Part 5: Dance Partner

168 8 0
                                    

Honey's POV

Kakadating lang ng next teacher namin, kanina pa ko tulog sa klase, kasi kahit naman sila Master tulog din wala pa naman kasi kaming ginagawa masaydo "Good afternoon everyone I'm Ms. Jessica Guitan and I'm your Music and Arts teacher" sa time na 'to nagising na yung tatlo

"Hi Honey" parang nag iinit yung mukha ko sa sinabi ni James, tapos ang swabe pa ng boses nya saka medyo magulo yung buhok, bakit kaya ganto nararamdaman ko, bakit kasi Honey pa yung pangalan ko eh!

"He-hello James" ang sama na naman ng tingin sakin ni yabang! Ano ba problema nya?

"Okay class, we will have a dance showdown, folk dance ang sasayawin natin, our class will divided into two groups, group A and group B, each group will have two representative girl and boy, today practice muna then sa Wednesday yung performance" parang ang bilis naman ata

Nag taas ng kamay si Master "Miss kung sa Friday nalang kaya yung performance para mas mapag handaan" first time kong sumang-ayon sa kanya

"okay, but make sure na maganda talaga yung gagawin nyo, now simulan nyo na igrupo yung sarili nyo 40 kayo lahat kaya each group dapat may 20 members" nahati na sa dalawang grupo yung mga classmates ko, ang hirap naman mag decide kung saang grupo ako pupunta, nagulat ako kasi may kamay na biglang humila sakin papunta sa group B, pag tingin ko kung sino yung humihila sa kamay ko si James pala, buti nalang hindi namin kagroup si yabang

"Bakit dito tayo pumunta?" Tanong ko sa kanya, hindi kasi namin kasama sila Master at Drake pero andito si Denzel, magaling din pala sya pumili ng grupo, pag tingin ko kila Master sobrang sama ng tingin nya sakin, parang ano mang oras pwede nya ko patayin

"Ayaw mo? Buti nga hindi natin kasama dito sila King" tapos nginitian nya ko, bakit kaya ang hilig nya ngumiti?

"Okay class, pumili na kayo ng dalawang representative sa group nyo, dapat yung magaling talaga sumayaw" bigla naman akong natakot sa sinabi ni ma'am mukhang kaming dalawa kasi ni James yung magiging representative kasi tinulak kami ng mga kagrupo namin papunta sa gitna "meron ng representative ang group B si Mr. Fernandez at Ms?" Tinignan ako ni ma'am na para bang nag tatanong yung mukha nya

"Rivera but soon to be Fernandez" sabi ni James at lahat ng babae nag 'yhieee' ewan ko kung kinikilig ba talaga sila pero ako mukhang ewan na nakatingin lang sa kanya,tapos inilagay nya yung kamay nya sa ulo ko "Joke lang haha" bulong nya sakin, hindi ko maiwasan na tignan si Master at mukha na syang sasabog, hindi ko alam kung nag seselos ba sya pero alam ko namang imposible mangyari yun,

Nag step forward si Mater pati na rin yung isang babae, maganda sya at mukhang mayaman, "Sa group A si Mr. Ortego at Ms. Salvador" mukhang famous din sya kasi kilala agad sya ng teacher namin, tinignan ako nung Ms. Salvador at nginitian ko sya pero inirapan nya ko, mataray pala sya

"Hayaan mo nalang si Maresha ganyan talaga yan, pero mabait naman yan eh" sino si Maresha? Sya siguro yung Ms. Salvador

"Si Maresha ba yung Ms. Salvador? Yung umirap sakin?" Tanong ko kay James, tinignan ko yung Maresha mukhang crush nya si James kasi kanina pa sya nakatingin kay James, ang manhid naman ni James kasi hindi nya nahahalata yun, ang ganda pa naman ni Maresha

"Oo sya nga, mabait sya, mataray lang sya sa iba pero kapag naging close mo na sya doon mo malalaman na sobrang bait nya, sya yung pinaka mataray dito sa Clarckson, sikat din sya dito at lahat ng babae takot sa kanya, school princess yung turing sa kanya at ang ate mo at yung ate ni King ang school queen" may ate pala yun si yabang, sana naman mag kaiba sila ng ugali

"Bakit parang kilalang kilala mo na sya? Ex mo ba sya o baka naman girlfriend mo sya?" Grabe, nakakahiya naman yung tanong ko, baka sabihin ni James feeling close ako, kakakilala palang namin

"Best friend ko kasi sya since bata ako" ah kaya siguro ganon makatingin yung Maresha kasi akala nya aagawin ko yung best friend nya

"Okay class practice na kayo, don't waste your time" sabi ni Ms. Guitan samin kaya agad na kami nag practice ng mga ka-group ko, hindi ako umangal kanina ng itulak ako ng mga ka-grupo ko sa gitna kasi gusto ko talaga ang pag sasayaw, mahilig ako sumayaw lalo na sa art kaya feeling ko mag kakasundo kami ng teacher kong 'to

"Guys ako na bahala sa sasayawin natin" nagulat ako nang mag salita si Denzel, grabe mag sasalita lang sya napaka swabe pa

"Okay, guys saan tayo pwede mag practice ng sasayawin? Yung available na bahay" tanong ko sa kanila nag taas naman agad ng kamay si James, sabi ko na nga ba sya yung mag tataas eh

"Samin sa bahay namin pwede!" Sigaw ni James at kinakaway-kaway pa nya yung kamay nya kaya lahat ng tao sa room nakatingin sa kanya! Lumalabas na yung kaabnormalan nya, nakakahiya tuloy kasi katabi ko lang sya, sabi ko na nga ba eh weird sya

"Do you have a problem Mr. Fernandez?" Tanong ni ma'am sa kanya, natawa tuloy ako kasi parang gulat na gulat sya at nakataas pa rin yung kamay nya, haha saang planeta kaya sya galing?

"Wa-wala po ma'am hehe" tapos binaba nya yung kamay nya pero inilagay nya yun sa mukha ko at yung isa nyang kamay nakalagay sa ulo ko, kaya parang naka yapos sya sakin, abnormal talaga sya!

"Mag practice na nga tayo hayaan nyo na sila!" Sigaw ni yabang dun sa mga ka-grupo nya, nako! Paepal sya!

Biglang tumunog yung bell, yes! Uwian na! "Class, continue nalang natin 'to tomorrow" whooo! Ito yung hinihintay ko! Kaya pumunta agad ako sa upuan ko, para kunin yung bag ko, pero sobrang malas ko naman kasi nung iginilid yung mga upuan kanina napunta sa likod ni Master yung upuan ko, nakaka ilang tuloy!

"Yabang excuse nga" hindi nya ko pinakinggan at inupuan nya pa yung upuan ko, epal talaga sya! "I said excuse!" Nakaka inis na sya tapos pangiti-ngiti pa!

"Panget, tanga kaba? ang lawak ng daanan, eh di dumaan ka!" Iniinis talaga ko nitong mayabang na 'to eh, kaya tinulak ko sya tapos kinuha ko agad yung bag ko

"Honey hatid na kita" alok ni James, abnormal sya pero hindi ko ikakailang sobrang bait nya, tinignan ko si Master na nasa kaliwa ko, nag lalaro lang sya sa phone nya at naka headphones, sana naman this time may sound na yung pinapakinggan nya

"Wag na James, sabay kami ni ate Heather eh" tapos tinignan nya ko na para bang nag tataka sya, bakit kaya?

"Honey, hindi mo ba alam schedule ng ate mo? Nasa theater sya ngayon, sure ako dun, tawagan mo pa" ay! Oo nga pala, nasabi sakin ni ate dati na kasali sya sa theater, pero hindi ko alam na may practice sila ngayon "Bilis na Honey, partner naman kita eh, please" hinila-hila nya pa yung braso ko, hay nako James!

"Fine, sige na nga!" Tumalon talon si James na parang bata, grabe kanina lang parang ang badboy nya pero ngayon, ang childish nya na, bigla nalang tumayo si Master saka tinapik yung balikat ni James at lumabas na

"Ano partner tayo na?" Feeling ko double meaning yung word na 'tayo na'

"Okay" nginitian ako ni James ng sobrang lapad, sabi ko na nga ba eh, double meaning yun, "oy! Ayoko yang ngiti na yan! Mali yung iniisip mo!" Abno talaga sya

"Wala naman akong sinasabi ah!" Pinisil nya yung pisngi ko "Ang cute mo pala pag nagagalit haha" inirapan ko sya pero hinila na nya ko palabas "Halika na nga! Baka uminit lalo yang ulo mo"

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon