Ang bagong buhay
Matapos kong sabihin kay kuya ang tungkol sa pagiging wolf walker ko, parang wala lang yon sa kanya. Alam na raw kase niya ang tungkol kay Gary at kaya niya ako inutusang hanapin si Gary ay para mabigyan ako ng proteksiyon at mag karoong ng walang hangganang buhay.
Pagkatapos ring umalis ni Vanessa ay parang nakita ko na ulit ang dati kong kuya. Laging seryoso at madilim ang mukha.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Tulad nalang ng pag-iibigan namin ni Simon.
Malapit ng sumikat ang araw. Matapos kung pabalikin ang mga lobo sa kweba isinama ako ni kuya sa bahay na tinitirhan niya noong dumaang mga taon. Malayo ito sa Vereiñia, at sa tingin ko malapit lang ito sa gubat ng Zafhany. Kasama si Simon at si Carlo.
Masaya ako dahil kompleto kaming magkakapatid at buhay sila. Pero alam kong hindi ko rin sila madalas na makakasama dahil hindi na ako normal na tao. Kailangan ko ng pamunuan ang mga lobo, at malalayo ako sa kanila. 'di bale na, basta buhay sila ay ayos na sa'kin.
“Gwen, pwede ba kitang makausap?” tanong ni kuya sa malamig na tuno.
“Oo naman kuya. Anong pag-uusapan natin?”
“'yong tayong dalawa lang,” aniya.
Bumaling ako kay Simon. Nanliliit ang mga mata niya habang nakakunot ang noong nakatingin kay kuya. Bumaling ulit ako kay kuya tsaka tumango.
Nang makalayo na kami ni kuya kina Simon at Carlo nagsalita na 'to...“Mahal mo ba si Simon?” tanong niya na kinagukat ko. Bumilis ang pagtibok ng puso at parang nag-iinit ang pisngi ko. “Hindi ako tutol sa pagmamahalan niyo,” ani kuya. Hindi ako nakapagsalita at wala rin akong balak na mag salita. “Ilang taon kayong nawala sa 'kin, gusto ko pa sanang makasama kayong dalawa ni Carlo...” bumuntong hininga siya. “Pero totoong pinuno ka na, at mukhang gusto ka talagang angkinin ni Simon,” tumawa pa siya. “Ayoko pa sanang ibigay ka sa kanya, pero malaki ang tiwala ko kay Simon, mabait siya, at maalaga...” hindi ko na napigilan ang luha ko kaya nagsipatakan na 'to. “Noong gabing pinaslang ang magulang natin, pinaslang rin ang ama niya, kahit pa sinabi ni Raymondo sa kanya ako ang pumaslang sa ama niya ay hindi siya naniwala. Dahil noong sumunod na araw pinatuloy niya pa ako sa bahay niya, at pinakain. Pinatakas niya rin ako, Gwen. Siya ang lalakeng nararapat sa 'yo.” hinimas ni kuya ang buhok ko at hinagkan ako sa noo. “Pwede ba, bago kayo umalis kumain muna tayo?” anyaya niya.
Tinuyo ko ang luha ko at ngumiti. “Sige po,”
Sumimangot siya, “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko...”
“Anong tanong ba, kuya?” pagtataka ko.
Ngumiti siya, “Mahal mo ba si Simon?” may panunudyo ang tuno niya.
Nag-init na naman ang pisngi ko. “H-hindi pa ba halata?” tanong ko pabalik.
Tumawa naman si Kuya, “Tingnan natin kong ano ang magiging reaksiyon ng Rascal na 'yon sa sasabihin ko.” lumakad kami ni kuya papasok sa bahay niya.
Nakita kong nakahalukipkip si Simon habang nakaupo sa malapad na silya.
Tumikhim si Kuya kaya napatingin si Simon sa banda namin. “Sabi ng kapatid ko... Hindi ka raw niya mahal.” seryosong sabi ni kuya na siyang kinagulat ko. 'yon ba ang sinabi ko? Hindi.
Napamulagat akong tinitigan si Kuya. Anong ginagawa mo kuya?!
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Simon at tumayo pagkatapos ay inilang habang lang ang pagitan namin.
“Wala akong pake-alam, Elvis...” aniya matapos lumapit sa amin. Parang biniyak ang puso ko dahil sa sinabi niya. Totoo ba? Wala siyang pake-alam? Simula noong nalaman niyang hindi na ako normal na tao ay palaging ngiti nalang ang nakikita ko sa kanya. Hindi na niya palaging sinasabi sa akin na mahal niya ako tulad ng dati. Pero naramdaman ko 'yon, e. Naramdaman kong mahal niya parin ako, pero bakit wala siyang pake-alam?
Kinagat ko ang labi ko at bahagyang yumuko.
“Ano?!” diin na tanong ni kuya,
Narinig ko ang munti niyang halakhak. “Wala akong pake-alam,” pag-uulit niya. Klaro na... Wala siyang pake-alam.
“Gago ka!” malamig na wika ni kuya.
May humawak sa kamay ko at unti-unti inangat ang baba ko. Namalisbis na naman ang luha sa pisngi ko ng makita si Simon, nakangiti siya, at hayop! Ang sakit makita ang lalakeng nakangiti matapos sabihing wala siyang pake-alam!
Pinunasan niya ang luhang nasa pisngi ko gamit ang daliri niya. Gusto kong alisin ang mga daliri niya, pero parang may pumipigil sa akin. Bakit niya ginagawa ang ganitong bagay kung hindi niya ako mahal?
“Wala akong pake-alam kong hindi mo ako mahal, Gwen, 'di ba nga sabi ko ‘makasarili’ ako. Ayos lang kung hindi mo ako mahal, basta mahal kita. Kahit hindi mo ako mahalin ngayon, papaibigin kita sa bawat bukas.” aniya.
Hindi ko alam paano e-proseso sa isip ko ang sinabi niya. Parang may kung ano sa tiyan kong nagsiliparan dahil sa sinabi niya... Sinabi niya ba 'yon? O, guni-guni ko lang 'yon.
“Ano 'yong sinabi mo?” tanong ko.
Masyado na yata talaga akong nasanay sa kalungkutan. Sa tuwing may nakikita o naririnig akong nakakapagpasaya sa akin ay iniisip ko agad na guni-guni ko lang. Masyado ng mahirap sa akin ang maniwala sa masayang bagay.
Ngumiti si Simon at piningot ang ilong ko. “Tama ang narinig mo.” aniya saka sumulyap kay kuya. “Kung gagawa ka ng kalokohan, huwag ka agad maggalit!” sabi niya kay kuya.
Umirap si kuya, “Hayop ka, Rascal, umiyak tuloy ang kapatid ko. Kakatayin na sana kita.” tinapunan ni kuya si Simon ng pagkukuwaring galit na tingin.
Tumawa lang si Simon. “Hindi na ako mortal, Phazard, dahil wolf walker na rin ako,” ganon nalang ang gulat ko ng binanggit niya 'yon.
“Anong ibig mong sabihin?”
“Narinig ko kase dati ang tungkol sa Wolf Walker sabi nila, kapag ginamot ka ng isang wolf walker may posibilidad na maging isang wolf walker din ako. Hindi ako naniniwala doon dati, pero ngayon umaasa na ako sana totoo. Gusto kong maging isang katulad mo at handa na akong humarap sa bagong buhay na 'yon, kung totoo man.” salaysay niya.
Handa siyang humarap sa buhay na 'yon? Handa na rin ako.
“Mali ang narinig mo dati,” sabi ko gamit ang malungkot na boses. Nakita ko ang pag bagsak ng balikat niya. “Pero, tama ka, magiging lobo ka... Paumanhin.” paghihingi ko ng paumanhin.
Sumipol ang ngiti ni Simon na abot sa tainga, at mabilis akong niyakap. “Salamat, Gwen. Hindi mo na kailangang humingi ng paumanhin dahil sa nangyare o mangyayare sa akin... Ginawa mo akong pinakamasayang lalake sa buong mundo. Salamat.” hinalikan niya ako sa noo.
Narinig kong tumikhim si kuya. “Hindi kayo mabubusog diyan sa pagyayakapan niyo. Kumain na tayo!” singhal ni kuya.
“Palibhasa kase nabigo kay Vanessa. Nakalimutan agad na ang aga-aga pa para kumain,” humalakhak pa si Simon.
Humalukipkip si kuya at tinalikuran si Simon matapos irapan. Sumunod naman kami kay kuya. Mukhang gutom talaga si Kuya dahil ang aga pa para kumain.
Inakbayan ni Simon si kuya at nagsalita, “Makakahanap karin ng makakasama sa pagtanda, Elvis, gaya ko, bayaw,”
Nagtaas ng kilay si Kuya, “Bayaw? Ang pangit!” ani kuya.
Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa. Base sa nakikita ko ngayon... Parang matagal na silang magkaibigan, malapit sa isa't-isa. Pareho silang makikisig kagaya ng mga ama nila.
Sana ito na nga ang simula ng bago kong buhay. Sana wala ng susunod na malungkot na mangyayare. Sana matahimik na ang buhay ko. Kasama ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
Vereiñian 1: Wolf Walker
WerewolfSi Gwen ay isang wolf walker. Nakatira siya sa madilim na kuweba, may kasama siya pero purong lobo lamang ang mga ito. Malungkot ang mag-isa lalo na dahil sa galing siya sa masayang pamilya. Mararamdaman niya kaya ulit ang kasiyahang minsan na niyan...