Ika-anim na kabanata

41 2 1
                                    

Ang pakiramdam


“Dito ka ba naliligo?” tanong ni Simon ng umabot kami sa malaking lawa.

Kanina niya pa hawak ang kamay ko, hanggang ngayon ay hindi niya parin binibitawan.

Umiling ako, “Hindi ako naliligo dito, dahil may sarili akong paliguan sa kuwe-...Bahay.” muntik ko nang masabi kung saan ako nakatira buti nalang ay agad kong naiisip na mali 'yon.

Hindi pa 'to ang tamang panahon para malaman niya kung ano talaga ako. Alam ko ring hindi na 'yon magtatagal, dahil nararamdaman kong ilang araw nalang mawawala na ako.

Tumingin siya sa'kin, “Asan ba bahay mo?” tanong niya.

Naalala ko tuloy kung paano niya ako gustong ihatid dati kaso hindi ko sinabi kong nasaan ang bahay ko... Dahil wala naman talaga.

“Malayo 'yon, Simon. Malayong-malayo.” sabi ko habang tinitigan ang mata niya. Ngayon ko lang napansin kulay kayumanggi niyang mga mata, sabagay ngayon ko lang din naman siya tinitigan sa mata.

Hinawakan niya ang isa ko pang kamay. “Kahit gaano 'yon kalayo, Gwen, sabihin mo lang sa'kin. Gusto kong hingin ang kamay mo sa mga magulang mo. Gusto ko silang makausap at humingi ng permiso sa kanila.” aniya.

Tinitigan ko pa siya habang iniisip ang bagay-bagay. Kapag ba nalaman niya na hindi ako purong tao... hindi siya magiging ganito ngayon? Akala ko ba, noong gabing niligtas ko siya alam niyang hindi ako normal? Pero bakit niya 'to ginagawa ngayon? Marahil ay nakalimutan na niya 'yon.

“Wala na akong mga magulang, Simon. Matagal na silang wala.” wika ko habang pinipilit na hindi maging malungkot.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit, mas lalo ko lang naramdaman ang pangungulila dahil sa mahigpit niyang yakap. Kaseng higpit ng huling yakap ng kuya kong si Elvis.

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. “Pasensya na, Gwen. Pasensya na.” aniya tsaka hinagkan ako sa noo.

Unti-unti nag init ang gilid ng mga mata ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang maiinit na luha.

“Ayos lang 'yon, Simon, matagal na rin naman silang nawala, nasanay na ako.” sabi ko at kumalas sa pagkayakap.

Hinimas niya ang buhok ko. Bakit niya ginagawa ang mga bagay na naramdaman ko dati? Ang bagay na huling ginawa ni kuya at tatay.

Kinagat ko pa lalo ang labi ko.

Iginaya niya akong umupo sa malaking bato. Umupo naman ako at tumabi naman siya sa'kin.

“Sino ang mga nakakasama mo sa bahay mo?” wika niya.

Tumingin ako sa malayo. Ramdam kong nakatitig siya sa'kin.

“Marami.” sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.

Napalingon ako sa kanya dahil sa bahagya niyang pagtawa. “Anong nakakatawa do'n sa sinabi ko?” tanong ko.

Umiling siya, “Wala, Gwen. Naisip ko lang kase kung bakit ka laging masungit...” tumawa ulit siya, “Siguro dahil 'yon sa mga kasama mo?” aniya.

Tumawa rin akong bahagya. Naisip niya 'yon?

“Hindi naman. Pero... Minsan nga, naiinis ako sa kanila.” kwento ko.

Bahagya siyang tumawa. “Ako nga, isa lang kasama minsan nakukulitan parin, ikaw pa kaya.” wika niya.

“Kapatid mo?” usisa ko,

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon