Ika-sampu na kabanata

33 2 1
                                    

Ang Duda


Nag-aagaw dilim na, naglalakad parin kami ni Simon pabalik sa nayon kong saan ang bahay niya.

“Sino si Heneral Raymondo?” kanina ko pa binalak na itanong 'to sa kanya, sa wakas ay natanong ko rin.

Kanina pa kase siya tahimik, e.

Tumingin 'to sa'kin ng may pagtataka, “Bakit mo naman natanong 'yon?” tanong niya pabalik.

Humugot ako mg hininga. “Narinig ko kase ang pangalan niya,” sabi ko habang patuloy na naglalakad.

Huminga siya ng malalim. “Kaibigan siya ng ama ko. Siya rin ang heneral na namumuno sa lahat ng nayon dito sa Vereiñia. Maraming nagbago simula ng namatay ang dalawang heneral dito sa Vereiñia. Ang ibang patakaran ay nagbago rin, masyadong humigpit ang patakaran ngayon dahil sa pamumuno niya.” kwento niya habang naglalakad.

Tinutukoy niya si tatay at siguro si Jovito rin ang pangalawa. Isa nalang pala ang heneral dito sa Vereiñia?

Tumango ako, “Ano ang nangyare sa dalawang heneral?” pag-uusisa ko. Gusto ko rin kaseng malaman ang kung anong alam niya pero mukhang wala siyang balak na sabihin 'yon dahil kumunot ang mukha niya at halatang dahil 'yon sa tanong ko.

Pinukol niya ako ng matalim na titig. “Wala akong alam tungkol sa nangyare, Gwen, ang alam ko lang pinatay ang ama ko sa gabing 'yon.” malungkot na sabi niya.

Ang ibig sabihin, namatay ang ama niya sa gabing namatay si tatay at nanay? Sino ang ama niya? Baka isang sundalo na inutusan ni Jovito? Ibig sabihin isa ang ama niya sa gustong pumatay sa 'kin dati? Isa rin 'tong lapastangan.

Bumilis ang paghinga ko dahil sa galit. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng puso ko dahil sa kaisipang, ama ni Simon ang isa sa mga lapastangan. Ama ng mahal ko ang lapastangan.

Pinakalma ko ang sarili ko at tumitig kay Simon, “Bakit nangyare 'yon sa ama mo?”

Umiling siya, “Hindi ko rin alam ang nangyare, Gwen.” wika niya tapos hinawakan ang kamay ko. “Tara na. Mag gagabi na, walang kasama si Lucas sa bahay. Baka umiyak 'yon.”

“Carlo.” pagtatama ko.

Ngumiti  siya, “O, si Carlo.” sabi niya at hinila na ako.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko. Ngayong may pagdududa na ako na isa ang ama niya sa mga kumitil ng buhay ng mga magulang ko, parang pinipiga ang puso ko. Mahal na mahal ko na si Simon, siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko at marami pang humahadlang sa pagmamahalan namin. Tulad ng pagiging wolf walker ko, at tungkol sa ama niya. Masasaktan ako, 'yon ang sigurado.

Nang makarating kami sa bahay ni Simon naabutan ko ang kapatid kong si Carlo na nagluluto.

Napangiti ako ng nakitang mukhang alam na alam niya ang ginagawa niya.

Tumingin'to samin ng napansin ang presensya namin.

“Kuya, Nagluto na ako ng makakain niyo, saan ba kayo galing?” tanong niya kay Simon habang naghahanda na ng pinggan.

Buti pa si Simon kilalang-kilala niya.

Nginitian ni Simon si Carlo at hinimas ang buhok ni Carlo. “Ang bait talaga ng anak ko.”

“Kuya, Hindi mo ako anak, ayon, oh...” tinuro niya ako, “Anakan mo kaya si Ate!”

Napangiti ako dahil sa narinig kong tinawag niya akong ate, kasabay no'n ay ang pagwawala rin ng puso ko. Mukhang nahawaan ni Simon ang kapatid ko sa mga pagbibiro, hayop na Simon.

Sumulpot ang nakakainis na ngiti ni Simon sa mga labi niyang mapang-akit. “Darating tayo diyan anak.” sabi niya kay Carlo, “Papayag ka bang magkaroon ng pamangkin?” tumango si Carlo. “Papayag ka bang anakan ko ang ate mo?” nangingiting tanong ni Simon sa kapatid ko.

Halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa tumatakbo kong puso.

Hinapas ko si Simon sa balikat dahil sa mga sinasabi niya.

“Oo naman kuya. Ihihiling ko ba sa'yo ang bagay na hindi ko gusto?” napansin ko ang kakaibang kilos na hatid ng kapatid ko. Malaki na nga siya, noong iniwan ko siya sa gubat dati ay walong-taong gulang palang siya, ngayon ay malaki na siya at medyo hawig na niya ang dating si Kuya Elvis. Mata nga lang ang kaibahan.

Tumawa si Simon tsaka merong pilyong ngiting bumaling sa 'kin. “Gusto niya raw,” bulong niya habang natatawa.

Hinampas ko ulit siya sa balikat habang ngumunguso para mapigilan ang marahas na ngiti. Kahit papaano ay napapangiti niya parin ako kahit na may pagdududa na ako. Hindi ko alam ang gagawin ngayon, pero si Carlo muna ang babawiin ko bago ang ibang bagay.

Pinaupo ako ni Simon sa isang silya sa hapag para kumain na.

“Amoy masarap, ah,” pamumuri ko sa pagkaing niluto ng kapatid ko.

Paano niya ako maaalala? Hindi ko alam. Siguro kakausapin ko siya ng deretso baka sakaling maalala na niya ako at ang... Oo nga, si nanay at tatay, naalala niya siguro 'to. Sana nga. Susubukan ko ang banggitin ang pamilya ko rito.

Napatingin ako kay Simon na nakangiting nakatitig sa 'kin. “Amoyin mo nga ako kung masarap,” sabi niya matapos umupo sa tabi niyang silya.

Nag-kabayo na naman ang puso ko, hayop, mawala ka na nga.

Inirapan ko siya, “Amoyin mo sarili mo!” bulaslas ko.

Bahagya siyang tumawa.

Umupo naman sa harap ko ang kapatid kong may daling kanin.

Gusto ko na agad siyang kausapin.

Tumikhim ako. Hindi ko na talaga kayang palampasin ang oras na 'to.

Tumikhim ulit ako tsaka tumitig kay Carlo, “Carlo, pwede ba kitang kausapin ngayon?” nakita ko agad ang pagtataka sa mukha niya.

Nagtaas siya ng kilay, “Ako po ba?” tanong niya pabalik na agad kong tinanguan.

Sumulyap ako kay Simon at bumalik kay Carlo,  “Kilala mo ba ang mga magulang mo?” usisa ko.

Nakita ko ang pagkalungkot niya dahil sa tanong ko. Meron din akong naramdamang kirot. Masyado pa siyang bata no'n at nakita niya pa ang nakahandusay naming mga magulang bago namin nilisan ang bahay namin. Siguro naalala niya?

Bumagsak ang tingin ni Carlo sa pinggan, “Iniwan na nila ako, ate. Iniwan na nila akong lahat,” gusto kong sabihing nandito pa ako, “Hindi ko na nga sila masyadong naaalala. Ang mga hitsura nila, boses nila, at pangalan nila. Pero hindi ko rin makakalimutan kong ano ang tawag ko sa kanila... Tatay, Nanay, Kuya, at si Ate, bata pa kase ako no'ng nangyare ang krimin sa pamilya namin—” napatingin siya kay Simon na bahagyang umubo, “Kailangan mo ng tubig kuya?” usisa ni Simon at umakmang tatayo pero umiling si Simon.

Hindi ko na talaga alam kong ano ngayon ang nararamdaman ko. Sa tingin ko, may mangyayareng hindi ko talaga magugustuhan. Hindi ako sigurado. Nagdududa na ako kay Simon, hindi ko alam. Wala akong alam kaya lalo akong nagdududa... Nagdududa pa nga lang ako nasasaktan na ako, bakit? Ang sakit ng naramdaman ko dahil sa pagdududang 'to, dapat mawala 'to. DAPAT!

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon