Ika-lima na kabanata

52 2 1
                                    

Ang pagkikita


Maganda ang araw ngayon dito sa kagubatan. Lumabas kasi ako para mag muni-muni, nag anyong tao ako ngayon. Nagbabasakali ring makita ko ang matagal ko ng nawawalang kapatid na si Carlo. Minsan nawawalan ako ng  pag-asa, kaya iniisip kong wala na siya. Pero may kunting porsento parin ang naniniwalang buhay pa siya. Pag nakita ko ba siya makikilala niya ako? Anim na taon na, malaki na siguro siya ngayon kung saan man siya.

Madalas ko ring subukan ang pumunta sa Vereiñia kaso maaalala ko lang ang nangyare dati kong sakaling pumunta pa ako doon.

“Sino ka? Humarap ka sa'kin, ngayon din.” nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng isang tao sa likod.

Hindi ko alam kong sino na namang lapastangan ang nandirito ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago bumaling sa nagsalita sa likuran ko.

Nakabalot ako sa isang mahabang tila bilang takip sa boo kong katawan.

Nabigla ako ng nalaman ko kong sino ito.

Siya ang lalaking iniligtas ko nong nakaraang dalawang taon. Nakita ko rin ang pagkabigla niya. Naaalala niya ako?

Bahagya siyang lumapit sa'kin, bahagya rin akong umatras.

“Gwen? Ikaw si Gwen, Diba?” tanong niya pilit siyang lumalapit pero umaatras naman ako sa tuwing ginagawa niya 'yon.

Naaalala niya nga ako.

“Ba't ka naparito ulit?” masungit kong tanong.

Hindi niya ako sinagot,

“Buti nakita kitang muli...” aniya tsaka bigla akong niyakap. Nagpumiglas ako pero ang lakas niya. Sanay ba siyang mangbigla? Dati hinalikan niya ako ng walang pahintulot, ngayon kong makayakap siya parang malapit ko siyang kaibigan. Nalamangan niya yata si Gabrielle.

“Wag mo akong yakapin, Rascal!” singhal ko, nagpumiglas parin ako, pero hindi niya parin ako pinapakawalan.

Inamoy niya pa ang leeg ko, Nagtindigan tuloy ang balahibo ko dahil sa ginawa niya, hayop talaga ang lalaking 'to.

“Rascal! Ano ba?! Bitawan mo sabi ako!” saway ko ulit.

Niyakap niya pa ako ng mas mahigpit. “Hindi ka naman mabaho, ah.” wika niya. Tsaka, kumalas na siya at humarap sa'kin ng nakanguso. “Saan ka ba naliligo?”

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakahawak pa sa magkabilang braso ko. “Ba't ka ba nakikialam? Umalis ka na nga!” pagtataboy ko sa kanya.

Hindi niya parin ako tinugunan,

“Alam mo bang lagi akong pumupunta dito. Dalawang taon na ang nakalipas, pero laman ka parin ng puso, utak, ugat, pati narin yata ng dugo ko, kasama narin sa kaluluwa ko. Ewan ko, marami namang maganda sa Vereiñia, pero walang kaseng ganda mo.” wika niya.

Inirapan ko naman ang maskuladong lalaking kaharap ko. “Kung hindi ka makikinig sa'kin, bumili ka ng sarili mong makausap, dahil wala akong panahon para sa'yo.” Sabi ko tsaka tinalikuran siya.

Sumunod naman siya sa'kin. Pareho lang dati, tuwing lalakad ako sumusunod naman siya sa'kin.

“Gwen! Nakikinig naman ako sa'yo. Gusto ko lang namang sabihin kong gaano ako natamaan sa'yo nong gabing 'yon.” wika niya at binilisan ang paglalakad niya para maunahan ako. Ngayon ay nasa harap ko na naman siya.

Tinitigan niya ang mata ko, 'yong titig na maaring makatuklas ng sekreto. Hindi na mapakali ang puso ko. Hindi tuloy ako makatigitg sa kanya. Natatakot ako. Siya ang lalaking papalit sa'kin bilang bagong pinuno, hindi puwedeng magkagusto ako sa kanya. Sa gabing hinalikan niya ako ay hindi ko na agad siya nakalimutan, ngayong unti-unti ko na siyang binura sa puso ko, bumalik na naman siya.

Ginawa ko na lahat ng makakaya ko para matignan ko siya ng maayos pero hindi ko magawa, napapakurap ako at natataranta ang buo kong kaluluwa. Nakakainis!

“Halos araw-araw akong pumupunta dito, Gwen, nagbabaka sakaling makita ka, at ngayong nakita na kita, hindi na kita papakawalan pa.” Aniya tsaka hinalikan ako ng malumanay na halik.

Hindi na ako nakagalaw o nakapigil sa kanya dahil nanigas na ako sa kinatayuan ko

Nabalik lang ang kamalayan ko ng pinindot niya ang noo ko at bahagya siyang tumawa,

“Dati, nong hinalikan kita, pumikit ka. Ngayon, pumikit ka parin at nawawala ka pa talaga sa sarili mo. Gusto mo talaga yata ang mga halik ko, Gwen, a. Gusto mo 'yong malalim at mapusok?” aniya at tumawa pa.

Hinampas ko siya sa kanyang braso. “Halikan mo sarili mo! Bahala ka diyan.” wika ko at tinalikuran ulit siya.

Narinig ko ang pagsunod ng mga yapak niya,

“Nagsusungit ka na naman. Alam mo, kong mag-susungit ka pa sa'kin, hahalikan kita ulit.” aniya habang sumusunod.

Bumaling ako sa kanya ng nakabusangot... “Pwede ba, Rascal, Lubayan mo na ako!” wika ko.

Lumapit siya sa'kin tsaka hinawakan ang leeg ko, at mabilis akong hinalikan ng mas malalim. Tinulak ko ang dibdib niya at nagpatulak naman siya.

Humalakhak siya.

“Rascal! Hayop ka! Wag ka ngang basta-basta manghalik!” singhal ko.

Ilang babae na kaya ang nahalikan niya sa lugar nila? Saan nga ba nanggaling ang nilalang na 'to? Sabi niya sa Vereñia. Pero malaki ang Vereiñia. Merong palasyo, at sa labas naman ng palasyo ay ang malawak naming bayan, dati.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ulit ako ng malalim na halik. Nagwawala na talaga ang puso ko, dahil sa galit at kabang ginagawa ng lalaking manyak na 'to. Pinipigilan ko ang sarili kong mapapikit dahil sa mga halik niya, at tinulak na lamang siya. Hindi naman siya nagmamatigas tuwing tinutulak ko siya.

Humalakhak pa siya. Baliw na yata ang lalaking 'to.

“Hindi ka ba nakaka-intindi? Gaano ba katibay yang bungo mo't hindi mo ako naiintindihan?!” sabi ko habang hinahabol ang hininga. Ang bilis na talaga ng pintig ng puso ko, nakikipag habulan yata.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay 'yon sa dibdib niya. Pinipilit kong bawin ang kamay ko kaso hindi niya 'yon binibitawan.

Lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko kaya bahagya kong inatras ang mukha ko... Baka manghalik na naman ang Rascal na 'to.

Ang laki ng palad niya kumpara sa'kin. Ang init pa talaga, parang guwantes na sinusuot ko.

Ngumiti siya, “Kasing tibay ng pagmamahal ko sa'yo, Gwen. Matapos kitang halikan dati hindi na ako humalik ng iba pang babae. Dahil kapag ginawa ko 'yon pakiramdam ko dinaya kita. Nakuha mo ako sa 'yong malambot na labi. Matapos kitang halikan, pakiramdam ko may nagmamay-ari na sa'kin, at pagmamay-ari narin kita. Hindi ko alam paano, pero hindi na 'yon importante sa'kin. Ang importante nalang sa'kin ngayon ay ikaw. Kaya tuwing mag-susungit ka... Aabot tayo sa kama.” salaysay niya at hinalikan ako ng malalim at mas nakakakaba.

Hindi ko na nagawang itulak siya kahit na nasa dibdib na niya ang mga kamay ko, pabor na sa'kin para maitulak siya. Pero nanghina na ako at napapapikit na dahil sa mga halik niya.

Mali ito. Pero, ganon din ang nararamdaman ko para sa kanya... Minahal ko siya noong gabing 'yon. Halos araw-araw at gabi-gabi ko ring pinipilit ang sarili kong makalimutan siya pero, hindi ko nagawa. Ngayong bumalik siya, sa tingin ko mas lumaki pa ang nararamdaman ko sa kanya.

Handa na akong masaktan ulit. Alam kong hindi ito patas, dahil mas masasaktan siya sa oras na malaman niya ang mangyayare pag nawala ako. Pero mahal ko na siya, at alam kong matatanggap niya rin 'yon balang araw.



Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon