Part 22: Brother

8 1 0
                                    

Maresha Salvador's POV

Naiinis talaga ko sa lalaking 'yon. Bakit pa s'ya bumalik? Okay na lahat tapos babalik s'ya dito. Tangina naman talaga oh!

Pagkatapos n'ya ko tawaging 'little sis' tumakbo na ko paalis sa kanilang tatlo. I don't want to see their reactions, lalo lalo na yung kay James. Alam ko nagtataka kayo kung pano ko s'ya naging kapatid, kahit ako rin nagtataka kung paano. Nilihim ko 'to sa marami ng mahabahg panahon, but in just one second nasira lahat ng paglilihim na ginawa ko.

Nagulat ako when my mom told me that he is my brother. Anak s'ya sa pagkadalaga ni mommy at yung daddy n'ya namatay na kaya naman yung lola ko nalang ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata. Nung naging kaibigan ko ang Z5 hindi ko pa alam na magkapatid kami kaya normal ang pakikitungo ko sa kanya.

*phone beep*

From: James
        Babe? Where are you? Nag-aalala na ko sayo.

156 message pa ni James ang hindi ko pa nababasa, 57 kay King at 83 kay Drake. I know nag aalala sila sakin ngayon but mas pinili kong itext si Honey, s'ya lang ang makakaintindi sakin.

To: Honey
     Bitch, punta ka sa dati kong condo ngayon na bilisan mo.

7:15 na ng umaga at wala kaming pasok kasi Sunday ngayon.

*phone beep*

From: Honey
          Okay on the way na ko.

Hindi na ko nagreply at humiga nalang ako sa kama ko. I will tell her the truth, best friend ko si Honey kaya naman karapatan lang n'ya malaman na may kapatid ako sa labas.

Maya-maya lang narinig kong may pumasok sa condo ko and I know si Honey na yun. She knows the password of my condo units at hindi uso saming dalawa ang pagkatok.

"Anong kaartehan yan bitch." Sabi n'ya at pumunta sa kusina ko, pagdating n'ya may dala s'yang ice cream.

"May sasabihin ako sayong gaga ka. Kaya mag seryoso ka namang deputa ka kahit ngayon lang." Narinig kong tumawa s'ya kaya umupo ako sa kama ko at ganon din yung ginawa n'ya. Inagaw ko sa kanya yung kinakain n'yang ice cream at kinain ko din.

"Fine I will listen." Seryoso n'yang sabi at tumingin sa dyosa kong mukha.

"I have a brother." Paninimula ko. Hindi nagrereact si Jhanara pero alam kong nagulat s'ya. Gusto lang n'ya ko patapusin magsalita kaya tikom lang yung bibig n'ya. "My older brother is a member of Z5." This time nanlaki na yung mata n'ya kaya kinuha n'ya yung ice cream sa kamay ko. "S'ya yung tinatawag nilang TC. But his full name is Timothy Cyle Chua." Nagulat nalang ako ng mabitawan ni Honey ang ice cream at natapon ito sa bedsheet ng kama ko. Magagalit sana ko kaso nang tignan ko yung mukha ni Honey nagulat nalang ako ng makita kong umiiyak s'ya.

Why? Bakit s'ya umiiyak? Kilala n'ya ba si TC?

Honey Rivera's POV

"S'ya yung tinatawag nilang TC. But his full name is Timothy Cyle Chua." Nabitawan ko yung hawak kong ice cream dahil sa sobrang gulat. Yung lalaking minahal ko noon kaibigan ng lalaking mahal ko ngayon. Yung lalaking niloko ko noon s'ya rin yung nanloko sa lalaking mahal ko ngayon.
    
"Bitch may problema ba? Why are you crying?"

Hindi ko alam na umiiyak na pala ko. Bakit pa kasi s'ya bumalik? Tapos ngayon sisirain na naman n'ya yung buhay ko pati na rin yung buhay ng best friend ko.

Baka sirain din n'ya yung relationship namin ni King.. Pero hindi ako papayag. NEVER AKONG PAPAYAG!

"Bitch, may ikukwento ako sayo. Ikaw na rin may sabi na magbest friend tayo kaya hindi rin ako mag lilihim sayo." Nakikinig lang si Maresha sakin at hindi nagsasalita. "Nung nasa Canada pa ko nagkaroon ako ng boyfriend, kinatatakutan s'ya sa school namin at hinahangaan s'ya ng marami kahit transferee lang s'ya. Katulad mo ko dati, maraming kaaway at kinatatakutan kaya siguro sinasabi ng mga schoolmates namin na bagay kaming dalawa. Kaso nagbago ko nung niloko n'ya ko. Pinilit kong maging isang good girl at nagpakalayo ako, umuwi ako sa Pilipinas at nagsimula ulit. Sobrang sakit nung niloko n'ya ko, sabi n'ya magpapaliwanag s'ya pero wala na kong pakielam pa sa sasabihin n'ya. Minahal ko ng sobra si Cyle kasi kahit basagulero s'ya napaka-sweet n'ya pagdating sakin. Nung nakilala ko si King naalala ko sa kanya si Cyle pero habang tumatagal na-realize ko na magkaibang magkaiba sila." Nagulat nalang ako nang yakapin ako ni Maresha.

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon