Ang Dahilan
Patuloy akong nangangamba sa bawat araw na dumadaan pero hindi parin dumadating ang pinangangambahan ko.
Tinungo ko ulit ang isang malaking lawa dito sa Vereiñia kong saan kami nag usap ni Gabrielle noong hindi pa katagalan.
Wala si Gabrielle ngayon kaya mag-isa akong nagmuni-muni dito sa lawa.
Hindi ko parin talaga maiwasan ang maalala ang dati, ang tungkol sa nangyare sa pamilya ko, at kung paano sila nawala sa'kin.
~~~
“Maligayang kaarawan, mahal na pinuno!” nakangiti si Carlo ng binati niya ako sa kaarawan ko, ganon rin si nanay at tatay kasama na rin si kuya Elvis.
“Salamat, mahal kong pamilya!” sinuklian ko naman ng matamis na ngiti ang kanilang simpleng hinandang pagkain para sa'kin.
“Ano pang ginagawa natin? Simulan na natin ang kainan, pagkatapos ay magsaya tayo at ipagdiwang ang kaarawan ng aking magandang anak na si, Gwen Buena Valientes!” masayang wika ni nanay.
Tinungo namin ang maliit naming hapag para kumain ng sabay-sabay.
Ika labing-walong kaarawan ko na 'to ngayon, masayang-masaya ako dahil buo ang pamilya ko sa araw na 'to. Kahit simpleng handaan lang ang meron kami ngayon ay ayos lang sa'kin, ang importante ay masaya kami ngayon, kahit nga walang handa ay ayos lang sa'kin basta nandito sila.
Lumapit sa'kin ang bunso kong kapatid na si Carlo,
“May ibibigay ako sa'yo, ate,” sabi niya habang nakatago ang mga kamay sa kanyang likuran.
“Ano 'yon, mahal kung bunso?” malambing kong tanong.
Umaliwalas ang maamong mukha ng aking kapatid, “Ipikit mo muna ang mga mata mo, ate, bago ko ibibigay 'to sa'yo.” wika niya.
Ginawa ko naman ang nais niya, pumikit ako at naghintay sa ibibigay niya,.
“Pwede mo nang buksan ang mata mo, ate!” nasasabik ang kanyang tuno,
Ngumiti ako at unti-unting binuksan ang mata ko. Bahagya akong napaatras dahil pinagtampal niya ang kanyang mga palad sa harap ng mukha ko, “Carlo! Ginulat mo ako.” sabi ko habang nakahawak sa dibdib dahil sa gulat.
Humahagikgik naman siya, “Hulaan mo muna...” masayang wika niya.
Pinikit ako ang mata ko ng kunti, kunware hinuhulaan ang laman ng kamay niyang nasa harap ko.
Unti-unti ko siyang pinanliitan ng mata, “Wala bang laman 'to, Carlo?”
“Meron yan ate,, Hulaan mo!”
Tumango ako, “Isa ba 'tong... Kuwentas?” panghuhula ko.
Umiling siya at humahagikgik ulit... “Mali ka, dahil, isa itong... ” aniya at pinaghiwalay ang kanyang magkadikit na palad.
“A! Ang ganda naman nito, Carlo, maraming salamat.” sabi ko tsaka niyakap siya. Isa itong kulay-abo na pulseras, kasyang-kasya sa akin. “Ikaw ba gumawa nito?” tanong ko.
Tumango siya, “Tinulungan ako ni kuya Elvis. May ibibigay rin siya sa'yo, ate,” salaysay niya.
Nabigla ako sa sinabi niya, “Talaga?” Tanong ko.
Ngayon lang kase si kuya magbibigay ng regalo sa'kin, samantala dati, e, wala... Minsan umuuwi siya sandali, pero babalik agad. May trabaho kase siya at mahal niya ang trabahong iyon, kaya hindi niya maiwan ng matagal.
BINABASA MO ANG
Vereiñian 1: Wolf Walker
WerewolfSi Gwen ay isang wolf walker. Nakatira siya sa madilim na kuweba, may kasama siya pero purong lobo lamang ang mga ito. Malungkot ang mag-isa lalo na dahil sa galing siya sa masayang pamilya. Mararamdaman niya kaya ulit ang kasiyahang minsan na niyan...