rin pala ang walang puso.

Ngumisi ako. Hindi ko na yata kilala ang sarili ko dahil parang nawalan na rin ako ng puso, dahil kay Raymondo. Siya naman talaga ang nagsimula ng lahat, nawala ang pamilya ko, nawala ang pagkatao ko, at ngayon ay nawala ko na ang lalakeng kauna-unahan kong minahal. At dahil 'yon sa kanya.

“Ako si Gwen Xebastianelle Buena Valientes, Anak ni Maria Isabella Gweneth Buena Valientes, at ang nag-iisang anak na babae ni Rodolfo La Baronne Valientes. Anak ng mabait, at mabuti, pero iniluwal na mapaghiganti. Kaharap mo ngayon ay isang hangal pa sa hangal...” ngumisi ulit ako habang mabilis ang hininga dahil sa galit. “'wag kang matakot hindi kita papatayin gamit ang hindi matulis na bagay kagaya nitong tabak mo...” Sinugatan ko ang braso niya para subukan kong matulis ang tabak na ito. Walang reaksiyon ang mukha ko ng makitang dumugo ang braso niya.

Puno na ng sarkasmo ang mga lumalabas sa bibig ko at sa tingin ko may halong pananakot na 'yon.

Napabaling nalang ako sa likuran ko ng napansin kong nakatitig doon si Raymondo... At nang makita ko kung sino 'yon ay naglaglagan nalang bigla ang mga butil ng luha ko.

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon