Part 4: Famous Sister

159 7 0
                                    

Honey's POV

Kumakain ako ngayon dito sa cafeteria ng pizza at ice cream nang biglang nag tilian na naman yung mga babae at pati mga lalaki nag hihiyawan, alam ko yung tatlong ugok na naman yung dumating...

Pero pag lingon ko sa likod, si ate Heather yung nakita ko! Aba! Famous din pala dito yung ate ko

Boy1: Miss Heather! I lab, you!

Boy2: babe pansinin mo naman ako

Pero hindi sila pinansin ni ate at dire-diretso lang sya papunta sa kinauupuan ko

Boy3: wala eh! Famous, Pihikan, Snobber kaya hindi talaga kayo papansinin nyan!

Pero nginitian lang silang lahat ni ate, "Hey little sis!" Sigaw ni ate kaya lahat ng mga tao sa cafeteria samin nakatingin, nag wave lang ako ng kamay kay ate at bigla syang tumakbo papunta sakin "Pag may time ako, sasabay ako sayo sa pag kain para hindi ka naman lonely" tapos ngumiti sya, tumingin ako sa paligid namin at lahat sila samin pa rin nakatingin "Don't worry about them, hayaan mo lang sila"

"Ate hindi mo sinabi famous ka pala, nakaka ilang tuloy, may famous akong kapatid" tapos nginitian ko sya

"Gusto mo din ba sumikat? Sabihin mo lang" tapos nag smirk sya

"what do you mean? Wait lilinawin ko lang ate, Ayoko maging sikat like you and like Master" bigla nalang nag bago yung expression ng mukha ni ate at muntik na sya mabulunan, may nasabi ba kong masama?

"Kilala mo na si King? Alam ko naman na sikat sya pero hindi ko alam ganon mo sya kabilis makikila" bakit kaya King yung tawag ni ate kay yabang? Eh yung ibang estudyante Master yung tawag sa kanya

"Classmate ko sya ate" at this time nabulunan na talaga sya, ano ba problema ng ate kong 'to

"Cla-classmate mo sya? Ang talino mo naman ata little sis?" Pag naging classmate ni yabang matalino na?

"Ate hindi ako matalino, ewan ko ba bakit naging especial class ako hindi naman ako matalino, siguro kagagawan na naman to ni daddy" nag tilian na naman yung mga babae, at this time babae nalang talaga yung mga nag tilian, alam ko sila yabang na yan, kaya hindi ko na nilingon

"Hey! Ate Heather ang katulad mo dapat hindi nakikipag usap at kumakain kasama 'tong panget na 'to" hay nako yabang! Kelan ka kaya mamamatay?!

"King, yang panget na tinatawag mo ay sister ko, kaya sa susunod na marinig kong tawagin mo pa syang panget makaka tikim ka talaga sakin" ang tapang ng ate ko, ano ka ngayon yabang?!

"Ate Heather, panget naman talaga sya eh" panget ka ring yabang ka! Bwisit!

"King, mukha ba syang panget, haha, wala sa lahi namin yun, saka alam ko kung bakit ganyan nalang kung asarin mo si Honey" tapos bigla nyang kinindatan si yabang, ano ba naman 'tong ate ko, parang ewan! May pakindat-kindat pang nalalaman

Pag tingin ko kay yabang parang pinag papawisan syang hindi ko maintindihan, tapos napalunok nalang sya ng makita nya kong nakatingin sa kanya, at nakita ko sa mukha ni James na nag pipigil ng tawa pati si ate Heather si Drake naman poker face lang

"May problema ba?" Tanong ko, at bigla nalang umiwas ng tingin si yabang

"Yung mukha mo! Ang panget kasi eh! Let's go guys, baka mahawa pa tayo sa kapangitan ni Honey" binanggit nya yung pangalan ko? Tinawag nya ko sa pangalan ko? Parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag sya yung nag sasabi...

"Honey! Uy! Honey!" Luh, mukhang natulala ako

"Yes ate?" Tinignan ako ni ate na parang may ibig sabihin yung tingin nya tapos bigla syang ngumiti

"May crush kaba kay King?" Ano bang klaseng tanong yan? parang abno naman 'to si ate eh

"Wala noh! Kay Denzel pa pwede" nanlaki yung mata ni ate, ano ba naman sya, sa lahat ba ng sasabihin ko mag rereact sya?

"Naka uwi na ng Pilipinas si Denzel? Yung Denzel ba na sinasabi mo ay si Denzel Decano?" Lahat ba ng estudyante dito kilala nya?

"Oo yung nerd" tinignan ako ni ate na may halong pag tataka

"Nerd? Mukhang ibang Denzel yung sinasabi mo, kasi yung Denzel na kilala ko, kaibigan nila King yun at sya yung pinaka masama sa kanilang lima"

"Lima? Eh tatlo lang sila Master ah plus yung Denzel eh di apat" ang gulo naman ng utak ni ate hindi marunong mag plus

"Lima sila dati Z5 yung tawag sa grupo nila si King yung leader, tapos si James, Drake, Denzel at si... si.. wait nalimutan ko, si TC! nalimutan ko yung buong pangalan eh, pero kilala sya sa tawag na TC, sikat na sikat sila dati dito sa school" ganon? Bakit kaya sila nag watak-watak?

"Bakit sila nag hiwa-hiwalay ate?" Curious na talaga ko sa kanila! Bwisit naman!

"Dahil sa babae" itatanong ko pa sana kay ate pero biglang tumunog na yung bell, sign na tapos na yung break time at pupunta na ulit sa classroom

"Ituloy nalang natin yung chismisan mamaya sa bahay ate bye!" Muntik pa kong madapa kakamadali, nag wave ako ng kamay at tumakbo na paalis, nag wave din si ate ng kamay nya.. papatayin ako ng curiosity ko nito hanggat hindi ko alam yung buong istorya!

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon