Part 20: His Plan

125 7 0
                                    

Master's POV

"Uy King! Kawawa naman si Honey, alam mo na naman na gusto ka n'ya diba? Itigil na natin 'to." Sabi ni Christine sakin, kung iniisip n'yo na girlfriend ko s'ya nag kakamali kayo. Pinsan ko s'ya at hindi girlfriend.

Nag papanggap lang kami para pag selosin si Honey. Nung una wala talaga yun sa plano namin.

Flashback

Hinatid ako ni Christine sa pinto ng classroom namin. Gusto n'ya kasi makita ulit si Honey. Botong-boto nga yung gaga kong pinsan sa kanya eh hahaha. "King, galingan mong manligaw kay Honey ah. Nasabi ko na naman sayo yung mga gusto naming mga babae kaya ikaw na bahala."

"Thanks tin-tin." Niyakap ko s'ya at hinalikan ko yung noo n'ya. S'ya lang yung pinsan ko. Si dad kasi solong anak at si mom naman dalawa lang silang mag kapatid kaya sabay kaming lumaki ni Christine. Kapatid na nga ang turing ko sa kanya eh.

"Nung pinag mamayabang mo sakin si Honey sabi mo makulit s'ya at maingay kaya mag kakasundo agad kami. Pero bakit ngayon ang tahimik n'ya." Tumingin kaming dalawa kay Honey at tama nga s'ya sobrang tahimik ni Honey ngayon, ano kaya problema ng babaeng yun. "King nasabi mo ba sa kanya na pinsan mo ko?"

"Hindi ata. Bakit mo naman natanong?"

"I think kasi nag seselos s'ya?" Nagulat naman ako sa sinabi n'ya at napangiti. Kung nag seselos s'ya ibig sabihin gusto na n'ya ko! Sana nga nag seselos talaga s'ya hahaha. "King I need to go na, may pasok pa ko. Bye!" Kiniss nya yung pisngi ko, sanay na naman ako kasi tinuturing n'ya talaga kong baby brother n'ya "Bantayan mo yung Honey mo baka maagaw ng iba" ngumiti sya at umalis na.

Pumunta ko sa may upuan namin at nakita kong nakahawak si Honey sa dibdib n'ya. Bakit kaya? May masakit ba sa kanya? Nakita ko ring nakitingin sa kanya si Drake at James pero mukhang hindi n'ya pinapansin.

"Honey okay ka lang?" Nag aalalang sabi ko sa kanya. Tumingin naman agad s'ya sakin pero bigla nalang s'yang tumakbo palabas. Susundan ko sana s'ya kaso bigla nalang hinawakan ni Drake yung wrist ko.

"Bro hayaan mo muna s'ya." Sabi ni Drake sakin. Si James naman kumuha ng tissue at pinunasan yung pisngi ko. "May kiss mark ka pa hahaha."

"Ano nangyari kay Honey? May sakit ba s'ya?" Nag aalalang tanong ko sa kanila.

Hinawakan ni James yung balikat ko "Tsong chill ka lang, hindi rin namin alam kung bakit ganon si Honey. Kanina okay naman s'ya pero simula nung dumating s'ya dito galing sa gym ang tahimik na n'ya"

"May sinabi o ginawa ba kayo ni tin-tin sa kanya?" Tanong ni Drake.

"Wala naman, sabi pa nga n'ya mag uusap daw sila ni Ms. Guitan kaya nag mamadali s'yang umalis." Mukhang tama nga yung sinabi ni Christine! Nag seselos si Honey samin!

"Bro pwede n'yo ba ko tulungan?" Sabi ko sa kanila.

Nag tataka naman silang tumingin sakin "Ano ba gagawin namin?" Sabay nilang sagot.

"Pag seselosin natin si Honey. Kasi mukhang nag seselos s'ya samin ni Christine, gusto ko lang makasiguro kung tama nga yung hinala ko." Alam kong papayag sila kasi mahilig kaming mang trip ng ibang tao.

Nag smirk sila, hahahaha hindi pa rin sila nag babago. "Yun lang pala eh." Sabi ni Drake. Si James naman halatang gusto rin yung gagawin namin mukha kasi s'yang abno na nakangiti mag isa hahaha.

Dumating na si Honey kaya naman umarte kami na nag uusap-usap. Nakita kong umupo na s'ya at tumahimik na.

"Ang sweet n'yo naman ni Christine" nag simula na umarte si James.

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon