Ika-labing-pito na kabanata

37 2 1
                                    

Ang mandirigma ng Sefroin




“Maawa kayo— patawarin niyo ako,” namamaos na sabi ni Raymondo.

Hawak na ni kuya ang pana.

Tumawa si Kuya, “Sana may kapatawaran ang ginawa mo, kaso wala, e. Tatlong Mababait na heneral at isang mabuting ina ang pinatay mo! Kaya dapat higit pa sa apat kita saksakin.” ani kuya at itinutok kay Raymondo ang Pana na may matulis na palaso at hinihila ang mainat na bagay. Walang pag-aalinlangang binitiwan ni kuya ang palaso, deretso sa braso ni Raymondo.

“AHHHH!!!” sigaw nito. “PAKIUSAP MAAWA KAYO,” pasigaw na sabi ni Raymondo.

Lumuhod si Simon sa harap ni Raymondo at inangat ang baba nito. “Natatakot ka ba kay kamatayan? 'wag kang mag-alala, pareho lang kayo ng mga nginig.” aniya, tsaka ibinaba ang tabak na nakabaon sa gilid ni Raymondo na siyang nagpasigaw dito.

Pareho lang din pala si Simon at ni Kuya kong magalit, wala silang sinasanto. May mga tanong pa ako sa isip na gusto kong itanong sa kanila pero pinagpapaliban ko nalang muna.

Tumayo si Simon at lumapit sa 'min katabi si Kuya. “Patayin mo na, Elvis,” ani Simon ng makalapit sa'min ni kuya.

Nilagyan ni kuya ng tatlong palaso ang pana at hinila ulit ang mainat na bagay, “Gusto kong malaman mo bago ka mamatay kung sino ako. Ako ang panganay na anak ni Rodolfo La Baronne Valientes, ako si Elvis Crous Phazard Buena Valientes, ipinanganak na magaling maglaro pagdating sa madudugo. Ako ang tatapos sa pagiging heneral mo!” wika ni Kuya pagkatapos ay binitawan na ang mga palaso na saktong tumama sa puso ni Raymondo.

Sa pagkakataong iyon hindi na nagawang magsalita pa ni Raymondo dahil tuluyan na 'tong nawalan ng buhay.

Napabaling nalang ako sa kamay ko ng maramdaman kong may humawak doon. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong si Simon ang humawak sa kamay ko.

Nakangiti siya sa'kin. Bumilis na parang nakikipagunahan ang puso ko dahil sa ginawa niya. Bakit ba ganito ang nangyayare sa 'kin? Tuwing ginagawa 'to ni Simon parang hinihimas ang puso ko. Normal ba 'yon?

Napabaling ako kay kuya ng bahagya itong tumikhim. Napabaling rin si Simon kay kuya.

Magkaibigan tayo, Simon, pero hindi ibig sabihin pwede mo ng hawakan ang kapatid ko ng ganyan,” seryosong sabi ni kuya.

Nagtaas ng kilay si Simon at mukhang hindi seneryoso ang sinabi ni kuya. “Pasensiya na, Elvis, pero wala ka nang magagawa,” anito.

Bahagyang tumawa si Kuya tsaka hinigit ako palayo kay Simon, “At bakit naman wala?” aniya. Kumunot naman ang noo ni Simon.

“Elvis— sino ka?” pagkasabi ni Simon niyon ay napabaling kami ni kuya sa likuran namin kasabay noon ay hinigit rin ako ni Simon palapit sa kanya.

Paraan niya lang pala 'yon para makuha ako kay kuya. Pero may nakita rin akong isang babae na nakatayo sa likod namin. Hindi lang niya pala paraan 'yon totoo rin pala.

Naka-itim ang babae at may sandata siyang dala, maputi, at matangos ang ilong. Sa tingin ko ay isa siyang Mandirigma.

Nakita ko ang pagtitig ni kuya sa kanya.

“Sino ka?” tanong ni Kuya.

Lumapit siya sa'min.

“Ako si Vanessa Vareyz Vlein Castiel anak ng dating heneral na si Javierino,” lumakad siya palapit kay Raymondo at walang pasubaling sinaksak ang walang buhay na si Raymondo. “Na pinatay rin ng hayop na 'to.” rinig ko ang galit aa boses niya.

Base sa nakikita ko ngayon, matapang siya at mukhang sabik rin na maghiganti.

Humarap si Vanessa sa amin. “Kayo ba ang mga anak ng dating heneral?” tanong niya.

Tumango ako. Napatingin ako kay kuya na parang namamangha kay Vanessa, si Simon naman ay nakahawak sa kamay ko matapos niya akong agawin kay kuya ay hindi niya na binibitawan ang kamay ko.

“Ako si Gwen Xebastianelle Buena Valientes, anak ni Rodolfo—” pinutol ako ni kuya.

“Anak rin ako ni Rodolfo. Ako si Elvis Crous Phazard Buena Valientes,” nakangiting wika ni kuya.

Iba na talaga si kuya sa dati. Kakaiba.

“Ako si Simon at siya ang mahal ko,” tinuro niya pa ako. May kung ano na namang nagwawala sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. “Anak ako ni Jovito.” anito Simon ng hindi man lang ngumi-ngiti.

Kung si kuya ay kulang nalang ang kaarawan niya ang sabihin kay Vanessa si Simon naman parang walang masyadong alam sa pagkatao niya dahil sa iksi ng pagpapakilala niya.

Napabaling ako kay kuya. Isang linya nalang ang makakapal niyang kilay habang nakatitig kay Simon.

“Nakapaghiganti na tayong lahat.” ngumiti si Vanessa. “Wala na tayong dapat ikabahala.” aniya.

Pagkasabi niya 'yon ay lumabas sa isip ko ang kapatid kong si Carlo at ang lobo na sa tingin ko ay nakapasok pa dito sa bayan.

Umiling ako. “Si Carlo. Kailangan ko siyang hanapin, natatakot na 'yon ngayon,” wika ko at umambang lalakad kaso hawak ni Simon ang kamay ko kaya napabaling ako sa kanya.

“Sasama ako,” sabay na sabi ni kuya at Simon.

Tumango lang ako at lumakad na.

“Sasama rin ako—” hindi natapos ang sasabihin ni Vanessa dahil hinila na siya ni kuya at nagsalita...

“Mabuti naman.” pagputol ni kuya kay Vanessa.

Napangiti ako ng may pumasok sa isip ko. May gusto ba si kuya kay Vanessa? Mas lumawak ang ngiti ko ng magasalita si Simon. “Kuya mo, mukhang mapapa-amo,” bulong niya sa 'kin, tinawanan ko nalang ang sinabi niya at tumango.

Nang makalapit ako sa kulungan na kanina ay kaharap ni Raymondo narinig ko doon ang mumunting hikbi na sa tingin ko ay galing kay Carlo.

Umiiyak ang kapatid ko.

“Carlo?” nag-aalalang sambit ko. Katabi ko ngayon si Simon at binanggit niya rin ang pangalan ni Carlo ng makita 'to.

“A-ate Gwen, K-kuya Simon?” humihikbi parin siya.

Kaagad na lumapit si Kuya at Vanessa sa amin.

“Carlo?” agad na binuksan ni kuya Elvis ang Kulungan  at mahigpit na niyakap si Carlo.

Kita sa mukha ni Carlo ang pagtataka dahil sa ginawa ni kuya sa kanya. Hindi parin pala siya nakaka-alala sa  'min.

“S-sino po kayo?” tanong ni Carlo kay Kuya.

“Ako ang kuya Elvis mo. Hindi mo ba ako natatandaan?” usisa ni kuya.

Umiling si Carlo. Hinawakan ko ang balikat ni Kuya. “Mas mabuti narin 'yon, kuya. Hindi na niya kailangang matandaan ang nangyare dati.” sabi ko kay kuya.

Bakas parin sa mukha niya ang pagtataka.

Lumapit si Carlo kay Simon at niyakap siya nito ng mahigpit.

“Kuya, natatakot ako,” ani Carlo kay Simon.

Napatingin si Simon sa 'min ni kuya at bumalik kay Carlo, “'wag ka ng matakot, nandito na ang matatapang mong kapatid, at marami na ang taga pagligtas mo.” ani Simon.

Ngumiti ako. Matatapos na ba ang lahat ng kalungkutan sa buhay ko?

“Aalis na ako,” sabi ni Vanessa. “may gagawin pa ako. Salamat sa inyo.” ngumiti siya.

“Sige, magingat ka, Vanessa. Nais ka pang makita ulit ni kuya,” wika ko.

Matamis na ngumiti si Vanessa, “Paumanhin, dahil may may-ari na ng puso ko,” pagkasabi niya nito ay nakita ko ang pagkawala ng emosyon ni kuya sa mukha.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong likod ni Vanessa. At tuluyan na itong naglaho.

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon