Part 7: Past is Past

146 7 0
                                    

Honey's POV

Hinatid ako ni James dito sa bahay, weird nga kasi may kotse na sunod ng sunod samin

6:30 pm na pero wala pa rin si ate, ngayon pa naman namin ipag papatuloy yung chismisan namin about sa nabuwag na grupo nila Master

Pumunta muna ako sa terrace at tumingala ako sa langit, tinignan ko yung ring na binigay nya sakin, I know hindi ko na sya mahal kasi niloko nya ko "Naalala mo na naman ba sya?" Nagulat ako sa boses ni ate

"Of course not! Bakit ko sya iisipin? Our relationship is over ate!" Pag sisinungaling ko

"Honey kahit hindi ko pa sya nakikita alam kong minahal mo sya ng sobra" ayoko na balikan pa yung nakaraan, I don't want to talk about him

"Ate diba ngayon natin itutuloy yung usapan natin about sa Z5 ba yun?" Pag iiba ko ng topic, hinila ko si ate papasok sa kwarto ko at umupo kami sa kama

"Yun nga, babae yung dahilan kung bakit sila nag watak-watak" sabi ni ate

"Who's that girl? And what happened?" Grabe certified chismosa na ko

"Si Kathlyn girlfriend sya ni King, sya yung first love ni King. Nakaka kilig silang dalawa, parang Kathniel yung love team nila sa school. Prinsesa yung turing ni King sa girlfriend nya, kaso nong araw ng birthday ni King nakita nyang nakikipag halikan si Kathlyn kay TC  pero dahil nga sa mahal ni King si Kathlyn nag bulag-bulag sya. Isang linggo lang yung lumipas nakipag break na si Kathlyn kay King at pumunta sya sa Japan. Si TC naman nag quit sa Z5 at sumama sa kanya si Denzel ang alam ko sa Canada naman sila pumunta"

"Kawawa naman pala si Master" hindi ko akalain na na-inlove na yung mayabang na yun

"Siguro karma na nya yon kasi babaero sya dati, akala nya lahat ng babae makukuha nya" sabi ni ate, grabe parang ang laki ng galit ni ate sa kanya

Bigla nalang may nag call sakin, kaya kinuha ko agad yung phone ko, nagulat ako nang makita ko kung sino yung tumatawag, bakit ba ayaw nya ko tigilan? Lumayo na ko at nag palit na rin ako ng sim pero bakit ginugulo nya pa rin ako

"Sagutin mo na, time na siguro para makapag usap ulit kayo" I think tama si ate kaya sinagot ko yung call nya

[Hello babe! Thanks sinagot mo na yung call ko]

"Don't call me babe Cyle! Tapos na tayo!"

[Give me another chance Honey, mali yung nakita mo!]

"Cyle I'm not stupid! I saw you kissing someone and worst sa araw pa ng anniversary natin!"

[Sorry Honey, pero hindi mo man lang pinakinggan explanation ko]

"Wala na kong pakielam sa explanation mo! Don't ever call me again!"

I end the call and start to cry, I thought I don't love him and already forget him but I'm wrong! Niyakap ako ni ate Heather at hinimas nya yung likod ko "sige lang Honey, umiyak ka lang" kahit noon pa man si ate lang talaga yung kakampi ko

"Ate bakit ganon!? Niloko nya ko diba? Bwisit sya! Nalilimutan ko na sya tapos mag paparamdam ulit sya! Anong bang ginawa ko?" Umiiyak pa rin ako pero hinarap ako ni ate sa kanya "Ate kaya minsan pinipigilan ko yung sarili kong ma-inlove ulit kasi baka lokohin din nila ko"

"Hindi pare-pareho yung mga lalaki, may iba dyan na hindi ka kayang lokohin, alam mo little sis ang pag kabigo mo sa una hindi sign na mabibigo kana sa sususnod pa, may mga bagay lang na dumadating sa buhay natin para mas maging matibay tayo sa mga mas malalaking pag subok na dadating satin" ibang-iba na si ate, hindi na sya yung isip batang ate ko dati

"Ate gusto ko ibalik yung dating ako, ayoko na mag panggap na masaya sa harap ng iba" nginitian ako ni ate at hinawakan nya yung balikat ko

"Always find time for the things that make you feel happy to be alive" tapos ngumiti ulit sya saka tumayo na "Nga pala little sis, don't be afraid to fall in love again, just be happy and enjoy your life" sa time na 'to napangiti ako ni ate, ngiting hindi pilit, ngiting matagal ko nang hindi nagagawa, umalis na si ate ng kwarto ko starting tomorrow I'll face the present and forget the past, diba nga past is past no need to discuss

Someone POV

"Hindi ko hahayaang mauwi nalang sa ganto ang lahat! Susundan kita dyan sa Pilipinas! Time na rin 'to para mag kaharap-harap kami ng mga dati kong kaibigan!" uminom ulit ako ng beer at tinapon ko yun sa pader inilabas ko ang picture nya sa wallet ko "Alam ko mag kikita kayong dalawa ni King! Inagaw na nya dati sakin yung babaeng mahal ko! Hindi ko na hahayaan na pati ikaw agawin nya!" Sawa na ko mag paraya! "Humanda ka sakin King, hari ka ngayon, kaya lubos-lubusin mo na! Dahil hindi na yan mag tatagal!"

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon