Ang paghihiganti
Nakaawang ang mga labi ni Heneral Raymondo at si Simon naman ay binalot ng kaputlaan.
Nang nakababa na ako at nasa harap ko na silang dalawa nakita ko ang pagngisi ni Raymondo.
“Anak ni Maria Isabella Gweneth Buena Valientes, haha, mas maganda yata ang plano mo, Simon,”
Umiling-iling si Simon, ako naman ay nakakuyom ang mga kamay at nagtatagis ang mga bagang. Sasabog na yata ako sa galit.
Ang akala ko ay kawal lang ni Jovito ang ama ni Simon, 'yon pala ama niya si Jovito. Bakit hindi ko alam na Archuleza rin pala si Jovito?! Hayop na tadhana 'to. Ako yata ang siyang papatay sa susunod na pinuno. Tama, makakapatay ako sa gabing 'to dahil sa galit na bumabalot sa pagkatao ko.
Tinitigan ko si Simon, meron paring mapangahas na luha na lumalandas sa pisngi ko, kahit anong pigil ko ay hindi parin 'to humihinto sa pagdaloy.
“Gwen—” medyo nanginginig ang boses ni Simon,
Kumirot ulit ang puso ko. Hayop!
“P-plano? Anak ka ni Jovito?” tanong ko kay Simon. Klaro lahat ng narinig ko, gusto ko lang marinig ang sasabihin niya sa huling pagkakataon.
Lumapit sa 'kin si Simon tsaka sinubukang hawakan ang kamay ko pero agad ko 'yong iniwas. Alam kong manlalambot ako kung sakaling hawakan niya ako.
Nakita ko ang pag iling niya sa ginawa ko, nakita ko rin ang isang butil ng luha na dumaloy sa pisngi niya. Bakit siya umiiyak?
Malakas parin ang hininga ko at patuloy parin ang pagluha ko.
“Sagutin mo ako, Simon!” sigaw ko dahil sa galit.
Mapaklang tumawa si Raymondo. Bakit siya maghihiganti sa amin? Bakit siya nakikialam?
Bahagya siyang pumalakpak habang naglalakad sa palibot sa aming dalawa ni Simon.
“Ang ganda talaga ng anak ni Rodolfo, manang mana kay, Gweneth.” anito sa likod ni Simon. “Anim na taon na ang nakalipas, pinatay ng kapatid mong si Elvis ang ama ng kaibigan niyang si Simon, ang ama niyang si Jovito—” pinutol ko siya.
“Pinatay niya ang mga magulang ko—” tumawa na naman si Raymondo na papalapit na sa 'kin.
Nakita kong lumuhod si Simon sa harap ko kaya tinaas ko ang tingin ko kay Raymondo na nagsasalita, “Ang alam ko, naghiganti si Elvis kay Jovito kaya niya pinatay ang kaibigan ko, kaya rin naghihiganti si Simon ngayon. Pinalaki niya ang kapatid mo para sa darating na ikapitong taong araw ng kamatayan ng mga magulang niyo ay isusunod niya ang kapatid mo, para naman sabay diba? Mas maganda raw 'yon, haha, natuwa nga ako dahil buhay ka pa pala at mukhang isasabay ka pa niya sa araw na 'yon.”
Napatitig ako kay Simon na nakaluhod sa harap ko at wala man lang sinasabi. Ibig sabihin totoo ang sinasabi nitong si Raymondo? Plinano niya ito? Maghihiganti siya sa 'kin? Sa amin?
Pinatayo ko si Simon habang lumuluha parin. “Sabihin mong hindi totoo ang sinasabi ni Raymondo—” pinutol naman ako ni Raymondo.
“Heneral—”
“Wala akong pakealam! Kaya manahimik ka!” sigaw ko. Hindi ko alam kong dapat bang respetuhin ang lalaking 'to. Dapat lang na hindi dahil malaking mali ang pagiging heneral niya! “Simon, sabihin mong hindi 'yon totoo! SABIHIN MO!” sigaw ko ulit.
Nag angat siya ng tingin sa 'kin at nakita ko ang pagsisisi sa mga mata niya at ang iba pang emosyon na parang nagsasabing totoo ang narinig ko.
“AHHHHHH!!!!” Agad ko siyang sinakal at hindi rin alam kong paano ko siya nabuhat habang hawak ang leeg niya at napasandal siya sa dingding. Galit ako, at 'yon lang ang nangingibabaw sa 'kin ngayon.
“Bakit mo nagawa 'to? Pinaniwala mo ako, Rascal!” galit na sigaw ko sa kanya habang sinasakal siya.
Nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay kong nasa leeg niya, ang isa naman ay nanginginig na nababadyang hawakan ang pisngi ko. Matiim ko siyang tinitigan at hinayaan ang kaliwang kamay niya na hawakan ang pisngi ko sa huling pagkakataon!
“M-mahal kita, Gwen, k-kaya kita pinaalis dahil ayokong m-masaktan ka, o si Carlo, na-plano ko l-lahat ng 'yon dahil makasarili ako, pero maniwala ka sa 'kin, mahal na mahal kita at ayokong masaktan ka dahil sa 'kin...” umubo pa siya, “Mahal na mahal kita—” parang hiniwa ang puso ko ng nawalan siya ng malay sa kamay ko.
Kasabay noon ay ang pag kirot ng likuran ko, tiningnan ko kong anong meron at nakita ko si Raymondo na nakangisi habang may hawak na tabak na siyang ginamit para masugatan ng malaki ang likuran ko.
Nabitawan ko si Simon at bumaling kay Raymondo. Halos hindi ko na naramdaman ang hapdi ng sugat sa likuran ko dahil sa galit na nararamdaman ko.
Pero agad ring bumalot ang takot sa buo kong katawan ng makita kong hawak ng dalawang tao ang kapatid ko na mukhang walang malay. Hindi ko kakayaning mawala pa si Carlo sa 'kin sa pangalawang pagkakataon!
“Bitawan mo ang kapatid ko!” tinuro ko ang isang lalaking may hawak sa kapatid ko.
“Anong klaseng babae ka?” pagtatakang tanong ni Raymondo habang nakatutok sa 'kin ang hawak niyang tabak.
Nanginginig na ako sa galit. “Bitawan niyo ang kapatid ko!!” mariin kong utos.
Umiling-iling si Raymondo, “Hindi ko aakalaing pinatay mo ang taong walang kasalanan...” tinutukoy niya sa Simon na nakahandusay sa sahig. Mapakla itong tumawa, “Ang galing ko talagang heneral, haha. Nagawa kong patayin ang tatlong heneral sa bawat nayon dito sa Vereiñia...” napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “At ngayon ay pinagpatuloy naman ng kanilang mga anak—”
“Anong pinagsasabi mo?!” pagputol ko sa kanya.
“Kaibigan ko ang lahat ng heneral dito, kasama na ang heneral ng Plaven, na ama mo. Ang heneral ng Deymeir, na ama ni Simon, at ang heneral ng Sefroin, na si Javierino, lahat ng tatlong magigiting na heneral dito sa Vereiñia ay pinaslang ko!” kwento nito. Mas diniinan ko pa ang pag ka kuyom ng kamay ko dahil sa galit. Hindi ito maaari! Nasakal ko si Simon dahil sa lalaking 'to. Siya dapat ang mamatay!
Tumawa siya, “Nakakatawa, 'di ba? Haha. 'yon naman talaga ang gusto ko... Ang masolo ang buong Vereiñia—” agad ko siyang pinutol.
“Na hindi mo na maitutuloy! Dahil nandito pa ako—”
“Talaga ba, Valientes?” sarkastikong wika nito. “Isasabay pa sana kita sa araw ng pagkamatay ng mga magulang mo kaso mukhang hindi na aabot, pasensya na,” may tiningnan siya sa likuran ko kaya nilingon ko 'yon,
Naramdaman ko lang bigla ang sakit na naramdaman ko na dati, ang saksak sa tiyan ko na pumatay sa pagkatao ko. Napapuhod na lamang ako ng naramdamang nanghihina na ang tuhod ko at parang nawawalan na ako ng lakas.
Paano ang kapatid ko? Paano na ang packs? Sinakal ko si Simon, nawalan siya ng malay dahil sa galit na hindi naman pala dapat sa kanya. Hayop na Raymondo! Siya ang pumatay sa mga magulang ko! Hindi ako pwedeng mamatay ng hindi siya namamatay!
Hindi pwede!
BINABASA MO ANG
Vereiñian 1: Wolf Walker
WerewolfSi Gwen ay isang wolf walker. Nakatira siya sa madilim na kuweba, may kasama siya pero purong lobo lamang ang mga ito. Malungkot ang mag-isa lalo na dahil sa galing siya sa masayang pamilya. Mararamdaman niya kaya ulit ang kasiyahang minsan na niyan...