Part 6: His Feelings

174 7 0
                                    

Master's POV

Tumunog na yung bell at halata sa mukha ni Honey na excited na syang umuwi "Class, continue nalang natin 'to tomorrow" papunta sya sa upuan nya na sakto naman na nasa likuran ko lang, nilagay ko yan dyan kanina nang iginilid yung upuan

"Yabang excuse nga" hindi ko sya pinakinggan at inupuan ko pa yung upuan nya, ang cute nya kasi pag nagagalit at ang bilis nya pa maasar "I said excuse!" Mukhang naiinis na sya kaya nginiti-ngitian ko pa sya para mas lalong asarin, hindi ko alam pero gusto ko lagi nya kong napapansin kaya lagi ko syang iniinis

"Panget, tanga kaba? ang lawak ng daanan, eh di dumaan ka!" Pang iinis ko sa kanya pero tinulak nya ko at kinuha nya yung bag nya

Dumating si James kaya sinuot ko yung headphones ko, syempre wala yung music para marinig ko pinag uusapan nila at umarte ako na nag lalaro sa phone ko "Honey hatid na kita" alok ni James sa kanya, alam ko crush ni James si Honey kasi hindi sya ganyan sa ibang babae

"Wag na James, sabay kami ni ate Heather eh" tama yan Honey wag kang sasama

"Honey, hindi mo ba alam schedule ng ate mo? Nasa theater sya ngayon, sure ako dun, tawagan mo pa" Bwisit naman, Honey wag kang sasama please, kapag sumama ka mag wa-walk out ako "Bilis na Honey, partner naman kita eh, please" pag pupumilit ni James, this time gusto kong sapakin si James kahit best friend ko sya, naiinis ako sa sarili ko kasi wala kong lakas ng loob na yayain si Honey para ihatid sya

"Fine, sige na nga!" Hindi ako makapaniwalang pumayag si Honey, tumayo nalang ako at tinapik ko yung balikat ni James at umalis na, I hate this f*cking feeling!

Pumunta agad ako sa parking lot at nakita ko na nag uusap sila Drake at Maresha, "Hey King, do you have a problem?" Sabi ni Drake at hinagis nya sakin yung lighter kasi alam nyang maniniragarilyo ako

"I think James likes Honey" I replied habang nag sisindi ng sigarilyo

"Is that a big issue?" Tanong ni Drake, oo nga naman ano bang pakielam ko kung may gusto si James dun sa Honey na yun

"Hi-hindi naman big issue yun sakin but I think kay Maresha big issue yun" crush kasi ni Maresha si James pero ang manhid lang ni James kasi hanggang ngayon hindi nya napapansin yung effort ni Maresha para sa kanya

"Tama si King,and I need to stop them hanggat maaga pa, tutulungan mo naman ako diba King?" Sabi ni Maresha at nag wink pa sya "Alam ko namang big issue din sayo yun eh, hahaha" pati si Drake tumawa na rin pero alam kong pilit yung tawa nya kasi alam kong may gusto sya kay Maresha "By the way, nasaan na sila?"

"Hinatid ni James si Honey" kalmado kong sagot

"What? Pumayag ka?" Nakaka bingi naman 'to si Maresha "I thought gusto mo rin si Honey!" Tinakpan ko agad yung bibig nya ang dami pa namang tao sa parking lot

Lahat ng taong nakarinig sa sigaw ni Maresha napatingin samin at nag bulungan "Sha ang galing mo talaga mag joke! Laughtrip hahahaha" tinanggal ni Maresha yung kamay ko sa bibig nya at inirapan ako

"Sakay na may hahabulin pa tayo" sabi ni Maresha habang hila-hila ako papunta sa bagong kotse nya "Bye Drake!" Nag flying kiss pa sya, parang mas lalo nya lang pinapaasa nyan si Drake, nakita ko yung mukha ni Drake at aba kinikilig ang g*go

"Alam mo ba yung bahay nila Honey?" Tanong ni Maresha habang nag da-drive

"No, pero alam ko bahay ni ate Heather" sagot ko pero bigla nalang nya ko hinampas sa ulo "Ouch! Ang sama mo talaga!" Sabi ko habang hinihimas yung ulo ko

"King matalino ka pero tanga ka rin pala! Mag kapatid si Honey at ate Heather diba? So sa iisang bahay lang sila nakatira"

Narealize ko na tama sya pero hindi ako pwede mag mukhang talunan "Malay natin mag kaiba sila ng bahay, kaya Maresha wag kang tanga!" Kala nya hindi ko kayang mag taray gaya nya pero bigla nya kong hinampas hampas sa braso "Ano ba!? Ang sakit na! Mukha ba kong punching bag?"

"Look King kotse ni James yun" tinuro turo nya pa yung black na kotse ano ba tingin nya sakin bulag?

"Whatever! Sundan mo nalang" pero inirapan lang nya ko

Nakarating rin kami sa subdivision nila Honey bumaba kami sa kotse at tumambay sa may ilalim ng puno, buti nalang walang ginawang masama sa kanya si James "Bakit ayaw mong sabihin sa kanya na gusto mo sya" tanong ni Maresha

"Kaparehas lang ng dahilan mo kung bakit hindi mo sinasabi kay James na gusto mo sya, saka hindi pa ko sure kung gusto ko ba yang babaeng yan"

"Ayaw mong layuan ka nya? Ang weak mo! Lalaki ka King ako babae!" Pakielam ko ba sa kasarian mo

"Buti nalang sinabi mong babae ka, thank you ah" hindi nya ko pinansin "You know Sha love is not for the weak. It takes a lot of courage and strength to allow your self to fall in love."

"So inamin mo rin?" Ang lapad na naman ng ngiti nya

"Na?" Tanong ko sa kanya

"Na inlove ka kay Honey?" Pero ngintian ko lang sya

"What? King inlove ka kay Honey?" Yung boses na yun, hindi ako pwede mag kamali

"Wala ah, aagawan pa ba kita" pag tanggi ko

"Kala ko karibal na kita King" sabi ni James at ginulo pa yung buhok ko, si Maresha mukhang gusto na nyang suntukin si James kasi hindi sya pinapansin

Gusto ko si Honey pero ayoko masaktan si James! P*ta naman yang love na yan

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon