Ika-pito na kabanata

39 3 1
                                    

Ang Vereiñia

Nandito ako sa kuweba at kanina pa ako hindi mapakali. Sabi kase sa'kin ni Simon isasama niya ako bukas sa Vereiñia, hindi pa naman ako pumapayag pero gusto kong pumunta doon pero natatakot ako. Paano kong may makakita sa'kin? Sana wala.

Napatingin ako sa mga lobong kanina pa ako tinitingnan.

“Aalis tayo maya-maya. Huwag muna ngayon dahil masyado pang maaga.” wika ko.

Tumalikod sila at bumalik sa kani-kanilang puwesto.

Huminga ako ng malalim.

Sasama ako sa kanya. Hindi ko naman siya nakita dati, eh, marahil taga ibang nayon siya, at marahil iba rin ang heneral nila.

Kinabukasan, naghintay ako kay Simon sa may lawa. Kinakabahan parin ako sa naging desisyon ko. Anim na taon na ang nakalipas pero hindi ko parin yata kaya ang makabalik sa Vereiñia.

Bumuntong-hininga ako. Kasama ko naman si Simon, alam kong pagkasama ko siya magiging maayos ang lahat.

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagpulopot ng isang braso sa baywang ko.

Nilingon ko 'yon at nakita ang makisig na lalakeng nakapagpabalik ng kasiyahan ko.

Hinalikan niya ako sa pisngi, “Hindi na kita hahalikan sa labi simula ngayon.” Simula niya.

“Bakit naman?” tanong ko.

“ire-reserba ko na yan para sa kasal natin,” aniya at hinalikan ako sa noo.

“Kasal agad?” gulantang kong tanong.

Umabot na siya doon? Paano kong ako 'yong hindi na umabot? Kumirot ng kunti ang puso ko dahil sa iniisip ko. Pano nga ba?

Bahagya siyang tumawa,

“Darating din naman tayo do'n, Gwen. Tsaka, dahil sa paghalik mo sa'kin kahapon, hindi ako nakatulog.” aniya sabay nagkibit ng balikat.

“Ikaw kaya ang nanghalik.” pagtatama ko habang natatawa.

“Gumanti ka kase. Puyat tuloy ako,” Depensa niya.

Nagtaas ako ng kilay, “Anong kinalaman ng pagpupuyat mo?” usisa ko.

Hinalikan niya ako sa dulo ng ilong ko,

“Nag-iilusiyon. Pero sa oras na kasal na tayo, hindi lang ako ang mapupuyat, Gwen, kasama kana. Hindi na muna kita hahalikan, para mapigilan ko ang sarili kong gahasain ka.” humalakhak pa siya.

Ako naman ay laglag ang panga dahil sa mga sinabi niya.

“Tara na, Gwen?” anyaya niya.

Kinailangan ko pang ayusin ang sarili ko dahil sa pagkatulala ko. Kinabahan ulit ako. Sasama ba talaga ako?

Hinawakan niya ang kamay ko,

“Kinakabahan ako, Simon,” salaysay ko.

Tumingin siya sa'kin... “'wag kang kabahan, Gwen, dahil magiging bayan mo rin 'yon sa hinaharap.” aniya tsaka hinalikan ako sa noo.

Tumango ako at lumakad na habang hawak niya ang kaliwang kamay ko.

Hindi parin talaga matanggal ang kabang nararamdaman ko. Sa tingin ko mas lumalapit lang ako sa kamatayan ko.

Bahala na.

“Simon, baka magalit mga magulang mo sa'kin?” napagtanto ko lang ang ganitong bagay,

Baka ipagtakwil pa nila ako dahil isa lamang akong hamak na taga gubat, at walang kwenta.

Bumaling siya sa'kin ng nakangiti ngunit may bahid ng kalungkutan, “Wala na akong ina, Gwen. Bata pa lang ako pumanaw na siya.” aniya at naglakad ulit.

Kinagat ko ang labi ko, nagsisisi ako dahil tinanong ko 'yon. Mas malungkot pala siya kesa sa'kin, dahil bata pa siya ng nawala ang ina niya,

Hawak niya parin ang kamay ko habang naglalakad.

“Pasensiya na, Simon, pero... Paano ang ama mo? Baka magalit siya satin.” wika ko.

Huminto naman siya tsaka hinarap ako ng nakangiti parin... “Ayos lang, Gwen, magiging maayos ang lahat. Mabait ang ama ko, sobrang bait, kaso...” ngumiti siya ng mapait, Wala na rin siya, e.” aniya.

Kinirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Nagawa niyang ngumiti habang kini-kwento ang bagay na 'yon. Ganon ba talaga ang mga lalake? Kahit sa masasakit na bagay ay nagagawa nilang hindi umiyak? Hindi lang pala ako ang ulila dahil ulila na rin pala siya. Ang kaibahan lang namin ay lahat nawala sa'kin, ewan ko lang sa kanya.

Agad ko siyang niyakap. Hindi ko kase alam kong paano siya aliwin, hindi ko na rin kase mapigilan ang pagluha ko.

“Pasensya na, Simon. Hindi ko dapat tinatanong ang mga bagay na 'yon.” wika ko habang humihikbi.

Inangat niya ang mukha ko para iharap sa mukha niya. Pinahiran niya ang kunting luha na nasa pisngi ko gamit ang kanyang hinalalaki habang nasa pisngi ko ang dalawa niyang maiinit na palad.

Ngumiti siya, “Ayos lang 'yon, Gwen. Matagal na rin naman 'yon, nakaahon na ako sa kalungkutan. Masaya na ako ngayon dahil nandito ka. Ipangako mo sa'kin na hindi mo ako iiwan, Gwen, dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag pati ikaw ay iiwan ako...” aniya at pinagtagpo niya ang noo namin. Nakapikit ako habang lumuluha, “mangako ka pakiusap...”

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba. Mas mawawasak siya kapag nawala akong may iniwang pangako. Ayokong umasa siya. Pero anong sasabihin ko?

Tumango nalang ako bilang sagot na alam kong hindi ko naman matutupad.

“Gusto kong marinig ang salita mo,” wika niya.

Hindi ko pa nga talaga narating ang pinakamasakit na bahagi ay wasak na wasak na ako. Paano pa kaya kong dumating na ako sa pinakamasakit na bahagi? Iyon na yata ang papatay sa'kin.

Tinahan ko ang sarili ko... “Oo, gagawin ko ang lahat para hindi ka iwan.” panata ko

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

Nangako na naman ako. Ilang beses na akong nangako pero paulit-ulit ko naman silang binibigo. Pati ang sarili ko ay binigo ko na.

Ilang sandali lang ng aming paglalakad ay kaharap na namin ang malawak na bayan ng Vereiñia alam kase ni Simon ang pinakamalapit na daan patungo dito.

Nandito na ako sa lugar kung saan pinatay ang mga magulang ko. Ang dating tirahan ko, pero hindi na ngayon. May sarili na akong mamamayan, at 'yon ang packs.

“Maganda ang Vereiñia hindi ba, Gwen?” aniya habang nakangiti.

Napatingin ako sa paligid at agad siyang tinanguan.

“Sino ang kasama mo sa bahay niyo?” tanong ko.

Bumaling siya sa'kin ng nakangisi... “Anak ko.”

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya,

“May anak ka?!” halos pasigaw kong wika.

Humalakhak siya. “Wala. Aanakan pa kita! Kaya, tara na!” aniya ng pasigaw.

Nagsitinginan tuloy ang mga taong nakapaligid sa'min, buti nalang talaga ay ibang nayon ang kinaruruunan namin ngayon, at walang nakakakilala sa'kin. Sa tingin ko wala na talagang nakaaalala sa'kin dito sa Vereiñia, kahit na nasa nayon namin ako pumunta. Iba narin yata kase ang heneral doon.

Hinila na niya ako sa daang hindi ko pa natatahak dati.

Pupunta ako sa nayon namin dati, mamaya.

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon