Part 12: Crush

149 7 0
                                    

Honey's POV

Pipila na sana ko para bumili ng pag kain kaso biglang may humawak sa wrist ko at hinila ko palayo sa pila "Ano ba bitawan mo nga ako! Nagugutom na ko" pag pupumiglas ko sa humihila sakin kaso masyadong mahigpit yung pag kakahawak nya, naka talikod sya kaya hindi ko makita yung mukha nya

"Ang ingay mo naman Honey!" Teka yung boses na yun

"Bwisit ka Zyrus! Bitawan mo nga ko"

"Ayaw" ang tigas ng ulo nya mana kay James "Wala akong kasabay kumain ngayon, kaka-break lang namin ng syota ko"

"Mukhang hindi ka naman ata malungkot, ilang taon ba kayo"

Bigla nalang sya tumawa "Hahahaha, 3 hours lang kami"

Nagulat ako sa sinabi nya, grabe kung makapag emote naman sya akala ko taon yung tinagal nila, may nakita kong apat na babaeng sumusunod samin "Zyrus, sino yung mga babae sa likod natin?"

Tumigil kami at tinignan namin yung mga babae "ah mga ex ko yan, yung naka blue syota ko nung Monday, yung naka stripe nung Tuesday, yung naka hello kitty kahapon, yung naka dress yung binreak ko kanina" tinuturo nya pa talaga

Mukhang nainis yung mga babae kay Zyrus kaya umalis sila at lahat naka cross arm pero tinawanan lang silang lahat ni Zyrus "Denzel!" Nagulat ako sa sinigaw na pangalan ni Zyrus, tumingin ako sa likod namin at andun nga si Denzel nakatayo

"Hi Zyrus" tipid nyang sagot

"Sabay kana samin, mukhang lonely ka"

Ngumiti si Denzel at tumingin sakin, yumuko ako parang naiilang ako sa kanya "Ayaw ata ni Honey eh"

"Hindi ah! I mean okay lang"

"Yun naman pala eh, galante pa naman 'to si Denzel" sabi ni Zyrus at inakbayan pa si Denzel, kaya lang pala nya gusto kasabay kumain si Denzel kasi manlilibre

"Hanap na tayo ng lamesa" si Denzel yung pumili ng uupuan namin

"Ako na bibili ng kakainin natin" sambit ni Zyrus at binigyan sya ni Denzel ng pera, nang makaalis si Zyrus nakita kong tinititigan ako ni Denzel kaya yumuko ako, nahihiya ako sa kanya

"Honey?" Omo! Tinawag nya yung pangalan ko ng sobrang swabe, naiinis ako parang may nag kakarera sa dibdib ko

"Ba-bakit?" Tinignan ko sya at nakita kong nakangiti sya, sobrang ganda ng mata nya tapos yung lips nya ang perfect ng shape kaya napa lip bite nalang ako ng wala sa oras

"May boyfriend kaba?" Nanlaki yung mata ko sa tanong nya, bakit nya kaya tinatanong ng ganyan? Liligawan nya ba ko? Ayoko mag assume baka masaktan lang ako

"Wala eh" mukhang ang pabebe ko naman ata ng sabihin ko yan

"Haha ang cute mo pala" parang sasabog na ko sa sobrang kilig, Denzel tama na! Enebe!

Buti nalang nakita ko si Zyrus na parating na "Yow guys!" Ang ingay nya talaga, tumingin sya sa likod ko "King!" Kaya tumingin ako sa likod ko at nakita ko nga si King

"Uy King upo ka, sabay kana samin mag lunch" naka ngiting sabi ko sa kanya at umupo naman sya sa bakanteng space sa tabi ko, nakita kong may dala syang lunch box kaya naalala ko na lulutuan nya ko ng hotdogs "sabi mo pala sakin lulutuan mo ko ng hotdog, yan ba yung luto mo?" Turo ko sa lunch box na dala nya

"Hi-hindi, nalimutan kong lulutuan pala kita" sayang naman, gusto ko pa naman kumain ng hotdog ngayon

"Weh? Ibigay mo na King" naka ngising sabi ni Zyrus s kanya

"Fine, ito na" inbot nya yung lunch box sakin "Sorry sunog yan" mukhang nahihiya sya

Nginitian ko sya "mamaya ko na kakainin 'to sa bahay" ayaw ko kasi pag tawanan sya ni Zyrus pag nakita nya yung luto ni King

"Honey kainin mo 'to oh, masarap yan" inabot ni Denzel yung fried chicken sakin, ang sweet naman nya "Ito pa" sabay abot din ng lasagna, mukhang nag bago bigla yung kinikilos nya

Parang mag kakilalang mag kakilala si Denzel at King ah, sabagay classmate naman namin si Denzel kaya siguro kilala sya ni King

●●●

"Kaninong lunch box yan" tanong ni ate habang gumagawa ng assignment nya, hawak ko kasi yung lunch box na binigay sakin ni King hindi ko alam kung bakit

"Sakin, bigay ni King" tinigil ni ate yung ginagawa nya at tumingin sakin

"Wag kana ulit tatanggap ng kahit anong galing kay King" seryoso nyang sabi

"Bakit naman?"

"Basta!" Kinuha nya yung mga gamit nya at umakyat

Ano kya problem nun? Pumunta ko sa kitchen, kumuha ako ng plate at rice, kakainin ko na yung binigay ni King

Pag bukas ko hindi na ko nagulat kung sunog yung makikita ko, kinain ko pa rin yun kahit sunog because I know nag effort sya dun

Bigla nalang nag ring yung phone ko kaya kinuha ko agad, may tumatawag na unknown number kaya sinagot ko

"Hello?"

[Hi Honey?] Kilala ko yung boses na yun

"Denzel? How did you get my number?"

[Secret hehe] hindi ako makapaniwala na kausap ko si Denzel ngayon sa phone, ganto pala yung feeling kapag tumawag sayo yung crush mo

"Bakit ka nga pala napatawag?"

"Honey! Umakyat ka dito tumatawag si daddy!" Panira naman si ate

[Sige Honey bukas nalang, bye] wrong timing naman 'to si ate

Umakyat ako at pumunta sa room ni ate "Hinahanap ka ni daddy" sabi ni ate at binigay yung phone nya sakin

"Hello dad?"

[Honey, I call to your phone pero busy]

"Kausap ko kasi kanina yung classmate ko"

[Okay, by the way somebody told me na ikaw yung nakakuha ng lowest score sa class nyo]

"Sorry dad pero hindi talaga kaya ng brain cells ko, saka nilagay mo pa ko sa special class"

[Syempre, ano nalang sasabihin ng mga kaibigan ko? Yung anak ko nasa lowest section?] Sarili lang talaga nya iniisip nya

"Dad, hindi ako bagay dun sa section na yun"

[I know kaya nga gagawa ako ng paraan eh]

"What do you mean?"

[Sa Sunday pumunta ka sa address na itetext ko sayo]

"Why?"

[Stop asking me, sumunod kana lang] he ended the call at binigay ko na kay ate yung phone nya

Pumunta ko sa room ko, hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni daddy, ano na naman kaya ang balak nya

Master's POV

"What dad! A-YO-KO!"

[Son, nag invest sila ng malaki sa company natin, kaya please lang]

"I said AYOKO!"

[King, nalulugi na yung company natin, we need them]

"Fine! Basta ayoko maging babysitter!" I ended the call at pumasok na sa loob ng house

"Si daddy ba yun King?" Tanong ni ate Princess

"Yes ate"

"Bakit daw sya napatawag?"

"Basta, tulungan mo nalang ako mag alaga ng bata sa linggo" padabog akong umakyat at pumasok sa kwarto ko

Balak ko pa naman yayain mamasyal si Honey sa Sunday, nag iipon nga ko ng lakas ng loob pero sinira naman ng magaling kong tatay

Worst day ever! Kanina problema ko si Denzel, ngayon naman si daddy! Ugh!

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon