Part 15: New Friends

153 8 0
                                    

Honey's POV

1 month na rin yung nakalipas simula nung nag pasukan.

Maraming nangyari, naging mas close kami ni Maresha, naging close ko rin yung buong basketball team ng school dahil kay James, tuwing Sunday pumupunta ako sa bahay nila King para mag paturo sa kanya at higit sa lahat nag confess na sakin si Denzel!!

Flashback

"Bitch, maaga ko uuwi ngayon. I think hindi na ko aatend ng ibang subject after lunch" sabi ni Maresha.

"But why? You told me sabay tayong uuwi" sabi ko habang naka subo yung fork sa bibig ko.

"Si mommy kasi eh, may dinner kami kasama yung anak ng amiga nya kailangan kong mag handa." Nalungkot naman sya "Sorry bitch, promise babawi ako"

"Hahaha, no need na bitch. Okay lang, alam mo naman yun si tita eh" nginitian ko sya.

"Okay bye bitch! Alis na ko!" Tumayo na sya

"Bye"

"Basta stay panget!" Haha baliw talaga sya. Ayan na yung pinaka lambing nya yung asarin ako. Pinag masdan ko lang sya habang papalayo.

Tumayo na rin ako at pupunta na ko sa classroom. Habang nag lalakad ako sa may hallway wala masyadong tao kasi halos lahat ng estudyante nasa cafeteria.

Pero bigla nalang may humila sakin sa may hagdan papuntang rooftop ng school. Nakatalikod sya kaya hindi ko makita. "Hey, bitawan mo ko!" Nag pumiglas ako kaso hindi pa rin nya ko binibitawan.

Nakarating kami sa rooftop at sinandal nya ko sa may pader. "Ouch! Sino ka-" natigilan ako nang makita ko yung mukha nya "Denzel?" Nakatingin lang sya sa mukha ko. Tinanggal nya yung eye glasses nya at nilagay nya yung kamay nya sa may pader sa gilid ko malapit sa tainga. "Bakit mo ko dina-"

Bigla nyang pinutol yung sinasabi ko.

"I like you Honey! I really like you!" Ano raw?

Hindi pa nag sisink-in sa utak ko. Tama ba yung narinig ko? Gusto nya ko?

I like you Honey! I really like you!

I like you Honey! I really like you!

I like you Honey! I really like you!

Nag eecho yung sinabi nya sa utak ko.

"Denzel, wag ka nga mag biro ng gan-" pinutol na naman nya sinasabi ko! Wala naba kong karapatan mag salita?

"I'm not joking Honey! Please maniwala ka" lumapit yung mukha nya sa mukha ko. "Hindi ko hinihiling na magustuhan mo rin ako, gusto ko lang malaman mo yung feelings ko for you"

The next thing he did hinalikan nya ko! Pero sa cheek lang.

Umalis na sya at iniwan nya ko sa rooftop na tulala.

Present

"Uy boss! Ang lalim na naman ng iniisip mo" sabi ni Marco, isa sya sa basketball player ng school namin. Andito kasi ako ngayon sa gym at pinapanood ko sila mag practice.

"Sorry. Sige na practice na ulit kayo" sabi ko sa kanila.

"Boss naman! Pinag break time kami ni coach!" Sabi ni Josh, pinaka maligalig sa kanilang lahat. "Lumilipad na naman yang utak mo! Siguro ako iniisip mo ouch!" Hahahahaha kinutusan kasi sya ni James at King hahahaha.

"Wag kang feeler Josh" sabi sa kanya ni Drake.

"Uy co-captain! Feeling mo matangkad ka? Pandak ka kaya! Hahahahaha" usapang height naman. Hahaha si Drake kasi yung pinaka maliit pero sya yung co-captain magaling talaga kasi sya eh.

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon