Part 2: Meet the Master

221 8 0
                                    

Honey's POV

Nag ring na yung bell kaya pumunta agad ako sa room 15, baka malate ako kaya naisipan kong bilisan yung lakad ko, malapit na ko sa library ng biglang may nag text sakin, alam ko si ate yung nag text kaya kinuha ko agad sa bag ko yung phone ko ng biglang

*booogghss*

"Ouch!" Ang sakit ng pwet ko pero, mukhang galit yung nabangga ko kasi nakatayo lang sya kaya kinuha ko agad yung mga books na nalaglag, "sorry po kuya, nag mamadali lang po talaga ko" sabi ko without looking at him at patuloy na kinukuha yung mga books nya, puro math at science books yung dala nya, nerd siguro sya, pero baka magalit pa rin sya sakin, kaya pag harap ko sa kanya nagulat ako kasi sya yung Master na tinitilian kanina ng mga babae, nakakatakot yung tingin nya parang mananakmal, mukhang mali ako, hindi pala sya nerd, badboy pala sya

Binigay ko na yung books nya, kinuha naman nya agad yon "Sa susunod, ayoko ng tanga! Wag ka pahara-hara sa daanan ko! Saka hindi dito ang karera ng mga kabayo kaya baka nag kakamali ka ng tinatakbuhan mong lugar!" Ouch! Sakit naman ng mga sinabi nya

Aalis na sana sya pero bigla akong nag salita "Ang yabang mo! Feeling mo pogi ka?"

Ngumiti sya, ang cute pala nya, teka! Wait! Mali pala! Ang pangit pala nya! "Obvious naman diba? Syempre OO" tapos tumawa sya, aba! Kanina lang galit sya!

Lumapit ako sa kanya, inilapit ko yung mukha ko sa mukha nya, "oo nga ang pogi!" Sabi ko tapos ngumiti sya ng sobrang laki, "Ang pogi ng libro" sabay turo ko sa hawak nyang libro, nawala yung ngiti sa mukha nya at biglang tumawa, yung totoo bipolar ba sya?

"Hahaha! Galing mo mag joke! Pogi ako alam ko yun!" Sabay kindat sakin, yuck!

"Wag ka nga mag mura!" Sabi ko sabay irap sa kanya, aalis na sana ko dahil naalala ko may klase pa pala ko, pag hakbang ko bigla nya kong tinisod! Ahhh! Abnormal talaga sya! Natumba tuloy ako! Tumatawa sya habang nag lalakad paalis! Baliw!

Tatayo na sana ko nang biglang may kamay na sumulpot sa harap ko, kinuha ko agad yon para makatayo agad, "thank you" sabi ko habang nag papag-pag ng damit, hindi ko pa sya tinitignan kasi nililinis ko muna yung damit ko puro alikabok kasi eh, pag harap ko nagulat ako kasi bumungad sakin ang isang cute na nilalang, chinito sya, tapos konti lang yung tangkad nya sakin, ngumiti sya at konti nalang mawawala na yung mata nya Sobrang cute nya!

"Sorry ah" teka nag sosory sya, pero bakit? Dahil ba sa cute sya? nako! Kung dahil dun hindi na kaylangan

"Bakit ka nag sosory?" Tanong ko, ngumiti na naman sya, ang cute nya talaga kaya hindi ko rin napigilan ang sarili ko na mapangiti

"Sorry about sa inasal ng best friend ko kanina, ganon talaga yon, please wag kana magalit sa kanya" ang bait naman nya, cute na mabait pa, ang swerte naman nung mayabang na yon, nag karoon sya ng best friend na katulad ni kuya singkit

"No problem, o-okay lang" ngumiti rin ako sa kanya, oo nga pala may klase pa ko! "I have to go, may klase pa pala ko, nice to meet you" tapos tumakbo na ko paalis, sayang nalimutan ko itanong yung pangalan ni kuya singkit

Nakarating na rin ako sa room ko, buti nalang mukhang kakaumpisa palang nila "excuse me Ms. are you belong in this class?" Tanong ng teacher

"Yes ma'am" sabi ko sa kanya, nako sana hindi sya terror

"okay, take your seat, next time don't be late! Okay?" Nag nod nalang ako, mukhang masungit nga sya, nag hanap ako ng vacant seat at meron sa likuran apat pa yun kaya umupo ako sa dulo sa may bintana "By the way class I'm your math teacher, I hope all of you are good in math because this is the highest section in 4th year, this is special class, so review more on math and science okay?"

Teka! Highest section? Hindi naman ako matalino eh! Mukhang maling room napasukan ko, pero tama naman room 15, hala! Alam ko kagagawan na naman 'to ni daddy! Hindi ako bagay sa section na 'to! Grabe! Mukhang magiging madugo ang pag-aaral ko dito sa Clarkson University!

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon