Ika-labing-dalawang kabanata

35 2 1
                                    

Ang Heneral

Nagising ako dahil naramdaman kong may yumugyog sa 'kin. Binuksan ko ng kunti ang mata ko at nakita ko si Simon na may bahid na kakaiba sa mukha niya.

Bumangon ako bago nag salita. “Anong meron, Simon?” usisa ko habang kinakamot ang mata ko.

Nakita ko ang kunot niyang noo at lungkot sa mukha niya. “Umalis na kayo, Gwen, isama mo si Carlo!” utos niya. Hindi ko alam kong tama ba ang narinig ko. Gusto niya kaming umalis? Bakit?

Pinukol ko siya ng matang nagtatanong. “Bakit anong problema, Simon?”

Hinaplos niya ang pisngi ko. “Mahal na mahal kita, Gwen, hindi ko kayang mawala ka pero hindi ko rin kayang masaktan ka.” hinagkan niya ako sa noo. “Lisanin niyo ni Carlo ang Vereiñia. Umalis na kayo ngayon din.”

Hindi ko alam kong bakit niya sinasabi 'to ngayon. At bakit naman ako masasaktan? Anong nangyayare?

Napailing -iling ako, “Bakit kailangan naming lumisan? Bakit mo kami pinapaalis? Anong nangyayare, Simon?” tanong ko.

Pinikit niya ng mariin ang mga mata niya tapos lumuhod sa harap ng kamang kinaupuan ko. Hinawakan niya ang mga palad ko.

“Ayokong may mangyareng masama sa inyo ni Carlo. Mahal na mahal kita, sana magkita pa tayong muli.” anito na siyang nagpabalot ng takot sa buong katawan ko.

Bigla nalang dumaloy sa pisngi ko ang isang butil ng luha. Bakit parang namamaalam siya? Hindi. Hindi pwede. Mahal ko siya at siya ang susunod sa 'kin bilang pinuno ng mga lobo. Hindi siya pwedeng mamaalam sa 'kin!

Tiningnan ko siya sa mata niyang kulay kayumanggi. Puno ito ng kalungkutan at hindi ko matukoy na emosyon.

“Simon, Bakit? Hindi ka naman namamaalam diba? A-ano ba talaga ang nangyayare?” humikbi pa ako.

Hinaplos niya ulit ang pisngi ko.  “Mahal kita, tandaan mo 'yon, Gwen, gagawin ko lahat ng makakaya ko maprotektahan ka lang.”

Umiling ulit ako, “Hindi ko kailangang maprotektahan, Simon,” dahil kaya ko namang protektahan ang sarili ko. “Ang gusto ko ay sagutin mo ang tanong ko. Anong nangyayare? At bakit ka nagkakaganyan? May mananakit ba sa 'kin?” sabi ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.

Tinitigan ko ang mata niya. Pinipiga ang puso ko ng makitang nanunubig ang mga mata ni Simon, ibig sabihin may nangyayare o mangyayare ngang hindi maganda.

Nanatili siyang nakaluhod sa harap ko habang malungkot na nakatingin sa 'kin.

“Wala, Gwen. Natatakot lang akong ako ang manakit sa—” hindi niya natapos ang pagsasalita niya tsaka bahagyang napayuko nang may kumatok sa pinto.

Napakunot ang noo ko. Mag hahating gabi na, a, bakit may kumakatok pa? Bigla namang pumasok sa isipan ko ang nangyare sa mga magulang ko, hating gabi rin noong nangyare ang karumaldumal na pagpatay sa kanila. Binalot ng pangamba ang buong sistema ko.

Tumayo si Simon, “Umalis na kayo, Gwen, huwag na kayong babalik! Pakiusap.” sabi niya ng hindi tumitingin sa 'kin. Medyo malamig ang pagkakasabi niya niyon kaya medyo kumirot ang puso ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama tsaka hinarap siya,  “Hindi ko parin naiintindihan—” agad niya ako pinutol.

“Umalis ka na! Mahirap bang intindihin 'yon?” medyo malakas ang pagkasabi niya nito.

Napatingin ako sa kakagising lang na si Carlo. “Kuya, Anong nangyayare?” unang tanong ni Carlo habang kinukusot ang mata niya.

“Samahan mo si ate Gwen mo sa paglisan sa Vereiñia, Carlo, dumaan kayo sa sekretong kabin palabas dito sa bahay. Huwag kayong magpakita kahit kanino—” pinuto ko naman ang pagsasalita niya.

Hindi na mapigilan ang luha kong namamalisbis sa pisngi ko ng wala yatang katapusan.

“Bakit kailangang magtago, Ha?” sa halip na sagutin niya ako ay tumalikod siya sa 'kin.

“Umalis na kayo, Carlo, ngayon din. Paalam, Gwen...” may dinagdag pa siya pero hindi ko na narinig dahil sinara na niya ang pinto ng kwarto.

Tumingin ako kay Carlo na handa na palang umalis habang ako ay hindi pa.

Lumapit ako sa kanya tsaka niyakap siya ng mahigpit. Nandito na nga si Carlo pero hindi niya ako nakikilala. Tinatawag niya akong ate pero hindi totoong ate niya ang turing niya sa 'kin. Mahal ko si Simon pero bakit siya ganon? Mahal niya rin ba ako? Masakit ba talaga pag nagmahal? Ang sakit kase kapag may minahal ako, e, kung hindi nawawala, nakakalimot, kong hindi nakakalimot, nang babalewala. Ano ba talaga ang nangyayare?

Pinakawalan ko ang kapatid kong nagtataka sa ginawa kong pagyakap sa kanya.

Hinanap ko ang mahaba kong katad na siyang tumatabon sa buo kong katawan nong dumating kami ni Simon dito sa Vereiñia, pero hindi ko 'yon nahanap.

Naalala kong sa may silya ko 'yon nilagay kanina ng naghaponan kami.

“Carlo, dito ka lang muna, kukunin ko lang ang katad ko sa baba,”

Pinigilan niya ang kamay ko, nasapo niya pa ang pulseras na bigay niya sa 'kin dati.

“Baka magalit si Kuya, Ate?” pag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako saka umiling. “Wag kang mag-alala. Hindi ako bababa kong may nakikita akong hindi maganda.” wika ko.

Napipilitan siyang tumango tsaka binitawan ako. Lumakad naman ako tsaka mahinang binuksan ang pinto.

Nakita ko agad sa hindi kalayuan si Simon na may kausap na parang pamilyar na mukha. Siya 'yong lalaking kinausap ni Simon kaninang hapon, doon sa nayon ng Plaven— sa dati naming nayon.

Malaki na ang bata, Simon. Malapit na rin dumating ang araw na—” pinutol siya ni Simon.

“Akala ko ngayon,” aniya.

Sino ang tinutukoy nilang bata? Hindi mahina ang pandinig ko dahil isa akong pinuno ng mga lobo. Rinig ko ang bawat hininga nino man.

Humalakhak naman ang tinutukoy nilang heneral ng Vereiñia. “huwag kang masyadong sabik, Archuleza, makakapaghiganti ka rin sa bukas makalawa.”

May paghihigantihan si Simon?

Umiling si Simon. “Wala akong balak na maghiganti, heneral, lalo na't walang kasiguraduhan ang nangyare.” sagot naman ni Simon.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ng sinasabing heneral. “Simon Rascal Archuleza, anak ni Jovito Monro Archuleza, hindi ko akalaing hindi ka parin sigurado na si Elvis Valientes ang pumatay sa ama mo?..” anito na medyo natatawa pa.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Jovito ang ama ni Simon? Ang ama niya mismo ang nagpapatay sa mga magulang ko? Hindi ito maari!

Bigla nalang bumilis ang hininga ko dahil sa poot na nararamdaman ko. Hindi ako papayag na hindi ako makapaghiganti. Pamilya ko ang nawala! Alam kong nawalan rin siya, pero wala na akong pakialam.

Parang gusto ko ng sumigaw dahil sa galit lalo na ng narinig ko ang salitang... “Papatayin na natin ang natitirang anak ni Valientes, Simon, makakapaghiganti ka na.” sabi ng heneral na kaibigan pala ni Jovito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumaba na ako ng hagdanan, nakita ko ang pagkalaglag ng panga ng heneral at ang pagkaputla ni Simon. Kaninang hapon ay suot ko ang katad nong nag-usap sila ngayon ay kita na ang mukha ko kaya siguro nagulat itong heneral.

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon