Part 11: Jealous

206 7 0
                                    

Master's POV

Nakaka inis naman! Nasunog yung hotdog na ibibigay ko kay Honey! Pinag mayabang ko pa naman sa kanya na magaling ako mag luto ng hotdog

"Pre, may lunch box ka? Hahaha para kang elementary" baliw talaga 'to si James, nang-asar pa

"Nasunog nga eh" malungkot kong sabi, nahihiya tuloy ako ibigay 'to kay Honey, pero ang gago, tinawanan pa ako

"Hahahahahahaha! Tangna naman kasi King! Wala kang talent sa pag luluto! Tangapin mo na yun! Muntik na nga masunog yung bahay nyo dati nang mag luto ka ng itlog! Tapos hindi ka pa rin nag gigive up Hahahaha"

"Tumigil ka nga James!" Pero bigla nyang kinuha yung lunch box at binuksan

"Hahahahahahaha laptrip yung hotdog kulay black! Hahaha" tinuro-turo nya pa yung hotdog "Kung may black American may black hotdog pala!"

Tinignan ko sya ng masama "Titigil ka sa pag tawa o sisipain kita?"

"Fine, titigil na ko pero pffft! Hahahaha laptrip talaga tsong!" Kinuha ko yung lunch box sa kanya at sisipain ko na sana sya kaso bigla nalang tumunog yung bell

"Mag pasalamat ka sa bell James!"

"Salamat bell" tumingala pa sya, ang gago talaga nya

●●●

"Psst, King" bulong ni James sa left ear ko, pero hindi ko sya pinansin "Kiiiiinggg" bwisit talaga 'tong tao na 'to, minsan iniisip ko kung ilang beses sya inere ng nanay nya "Uy" at kinalabit pa ko

"What" mahinang sabi ko sa kanya pero galit yung boses ko

"Look, may nag text sakin" pinakita nya pa sakin yung phone nya

Tinabig ko yung kamay nya "James, wala kong pakielam sa nag te-text sayo, may nag te-text din sakin kaso hindi ko naman pinag yayabang"

"Nag text sakin si TC" agad kong kinuha yung phone nya kaso bigla nyang tinaas "Akala ko ba wala kang pakielam"

"Akala ko naman kasi kung sinong tao lang yung nag text sayo, hindi ko alam na si TC pala, kaya akin na patingin" buti nalang binigay nya at nagulat ako sa nabasa ko "Sigurado ka bang si Timothy 'to? Bakit nya kilala si Honey?" Buti nalang tulog si Honey at hindi nya narinig

"Ex ni Timothy si Honey"

"What!" Napasigaw na ko at lahat ng classmates ko napatingin sakin pati na rin yung teacher ko

"Is there any problem Mr. Ortego?"

"Wala sir" tipid kong sabi sa tsismosong bakla kong teacher at bumalik na sya sa sinusulat nya, binalik ko yung tingin ko kay James "Are you serious? Hindi ngayon time ng biruan James!"

"Alam mo kung kelan ako nag bibiro King, seryoso ako" tinignan nya si Honey na hanggang ngayon tulog pa rin "Ex ni Honey si Timothy Cyle"

Parang hindi pa nag sisink-in yung sinabi nya sa utak ko, bakit si TC pa! Bakit sa daming taong pwede maging ex ni Honey si Timothy pa!

Honey's POV

Nakaka inis naman! Napuyat ako dahil kay Zyrus, halos mag damag kaming mag katawagan at si James lang yung topic namin

Flashback

[Hello Honey, Zyrus pogi 'to]

"Oh 12:48 na Zyrus, gising ka pa?"

[Hindi tulog na ko kaya nga kausap mo ko ngayon kasi tulog na ko]

"Baliw ka, bakit ka nga pala napatawag"

[Gusto ko lang tanungin kung ano ba tingin mo kay James]

"Tao"

[Hindi]

"Ano? Hindi tao si James?"

[Syempre tao, gusto ko lang tanungin kung may gusto ka ba sa kanya]

"Gusto ko sya kasi mabait syang kaibigan sakin"

At kung ano-ano pa ang pinag sasabi nya na wala namang kabuluhan

Present

"Honey, kagigising mo lang?" Tanong ni King, bumait na sya sakin at parang hindi ako sanay

"Oo, ano palang sinabi ni sir habang tulog ako?"

"Wala naman" sabi ni King at nginitian nya ko

Nag bibigayan pala ng test paper, yan siguro yung tinest namin kahapon

"Ortego, King Master" sabi ni sir at kinuha naman ni King yung papel nya "Congrats, highest ka na naman" pero hindi sya tinignan ni King at binaling yung atensyon nya sa test paper

"Dela Cruz, Drake" kinuha naman agad ni Drake yung papel nya

"Rivera, Honey" alam ko lowest ako kaya hinahanda ko na yung sarili ko, pero nagulat pa rin ako kahit sanay na ko makakuha ng lowest score, bwisit ang baba na naman

"Anong score mo?" Tanong ni James

"20" hanggang 50 yung test namin, hindi man lang ako nangalahati

Lumipas na yung ilang subjects at hindi na naman ako nakinig dahil nag da-drawing lang ako, maya-maya bigla nalang tumunog yung bell, yes! Lunch na!

Master's POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ibibigay ko ba talaga kay Honey 'tong hotdogs na 'to

"Pinag hirapan mo yan diba? Ibigay mo" nagulat ako sa boses ni Drake sa kanan ko, hanggang ngayon kasi andito pa rin kami sa room "Bigay mo na King, tatanggapin nya yan" nag sindi sya ng yosi nya, buti nalang hindi sya katulad ni James

Iniwanan ko na si Drake sa room kasi nakita kong padating si Maresha, ayaw ko masira diskarte nya kaya pumunta nalang ako sa cafeteria at hinanap ko agad si Honey, luckily I found her, kasama nya si Zyrus at tangna naman! Bakit nya kasama yung ungas na yun!? Bakit kasama nya si Denzel!?

Nakita kong nag tatago si James sa may puno, para talaga syang baliw kung minsan "Uy!"

"Tangna naman King, wag kang maingay!" Hinila nya ko sa may puno na pinag tataguan nya "Tignan mo si Denzel, napaka gago talaga nya, pati si Honey nilalandi nya!"

Nakaka hiya yung ginagawa namin dito "Pakyu yang Denzel na yan, gago sya raise to the power of 10" sabi ko nalang kay James

Ayaw ko mag tago lang dito kaya lumabas na ko at lumapit sa kanila, sabi ni Honey tutulungan nya ko maka move on, kaya dapat lang na sya yung kasama ko ngayon

"King!" Tawag ni Zyrus sakin

"Uy King upo ka, sabay kana samin mag lunch" naka ngiting sambit ni Honey kaya umupo ako sa tabi nya "sabi mo pala sakin lulutuan mo ko ng hotdog, yan ba yung luto mo?" Turo nya sa lunch box na dala ko

"Hi-hindi, nalimutan kong lulutuan pala kita" tumingin ako kay Denzel at ang sama ng tingin nya sakin

"Weh? Ibigay mo na King" baliw talaga 'to si Zyrus mana kay James

"Fine, ito na" inabot ko yung lunch box sa kanya "Sorry sunog yan"

Nginitian nya ko, "mamaya ko na kakainin 'to sa bahay"

"Honey kainin mo 'to oh, masarap yan" inabot ni Denzel yung fried chicken kay Honey "Ito pa" sabay abot din ng lasagna

Tinignan ako ni Denzel na para bang nang aasar at ginantihan ko sya ng tingin na sinasabi kong 'pakielam ko'

Nag vibrate yung phone ko, kaya kinuha ko at tinignan ko kung sino yung nag text

From: Zyrus

Halata yung pag seselos mo!

Receive: 11:50 AM

Baliw talaga sya! Mag sama silang dalawa ni James!

Pero hindi naman ganon ka obvious diba?

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon