Part 3: Classmate?

192 8 0
                                    

Honey's POV

Tumigil sa pag sasalita yung teacher namin nang dumating ang tatlong lalaki, si yabang, si kuya singkit, at yung isa pang lalaki gwapo din sya at lahat ng babae nag tilian na naman syempre maliban sakin, wala naman akong pakielam sa kanila

"Mr. Ortego, Mr. Dela Cruz and Mr. Fernandez please take your seats" sabi ng teacher namin, classmate ko pala sila, malas naman! hindi man lang nila pinansin yung teacher namin at dire-diretso sila papunta sa vacant seat sa tabi ko, grabe! Unfair naman! Ako pinag sabihan dahil late ako, pero sila hindi! Late naman din sila ah!

"Hi?" Sabi ni kuya singkit sakin, grabe ang cute nya talaga tapos ang bait pa,

"Hello" sabi ko without looking at him, baka kasi sabunutan ako ng mga babae dito, ang sama nila makatingin, umupo sa tabi ko yung isa pa nilang kasama na gwapo din ang weird nya kasi kanina pa sya ngiti ng ngiti, katabi naman nya si yabang at sa tabi ni yabang si kuya singkit

Nakakatakot na talaga yung mga babae, baka isipin nilang nilalandi ko yung mga lalaking to, "hi?" Nagulat ako kasi biglang nag salita yung weird na katabi ko

"Hi din" tapos ngumiti ako sa kanya, tapos bigla nya kong kinurot sa pisngi, ang FC nya ah!

"Sorry kung nasaktan ka, ang cute mo kasi eh, by the way I'm James Fernandez" inabot nya yung kamay nya kaya kinuha ko at nag shake hands kami "This is King Master Ortego" turo nya kay yabang na naka suot ng headphones at naka pikit pa! "And this is Drake Dela Cruz" turo nya kay kuya singkit na nag lalaro ng Clash of Clans

"I'm Honey Rivera" tapos ngumiti ulit ako sa kanya, bigla nalang tinanggal ni yabang yung headphones nya at tumingin sakin

"Hindi sayo bagay yung pangalan mo!" Aba! Hindi talaga siguro nakikinig ng music yang ungas na yan, feeling naman nya bagay sa kanya yung pangalang King Master!?

"Mas bagay sakin yung pangalan ko kumpara sa pangalan mo!" Bigla nalang syang tumawa aba! Baliw talaga sya!

"I'm King Master Ortego! Pangalan palang nakakatakot na! Eh yung pangalan mo? Honey? Pangalan palang pang duwag na! Hahahaha!" Loko pa 'to eh! 

Tumayo ako para suntukin si ungas! Pero biglang nag salita yung teacher namin "Do you have a problem miss?" Umiling nalang ako at umupo ulit

Biglang nag taas ng kamay si Master, kaya tumingin sa kanya ang buong klase, "Yes ma'am her face is her problem!" Tapos nag tawanan ang lahat maliban kay James na naka tingin lang sakin, pero ngumiti ako sa kanya para sabihing okay lang ako, mabait din pala sya, mukhang si Master lang talaga yung ungas sa kanilang tatlo

"Okay class, introduce yourselves here at the front" nag pakilala na isa-isa yung mga classmates ko, wala naman akong natandaan kahit isang pangalan, pero may nag pakilala na isang lalaki na talaga namang umagaw ng atensyon ko

Matangkad sya, matangos ang ilong, ang kapal ng eye glasses nya at ang weird ng suot nya, wala kasi kaming uniform kaya kahit ano isuot okay lang, para sakin ang pogi nya, hindi siguro nakikita ng iba yun dahil natatakpan ng makapal na eye glasses nya yung mukha nya "I'm Denzel Decano, 17 years old" tapos umupo na sya, mukhang loner sya at mukha ring malungkot sya

Pinag patuloy yung pag papakilala,at ng ako na yung mag papakilaka agad akong tumayo at pumunta sa harapan, "I'm Honey Rivera 16 years old and I'm a transferee" bumalik na ko sa upuan ko, saktong uupo na sana ko ng biglang kinuha ni yabang yung upuan ko kaya napa-upo ako sa sahig, nag tawanan na naman yung mga classmates ko

"Panget, bakit ka dyan umupo sa sahig? Dun ba sa school na pinang galingan mo walang upuan? Hahahaha!" Tapos nag tawanan na naman silang lahat, syempre maliban na naman kay James, inabot nya yung kamay nya sakin para makatayo ako, kinuha ko naman agad yun, parang gusto ko ng umiyak dahil sa kahihiyan "James! Bakit mo sya tinutulungan? Type mo ba yang panget na yan?" Nanlaki yung mata ko sa tanong ni yabang at agad akong tumingin kay James na naka yuko lang, bigla syang humarap kay yabang

Mukhang mag sasalita na ata sya pero biglang nag salita yung teacher namin "Guys tama na yan! James, it's your turn pumunta kana dito sa front" hay, buti nalang hindi natuloy, pumunta na si James sa harapan at nag tilian na naman yung mga babae pag upo nya, biglang tumayo si Drake, dapat si yabang yung tatayo pero nauna sya, nag tilian na naman yung mga babae pero mukhang mas malakas yung tili nila kay James, nang matapos si Drake si yabang na yung tumayo, at sya yung nakakuha ng pinaka malakas na tili yung iba pinu-pukpok  pa yung arm chair nila, grabe ganon ba sya kalakas sa babae!

Tapos na kami mag pakilala at sakto naman biglang nag ring yung bell! Naalala ko tuloy yung text kanina ni ate,

From: ate Heather

   Hey little sis, good luck sa first day of school mo! :*

Receive: 6:30 am

Whaa! Dahil dito sa text ni ate naging kaaway ko si yabang! Nako naman!

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon