Ang Katotohanan
“Kumain muna tayo bago mag-usap, pwede?” ani Simon matapos uminom ng tubig.
Tumango nalang ako.
Kumakain kami ng biglang may kumatok sa pinto. Tumayo si Simon para tingnan 'yon, tumigil rin ako sa pagkain at sinundan ng tingin si Simon. Tumingin ako kay Carlo na nakatingin din sa likod ni Simon.
“Bakit kayo nandito?” rinig kong sabi ni Simon.
Hindi ko nakikita kong sino ang mga 'yon dahil hindi pa pinapasok ni Simon 'yon. Sa sobrang kisig ni Simon natatakpan niya ang halos buong pinto.
“Pinapunta ako dito ni Heneral. Bukas na daw gagawin ang pinag-usapan niyo.” sabi ng isang lalaking boses.
Sumulyap si Simon sa 'min, nginitian ko siya ngumiti rin siya pabalik, at bumaling ulit sa kausap niya.
Hindi ko narinig ang sinabi ni Simon pero nakita kong tumango siya.
“Maayos kung ganon. Aalis na ako. Paalam.” sabi ulit ng lalaki.
Isinara na ni Simon ang pinto matapos tanguan ang lalaking kausap tsaka humakbang palapit sa amin.
Nakita kong ang kakaibang tingin niya sa 'kin.
“Sino 'yon?” usisa ko habang nakatitig sa kayumanggi niyang mga mata.
Umiling siya, “Wala 'yon. Kumain na tayo,”
Tumango ako tsaka tumingin kay Carlo na kumakain na. Ngumiti ako ng makitang malusog ang kapatid ko dahil kay Simon.
Nagpapasalamat talaga ako dahil siya ang lalaking minahal ko. Siya ang lalaking nagpadama sa'kin ng kasiyahan ulit. Nakita ko ang kapatid ko dahil sa kanya. Pero bakit mas nangangamba ako? Bakit parang may takot na bumabalot sa 'kin? Isa siguro 'to sa tanda na malapit na akong mawala. Tama.
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam agad si Carlo at pumunta sa isang kwarto matutulog na raw kase siya, kaya lumakad na.
Huminga ako ng malalim tsaka bumaling kay Simon.
Mag sasalita na sana ako ng naunahan niya ko, “Dito ka nalang muna matulog, Gwen, gabi na at hindi ako papayag na umuwi ka pa sa gubat ng Vereiñia.” wika niya. Tungkol din do'n sana ang sasabihin ko pero naunahan na niya ako.
Hindi naman ako nagpumilit na bumalik pa ng gubat dahil gusto kong makasama muna ang kapatid ko sa ngayon.
Matamis kong nginitian si Simon tsaka tumango, “Salamat, Simon,” sabi ko kay Simon.
Ngumiti siya, “Wala 'yon, Gwen.” sabi niya.
Walang ibang ibig sabihin ang sabi ni Simon pero nakikita ako sa mga kilos niya ang pagbabago niya. Simula 'to nang pumunta kami sa dati kung nayon nag-iba agad ang mga kilos niya. Minsan nalang siya ngumi-ngiti, at hindi ko alam kong bakit. O wala naman talaga siya sa tamang kalagayan at may bumabagabag sa kanya. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sarili kong iniisip. Ang gulo na ng pag-iisip ko, dadagdagan ko pa.
Bigla namang dumalaw sa isipan ko ang packs. Buti binilinan ko sila bago ako umalis na hindi sila aalis ngayong gabi, sana walang sumuway.
“Inaantok ka na ba?” usisa ni Simon tsaka habang nakaupo sa isang silya.
Tumango ako, “Pwede bang tumabi ako kay Carlo?” tanong ko.
Gusto ko lang kaseng makatabi ulit ang kapatid ko.
Tumayo siya tsaka hinawakan ang kamay ko, “Tara. Tatabi narin ako sa inyo, Gwen,” wika niya.
May ngiting humirit pa sa labi ko bago tumango.
Ngumiti siya. “Tara na. Namumula ka pa diyan, e.” sabi niya at hinila na ako.
Napahawak naman ako sa pisngi kong nag-iinit. Hayop na Simon, siya lang ang nakakagawa sa 'kin nito.
Nang makapasok ako sa kwarto nakita ko naman si Carlo'ng mahimbing na natutulog.
“Kapatid mo ba talaga siya?” napatingin ako kay Simon sa biglaan niyang tanong.
Nakatitig lang siya kay Carlo.
“Oo, Simon. Siya ang kapatid ko. Iniwan ko siya sa gubat noong gabing pinatay ang mga magulang namin.” kwento ko.
Bumaling siya sa 'kin, “Bakit kayo nagpunta sa gubat?”
Umupo ako sa gilid ng kama kung saan natutulog ng mahimbing ang kapatid ko.
“Matapos pinaslang ang mga magulang namin...” hinimas ko ang buhok ni Carlo. “Binilin sa 'kin ni kuya na tumakas at iligtas si Carlo, anim na taon kong dala-dala ang ang kaisipang binigo ko sila, hindi ko nailigtas si Carlo. At dahil sa 'yo buhay pa ang kapatid ko, hindi ko pala na bigo si Kuya, at dahil 'yon sa iyo.” wika ko at matama siyang tiningnan.
Nakahalukipkip siya habang nakatayo sa harap ko. “Pwede mo bang e kwento sa 'kin lahat?” umupo naman siya sa isang silya.
Ngumiti ako sa kanya, “Bakit naman?”
“Gusto ko lang malaman ang kwento ng buhay mo. Simula noong gabing pumasok ka sa buhay ko, doon na rin nagsimula ang pagkainteresado ko sa buhay ng iba, at dahil 'yon sa 'yo, Gwen. May nagawa man akong bagay na lubos mong pinapasalamatan, higit pa doon ang mga bagay na binigay mo sa 'kin na hindi pwedeng ‘salamat’ lang ang isusukli...” may kunting kislap sa mga mata niya. “Makasarili ako dati, Gwen. Lahat ng bagay na ginagawa ko ay para sa sarili ko lang.” aniya habang pinisil-pisil ang palad ko.
Umiling ako, “Hindi ka naman yata makasarili, Simon, inalagaan mo nga si Carlo ng walang hinihintay na kapalit, e.”
Malungkot siyang ngumiti, “Dahil makasarili ako, Gwen...” sabi niya sa tunong hindi ko alam kong ano, pero parang may mali.
Nakunot ng noo ko, “Huh?” tanong ko.
Umiling siya, “Umiiral na nga ulit ang pagiging makasarili ko ngayon dahil sa 'yo, e.” ngumiti na naman siya.
“Bakit dahil sa 'kin?” natatawa kong sabi.
“Dahil, gusto kong akin ka lang. Mawala man lahat ng bagay sa mundo basta nandito ka lang, ayos lang. Mahal na mahal kita, Gwen, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka sa 'kin. Iniisip ko palang na mawala ka mababaliw na ako. Makasarili ba ang tawag dito, Gwen?”
May luhang nagbabadyang kumawala sa mata ko.
Ilang beses na niyang sinabi sa 'kin na hindi niya ako papakawalan pero masakit parin sa'kin. Hindi niya naman talaga ako kailangang pakawalan dahil wala naman talaga akong balak na kumawala, pero ang buhay ko ay nakasangla na, e. At nararamdaman kong malapit nang dumating ang araw na kunin na ako ni bathala.
Ngumuso ako tsaka tinuyo ang luha sa pisngi ko tsaka tumango, “Makasarili ka nga, haha. Matulog na nga tayo,”
“Pero hindi ka pa nagk-kwento.”
“Mahabang kwento 'yon, Simon, at inaantok na ako,”
Tumayo na siya tsaka tsaka tumango, “O, sige, matulog kana, diwata ko.” aniya tapos hinalikan ako sa noo.
Lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa ginawa niya. Simpleng halik lang sasabog na ang dibdib ko. Kaya lalo lang sumasakit tuwing iniisip ko kung anong dulo.
BINABASA MO ANG
Vereiñian 1: Wolf Walker
Manusia SerigalaSi Gwen ay isang wolf walker. Nakatira siya sa madilim na kuweba, may kasama siya pero purong lobo lamang ang mga ito. Malungkot ang mag-isa lalo na dahil sa galing siya sa masayang pamilya. Mararamdaman niya kaya ulit ang kasiyahang minsan na niyan...