Ang nayon
Nilakbay ko ang Vereiñia at kasalukuyan akong naglalakad kasama si Simon. Humiling ako sa kanya na pumunta sa nayon kong saan ako nakatira dati. Iniwan naman namin si Carlo sa bahay nina Simon na natutulog.
Nakasunod sa 'kin si Simon na minsan ay sinusulyapan ko.
Meron akong nakitang mga sundalo na naglalakad at mukhang nagmamasid. Yumuko ng lamang ako, baka kase ito ang mga sundalong nagpahuli sa 'kin dati.
Sumulyap ulit ako sa likuran ko pero nakita ko si Simon na may kinakausap na heneral yata o sundalo. Sa anim na taon kong nawala dito sa Vereiñia ay hindi ko na alam kong ano talaga ang nagbago dito, pero sa nakikita ko ngayon alam kong marami na talaga ang nagbago.
“Hindi po ako magsisinungaling sa inyo. Matagal na panahon na ang nakalipas at napatunayan ko natin sa inyo ang dapat kong patunayan. Aalis na po ako.” narinig kong sinabi ito ni Simon sa malamig na boses.
Agad akong naglakad muli at narinig ko na rin ang mga yapak niya na sumusunod sa 'kin.
Ano ang dapat niyang patunayan? Sino ang kinakausap niya?
Bumaling ako kay Simon. Hindi ko inasahang nakatingin lang pala siya sa 'kin. Tiningnan niya ako na may halong pagtataka... “May tanong ka?”
Umiling ako tsaka nag patuloy sa paglalakad.
Ilang sandali ay nakarating na kami sa nayon na gusto kong isumpa.
Biglang bumalik sa 'kin lahat ng alaala dati.
“Anong gagawin natin dito, Gwen?” nakahalukipkip siya habang pinapalibutan ng tingin ang nayon.
Ako naman ay inaalala kong nasaan banda ang bahay namin dati dahil hindi ko na 'yon makita ngayon.
Bigla nalang huminto ang paglinga-linga ko at dumapo 'yon sa bakanting lote na may malaking krus.
Naalala ko ang bahay namin dito dati. Mas malaki 'to kumpara sa ibang bahay dati pero ngayon ay sinira na pala.
Naramdaman ko ang pagtitig sa 'kin ni Simon at tumingin rin sa Dereksiyon kong saan nakatuon ang atensiyon ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Bakit tayo nandito, Gwen?” malamig niyang tanong.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak.
Humugot ako ng malalim na hininga bago siya sinagot ng...“Ewan.”
“Umalis na tayo dito, Gwen,” parang may naramdaman akong kakaiba sa mga kinikilos niya ngayon, at dahil na rin sa malamig niyang boses.
Tumingin ako sa kanya, “Mauna ka nalang, susunod ako.” pilit kong ipinakita ang ngiti ko.
Tinitigan niya ako, nakita ko sa mga mata niya ang kakaibang tingin, malungkot, na hindi ko alam.
“Maghihintay ako sa sentro, do'n mo nalang ako hanapin kung gusto mo ng umuwi, maghihintay ako sa 'yo.” aniya tsaka bahagyang yumuko at hinagkan ako sa noo at lumakad na palayo.
Parang hindi ko naiintindihan ang kilos niya ngayon. Dahil siguro 'yon sa kinausap niya kanina.
Tumango nalang ako bilang pagsangayon sa iniisip ko.
Bumaling ulit ako sa bakanteng lote na kaharap ko.
Tulala lang ako habang iniisip ang masaya kong pamilya dati. Ngumiti ako ng mapait ng naalala ang pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Vereiñian 1: Wolf Walker
WerewolfSi Gwen ay isang wolf walker. Nakatira siya sa madilim na kuweba, may kasama siya pero purong lobo lamang ang mga ito. Malungkot ang mag-isa lalo na dahil sa galing siya sa masayang pamilya. Mararamdaman niya kaya ulit ang kasiyahang minsan na niyan...