Part 9: what a brain

130 8 1
                                    

Honey's POV

Medyo close na kami ni King, pero pag dating namin sa classroom kakaumpisa pa lang ng 2nd subject namin, dapat pala humiga higa muna ko sa clinic para hindi ako maka pag lesson

"Why so serious?" Tanong ni James sakin

"Wala lang" tumingin ako kay Maresha kaso inirapan na naman nya ko

"Class, in your own words define love" sabi ng teacher namin, biglang nag taas si James ng kamay "Yes Mr. Fernandez?"

"Love is what I feel when I see Honey" tumingin pa sya sakin at kinindatan pa ko

Nag taas din ng kamay si Maresha "Yes Ms. Salvador"

"Love is for the person who treasure this not for the person who don't know the real meaning of this" sabi ni  Maresha habang naka tingin kay James, halatang gusto nya si James pero sobrang manhid naman ng buang na to

Nakita kong nag taas din ng kamay si Drake "Mr. Dela Cruz?"

"Love is like a rosary that full of mystery" mukhang nabasa nya lang yang quote na yan pero naka tingin sya kay Maresha habang sinasabi nya yan, mukhang gusto sya ni Maresha kaso nga lang si Maresha si James yung gusto

"You Mr. Ortego?" Tanong ng teacher namin kahit hindi nag tataas ng kamay si King, baka wala syang maisagot

"Love is a variety of different feelings, states and attitudes that range from interpersonal affection to pleasure. It can refer to an emotion of a strong attraction and personal attachment" nagulat ako kasi akala ko hindi nya alam isasagot nya

"I impressed Mr. Ortego, hindi mo talaga ko binibigo" nakangiting sabi ng teacher namin pero nang tignan ko si King nagulat ako kasi naka tingin din sya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin "May surprise test kayo today"

"What sir? Bakit hindi namin alam yan?" Tanong ni James, parang medyo bakla yung teacher naming to

"Mr. Fernandez, kaya nga surprise diba? Hindi ba kayo natuwa sa surprise ko? Surprise!" Hala, wala naman akong naintindihan sa mga sinasabi nya kahit kahapon "Get one and pass"

Nakarating na sakin yung test paper, pero kahit isa wala man lang akong alam! Lord lagyan mo naman ng tamang sagot tong test paper na to

Naintindihan ko yung ibang tanong pero karamihan hinulaan ko nalang, bahala na si spongebob!

"Okay pass your paper" pinasa na namin yung papel sa unahan "Good bye class!" Umalis na rin si sir kaso ang sunod namang pumasok yung adviser namin na math teacher, bakit kasi kailangan ko pa mag aral!

"Good morning class!" Naka ngiti nyang sabi samin

"Good Morning ma'am" bati nila sa kanya, sila lang yung bumati kasi hindi naman ako nag salita, hindi naman kasi good yung morning ko lalo na math subject pa

Nag sulat si ma'am sa blackboard, puro x saka number yung nakikita ko "Diba nga pag x ibig sabihin kalimutan na! X nga diba? Dapat hindi na pinag uusapan pa! Ano ba naman to si ma'am hindi maka move on!" Mahinang sabi ko pero alam kong narinig ni James yun kasi mukhang gulat na gulat sya

"Bakit ka ganyan makatingin?" Tanong ko sa kanya

"Wala lang" hindi ko na sya pinansin at tinignan ko na lang yung pinag susulat ni ma'am sa blackboard

"Who can answer this?" Grabe naman tong teacher na to! Feeling nya ba may mag tatangkang sumagot nyan? Tinitignan ko pa lang nakaka hilo na! "Mr. Ortego do you want to try?" Ano bang akala nya kay King genius?

Tinignan ako ni King at nagulata ako kasi tumayo sya at nag sulat sya sa blackboard

       8x - 3 = 3x + 17

8x - 3x -3 = 3x - 3x + 17

        5x -3 = 17

5x -3 + 3 = 17 + 3

            5x =  20

       5x/5 =  20/5

              x = 4

Nakaka hilo yung sagot nya at umupo na agad sya pero nakita kong tumingin muna sya sakin bago sya umpo "Very good Mr. Ortego, I hope this year sumali kana ulit sa math quiz bee"

Grabe ang talino pala nitong si King, nag salita ng nag salita yung teacher namin, pero hindi ako nakikinig, kahit naman makinig ako hindi ko pa rin maiintindihan yung tinuturo nya "Good bye class!" Buti nalang tapos na sya, pero science teacher naman yung pumalit

Excited na kong mag bakasyon kahit June palang! "Class, can I ask you what is economic problem?" Kung sabihin ko sayong bawal kang mag tanong

Kahit isa walang nag tataas ng kamay, kahit si King hindi alam yung sagot, tumingin ako kay King at nakita nyang naka tingin ako sa kanya kaya umiwas ako, pero bigla nalang syang nag taas ng kamay, sigurado ba syang alam nya yung sagot?

"Yes Mr. Ortego"

"The economic problem, sometimes called the basic, central or fundamental economic  problem. Is one of the fundamental economic theoretical principles in the operation of any economy. It asserts that there is scarcity, the finite resources available are insufficient to satisfy all human wants and needs" grabe sya na talaga! "All societies face the economic problem, which is the problem of how to make the best use of limited, or scarce, resources. The economic problem exist because the needs and wants of people are endless, the resources available to satisfy needs and wants are limited"

"Very good Mr. Ortego" grabe, ang talino naman nya! Hindi man lang ibigay sakin yung konti nyang utak pero nang tignan ko sya, naka tingin sya sakin at nginitian nya ko

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon