Ika-labing-apat na kabanata

36 3 1
                                    

Ang Wolf Walker


Ang huling narinig ko lang ay ang pagsigaw ng kapatid kong si Carlo na tinatawag si Simon ng kuya. Naramdaman ko rin ang mainit na luha na dumaloy sa pisngi ko.

~~~~

“Nasa sa 'yo ang pagbabago, Gwen. Ikaw lang ang kauna-unahang babae na naging pinuno ng mga lobo.” hindi ko alam kong saan galing ang boses na 'yon pero kita ko ang kunting liwanag na tanging nakikita ko.

Napahawak ako sa tiyan kong nasaksak kani-kanina lang pero wala na ngayon.

“Sino ka?!” tanong ko ng wala akong nakikita ni isang tao sa paligid dahil sa dilim.

“Ako si Gary...” anito. Gary? Parang naaalala ko ang pangalan na 'yon pero hindi ako sigurado. “Kaibigan ako ng ama mong si Rodolfo. Ako rin ang taong nagligtas sa'yo noong gabing pinatay ang mga magulang mo.”

“Ikaw? Ikaw ang kaibigan ni tatay na tinutukoy ni Kuya?” napa lingon-lingon ako sa paligid. “Anong lugar 'to? Bakit ka nandito?” medyo natatakot na ako dahil sa hindi ko malamang rason. Marahil sa nangyare kanina, at hawak din ni Raymondo ang kapatid ko.

“Huminahon ka, Gwen, nandito ako ngayon sa panaginip mo, ito lang ang paraan para makausap kita ng maayos.” mas nagtaka pa ako dahil sa sinabi niya.

“Anong pag-uusapan natin? Magpakita ka nga!”

“Tumingin ka lang sa liwanag, at makinig ka nalang sa 'kin.” utos nito. Tumitig ako sa liwanag habang nakakunot ang noo. “Ang impormasyong sinabi ko sa 'yo ay ang gampanin na sinabi rin sa 'kin bago ako naging pinuno. Lahat ng dumaang pinuno ay lalaki, ikaw lang ang nag-iisang pinunong babae, ako ang dahilan kong bakit ka naging pinuno.”

“Gwen, nagbago na lahat ng alituntunin ng bawat lobong pinuno, at dahil 'yon sa 'yo. Nagmahal ka ng isang mortal at—” pinutol ko siya.

“At gusto niya akong maprotektahan pero sinaktan ko siya.” malungkot kong wika.

“Hindi pa huli ang lahat, Gwen, dahil hangga't may panaginip ka, ibig sabihin may gigisingan ka pa.”

“Tungkol sa pagbabago, Gwen... Hindi mo na kailangang mamatay para may sumunod na pinuno. Dahil sa 'yo dadami ang wolf walker, dahil sa inyo ni Simon, at dahil sa magiging anak niyo.”

“Wala na si Simon...” salaysay ko na medyo pumiga sa puso ko dahil sa kaisipang ako ang kumitil sa buhay niya.

“Tungkol do'n, naghihintay siya sa 'yo. Iligtas mo ang sarili mo, gamutin mo ang sarili mo, gamutin mo ang mahal mo...” matapos niyang sabihin 'yon naramdaman ko ulit ang pagkirot ng tiyan ko...

~~~~

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at napa-igik nalang ako ng naramdaman ko ang sakit sa tiyan ko.

Hindi ko naintindihan ang panaginip ko pero sinubukan kong gamutin ang sarili ko at napatulala nalang ako ng gumaling nga ako. Ibig sabihin totoo ang panaginip na 'yon?

Tumayo ako at lumapit sa walang malay na si Simon. Hindi ko alam kong paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Hayop talaga ang Raymondo'ng 'yon. Sa oras na makita ko siya ay papatayin ko talaga siya!

Ginamot ko si Simon. Binalot ako ng takot ng lumipas ang ilang segundo pero hindi parin siya nagigising.

“Gumising ka, mahal ko, pakiusap, gumising ka.” bulong ko tsaka hinalikan siya sa likod ng kanyang malaking palad.

Hindi parin siya umiimik at hindi ko na rin napigilan ang butil ng luhang kumawala sa mata ko.

“Simon, gumising ka! Pakiusap, gumising kana!” humagulgul na ako dahil hindi parin siya gumagalaw. “Simon, magagalit na talaga ako sa 'yo!”

Niyakap ko na siya ngayon, habang walang humpay na umiiyak.

“Simon, s-sabi ni Gary, magkakaanak pa tayo. P-paano mangyayare 'yon kong iiwan mo ako? Patawad, Simon... S-simon, Patawad. Patawarin mo ako, pakiusap gumising k-kana. Hindi ko mapa-p-patawad ang sarili ko kapag n-nawala ka, Simon.” paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanya, pero hindi parin siya gumigising... Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib ni Simon habang umiiyak.

“Simon, magkakaanak pa tayo. Gumising kana! Magkakaanak pa tayo—” napahinto ang pagsasalita ko ng maramdamang may humaplos sa buhok ko.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko at tiningnan si Simon.

“Magkakaanak pa tayo... 'yon ang totoong plinano ko,” wika niya habang nakangiti, medyo basag ang boses niya, dahil siguro 'yon sa pagsakal ko sa kanya.

Napangiti ako tsaka napailing-iling, “Paumanhin, Simon, hindi ko lang talaga napigilan ang galit ko.” nanunubig parin ang mata ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko, “Iba ka talaga mag galit, Gwen, mamamatay ako,” tumawa pa siya.

Humagulgul pa lalo ako, “Pasensiya na talaga, Simon, hindi ko kase alam na si Raymondo pala ang pumatay sa mga magulang ko...” bumangon siya bigla at nagtatakang tumingin sa akin.

“Si Raymondo?” usisa niya.

Tumango naman ako, “Oo, siya rin ang pumatay sa kay Heneral Jovito ang ama mo. Kaya pasensiya na, Simon, nagpadala ako sa galit—”

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at matama akong tinitigan sa mata, 'yong titig na nakakapagpagulo ng sistema ko.

“Si Raymondo ang pumatay sa ama ko?” tanong niya may halong galit sa boses niya.

Tinanguan ko siya, “Sinabi niya sa 'kin kanina, Simon, siya raw ang pumatay sa tatlong heneral dito sa Vereiñia, pinaniwala niya ang lahat na nagpatayan ang ama natin, pero ang totoo pinatay niya silang lahat para siya na raw ang nag-iisang heneral dito sa Vereiñia...” kwento ko.

Tumango-tango siya. Bakas sa mukha niya ang galit. “Pina-ikot niya tayong lahat. Magbabayad siya sa ginawa niya,” aniya habang nakatingin sa kamay niyang nakakuyom. Bigla nalang siyang lumingon sa 'kin,“Asan siya?”

'yon rin ang tanong na nasa isipan ko. “Matapos niya akong saksakin ay—”

“Sinaksak ka niya!? Asan? Ayos ka lang ba?” pinaulanan niya ako ng tanong habang inusisa ang katawan ko kong merong sugat.

Gusto kong ngumiti dahil sa reaksiyon niya, pero mas nangingibabaw ang kabang naramdaman ko. Paano kong hindi niya ako tanggap? ... Bahala na.

“Simon,” hinawakan ko ang pisngi niya. “Hindi ako normal na tao,” mahinahon kong sabi. Bakas sa mukha niya ang pagtataka.

“Hindi kita maintindihan, Gwen,”

“Noong gabing namatay ang magulang ko. Pumunta ako sa gubat ng Vereiñia kasama si Carlo, doon ko rin siya iniwan sa gubat sa ilalim ng isang puno na do'n mo rin siya siguro natagpuan. Sinubukan kong iniligaw ang mga humahabol sa 'min, pero naabutan nila ako, pinatay nila ako, ang mortal na ako ay patay na, Simon. Gumising nalang ako at hindi na ako normal na tao kaya nagagawa kong iligtas ka at ang sarili ko.” kwento ko.

Napakurap-kurap siya, “Hindi ito maaari,” umiling-iling siya.

“Isa akong Wolf Walker, Simon.” utas ko.

Tumayo siya galing sa pagkakaupo at umiling-iling habang papaatras at tuluyan ng lumabas.

Nangyare na ang kinatakutan ko. Humagulgul na ako sa iyak ngayon. Wala ng natira sa 'kin. Umalis na si Simon, sigurado akong hindi niya ako tanggap.

Tumayo ako tsaka pinigilan ang luha ko.

Maghihiganti ako kay Raymondo.

Vereiñian 1: Wolf Walker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon