Part 17: Serious Conversation

138 8 0
                                    

Master's POV

Nakita kong nakapikit na si Honey kaya naman lumapit ako sa kanya. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko pati ang kinikilos ko. May gusto lang akong linawin sa sarili ko, at kapag napatunyan ko yun, liligawan ko na talaga si Honey.


Hinalikan ko sya at hindi naman sya nagising. "Sabi ko na nga ba eh. Tama ako" tama ang hinala ko MAHAL KO NA S'YA.


"Tama ang hinala ko, may gusto ka kay Honey" dahan-dahan akong lumingon sa nag salita at nakita ko si James na nakatayo habang naka ngiti sakin.


Hindi ako nag salita at lumapit nalang ako sa kanya. Nakita ko rin si Drake na papalapit samin. "Mga bro I think, mas maganda kung pag uusapan natin yan sa labas."


"Haha tama si Drake, dun tayo sa dating tambayan" sabi ni James habang hila-hila kami papuntang kotse.


●●●

Andito kami ngayon sa tabi ng malaking puno ng mangga. Simula bata kami lagi kaming andito, medyo tago ang lugar na 'to kaya naman kami lang lagi ang tao dito. Naka-ukit pa rin dito sa puno yung pangalan naming lima.


'Z5 Best Friend Forever
-King Master
-Timothy Cyle
-James
-Drake
-Denzel'


Yan yung naka lagay dun sa may puno. "Look dito nga pala natin ginawa yung Z5 promise, andito pa rin yung pangalan natin. May forever pang nakalagay haha" tumawa si Drake pero alam ko na deep inside nalulungkot sya. Nag yosi sya at uminom ng beer.


Sumandal kami sa may puno at umupo.


Uminom din ng beer si James "Wala namang forever eh. Hahahaha" tinignan nya ko at kinuha nya yung sigarilyo na hawak ko at yun ang ginamit nya.


"Ano ba James! Kumuha kana lang ng yosi mo nang aagaw ka pa!"


"Ang OA mo King. By the way, yung nakita ko kanina." Nginitian nya ko "Gusto mo talaga yung bhogs ko?"


"Hindi" iinom sana ko ng beer kaso lang biglang kinuha ni Drake. Mga tamad kumuha tangina!


"Hindi mo gusto si Honey pero hinalikan mo?" Seryosong tanong ni Drake.


"Hindi ko nga sya gusto. Kasi mahal ko sya" nakita kong ngumiti si Drake.


"Buti naman naka move on kana" sabay nilang sabi sakin.


"Matagal na!" Sigaw ko sa kanila. Bigla namang hinawakan ni James yung buhok ko.


"Basta ingatan mo yung bhogs ko 'pag naging kayo" seryoso yung boses nya pero naka ngiti sya sakin.


"I thought James, crush mo si Honey, bakit ngayon parang pinapaubaya mo na sya kay King" pang-aasar ni Drake kay James.


"Hindi ko sya pinauubaya. Kaso crush ko lang si bhogs pero mahal sya ni King" napangiti naman ako sa sinabi ni James.

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon