Part 8: Saw him crying

133 9 0
                                    

Honey's POV

Nag lalakad ako ngayon papunta sa school hindi naman kasi masyadong malayo yung Clarkson sa bahay namin

Malapit na ko sa gate ng school pero biglang may humarurot na kotse kaya muntik na ko masagasaan, buti nalang nakailag ako

Sinundan ko yung red car hanggang sa parking lot, nagulat ako kasi lumabas si Master dun sa kotse hindi ko alam ang laki pala ng galit nya sakin, lumapit ako sa kanya na naka cross arm "Bakit ang sama mo makatingin?" Tanong nya

"Kasi muntik mo lang naman ako masagasaan! Ano ba akala mo dito sky way?"

"Haha, ikaw pala yung pangit na nag lalakad kanina? Akala ko pulubi"

"So kapag pulubi sinasagasaan mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya

"Minsan, hahaha" inirapan ko sya at umalis na ko, nakita kong paparating sila James at Drake pero hindi ko na sila pinag aksayahan pa ng oras

"Honey!" Sigaw ni James kaya napatigil ako saglit pero nang makita kong maraming naka tingin saming tao binilisan ko yung lakad ko pero nahawakan ni James yung kamay ko "Do you have a problem?" Tanong nya

"May headache lang ako, sige una na ko" palusot ko pero hindi pa rin binibitawan ni James yung kamay ko

"Are you okay? Let's go to clinic" mukhang maling palusot yung nasabi ko

Nakita ko si Maresha na naka tingin samin at naka cross arm pa sya kaya mas lalo akong natakot "James okay lang ako" pero obvious naman sa expression ng mukha nya na hindi sya naniniwala

"Ako na mag dadala kay Honey sa clinic James, masyado ng maraming tao yung naka tingin sa inyo baka kung ano isipin nila" nagulat ako sa sinabi ni Master at mukhang hindi lang ako yung nagulat kasi lahat ng tao dito sa parking lot natigil yung ginagawa at tumingin samin

Hinila ako ni Master kaya naman nabitawan ni James yung isa kong kamay, tinitignan kami ng lahat ng taong madadaanan namin siguro dahil nakahawak sya sa kamay ko

Pag dating palang namin sa clinic nakita ko nang nag mamadali yung nurse "Nurse, masakit po yung ulo nya, ikaw na bahala sa kanya"

"Sorry Mr. Ortego, merong student na nabagok sa gym, mas kailangan nya ng tulong, It's better kung mag pahinga muna sya" tinignan ako nung nurse "Wait for me nalang po" what!? Makakasama ko si Master dito?

"Okay" tipid na sagot ni Master

Humiga ako sa bed ng clinic, mas better na rin to kesa naman andun ako sa room at nakikinig sa teacher namin, umupo si Master sa sahig sa gilid ko

Sinuot nya yung headphones nya at kinuha nya yung phone nya, nakita ko yung wallpaper nya ang gandang babae naman ng kasama nya sa picture "Sya siguro si Kathlyn" sabi ko, hindi naman nya ko maririnig kasi naka headphones naman sya

Pero bigla nalang sya tumingin sakin, nakakatakot sya "Bakit mo kilala si Kathlyn!?" Parang may black aura na pumapalibot sa kanya

"Si-sinabi sakin ni ate Heather" pumikit sya para siguro pigilan yung galit nya "Sorry"

"You don't need to say sorry, wala kang kasalanan" umupo ako sa tabi nya

"Okay ka lang?" Ngumiti lang sya "Mahal mo pa ba sya?" Alam ko wala ko sa posisyon para itanong yung bagay na yun pero gusto ko malaman yung totoo, gusto ko sya tulungan, alam ko yung nararamdaman nya

"Ewan, maybe, I don't know" yan lang yung sinabi nya

"I know you know the answer" bigla nalang syang yumuko

"Yes! I'm still f*cking love her! Kahit na niloko nya ko!" Nakita kong tumulo yung luha nya pero pinunasan nya agad yun "Siguro iniisip mo na ang hina ko kasi ang bilis ko umiyak"

"Hindi ah, Ikaw nga yung pinaka matapang na lalaki na kilala ko" tinignan nya ko na parang hindi sya naniniwala "Ang tapang mo kasi hindi ka natakot na umiyak sa harap ko" hinawakan ko yung kamay nya "King, minsan kahit ang isang hari kailangan ding umiyak"

Nagulat ako kasi niyakap nya ko at naramdaman ko nalang na basa yung balikat ko, niyakap ko din sya at hinimas ko yung likod nya "Kung gusto mo I'll help you to move on" tinignan nya ko at pinunasan ko yung luha nya

"Talaga?" Ngumiti sya sakin, mas bagay sa kanya kapag naka smile "Sorry kung minsan iniinis kita"

"Minsan?"

"Fine, lagi na" kinurot nya yung pisngi ko  "Sorry ang cute mo kasi" hindi ko alam pero kinikilig ako na ewan dahil sa sinabi nya, sinabihan na rin ako ni James ng ganyan pero iba yung dating pag si Master na yung nag sabi "Saka bakit King tawag mo sakin?"

"Pangalan mo naman yun diba?"

"Close ko lang tumatawag sakin ng King pero dahil sa tutulungan mo naman ako maka move on, sige King na yung itawag mo sakin"

Sinipa nya ko kaya sinipa ko rin sya, tatayo na sana sya kaso nasipa ko sya ng hindi sinasadya kaya natumba sya sakin, ang bigat naman nya, pero nakita kong nakatingin si King sa mata ko at bumaba yung tingin nya papunta sa labi ko

"Mr. Orte-" sabi nong nurse pag pasok nya sa clinic "Nakaka istorbo po ba ko" nagulat kaming dalawa ni King kaya naman tumayo agad kami

"Mali po yung iniisip mo, wala po kaming ginagawang ano, hindi po yun ano, basta wag mo nalang po isipin yun nakitang mong ano" puro ano nalang nasabi ko sa sobrang kaba

"Natumba lang kami" tipid na sabi ni King "Okay na pala sya kaya aalis na kami" hinila ko ni King palabas sa clinic at nakita kong naka ngiti sya

"May problema ba?" Tanong ko

"Natawa lang ako sa mukha mo kanina, akala mo talaga hahalikan kita?"

"Hi-hindi ah!"

"Hahaha... sabi mo eh" pero kinindatan nya ko

Hindi ko alam may gantong side pala ang isang King Master Ortego, iba pala sya sa inaakala ko sa kanya

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon