"Bakit mo ginawa 'yon?"
I bit my lower lip. Seryoso ang tingin ni Aid sa akin habang nakasandal sa pillar. Ako naman ay nasa harap niya at nakayuko.
"Alam kong hindi mo ako gusto kaya bakit mo ginawa 'yon?" he asked again.
I remained silent. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi naman ako sigurado kung gusto ko ba talaga siya. I'm also baffled as to why I did such a humiliating and reckless act!
"See? Perhaps you did it to appease your conscience. Guess what? I don't need it. Alam ko naman ganyan ka na talaga simula pa lang."
Namuo ang galit sa loob ko.
"Anong ganyan, Aid?" He didn't reply. "Anong ganyan? Answer me!"
He licked his lower lip angrily. "Masakit kang magsalita na para bang hindi mo iniisip ang damdamin ng iba."
"How dare you!" I hissed.
He grinned. "Yes. How dare me. Can we just get over this bullshit?" He tousled his hair. "Pagod ako, Ava. Ayaw ko ng drama. So, let's pretend that this never happened."
I watched his back walking away from me. Napaupo ako sa sahig. That was my first kiss! That jerk! Naiiyak ako sa galit.
I never knew that everything would change and I silently regretted that I did that kiss. Sana pala nakuntento na lang ako sa kung ano ang mayroon kami.
Time passed by so quick.
Sometimes, I forget.
All the time, I missed what we used to have.
"3rd year na tayo! Hindi ako makapaniwala! Parang dati lang kinakabahan pa tayo sa first day as college student!" Achi said while taking a grip on her bag.
Marami ang students sa campus since first day ng school year. Ako rin ay hindi makapaniwala. Two years from now, graduate na kami.
Dumiretso kami sa classroom namin. Nagulat pa ako nang makitang natutulog si Aid sa likuran. I sighed and sat down on a vacant chair. Tumabi naman si Achi sa akin.
I looked at Aid again. Minsan ko na lang siya nakikita dahil tuwing nasa condo siya, nasa loob naman ng kwarto niya. Palaging sa labas siya kumakain kaya kaunti na lang palagi ang niluluto ko. Hindi na rin siya nagluluto kaya palaging ako ang naghahanda ng kinakain ko.
I missed everything about us. Ilang buwan na rin simula nang hindi kami magpansinan na para bang hindi kami magkakilala. Nabalitaan kong umiinom na siya ulit. Tapos, naging active ulit sa campus ang update about sa sex life niya.
It hurts... big time.
Pero ganoon talaga. Desisyon niya ang maging ganito kami. Kaso, may kasalanan din naman ako. Hinalikan ko siya nang hindi ko alam kung bakit.
Ewan! Mababaliw na yata ako kakaisip kung bakit naging ganito kami.
"Ano ba 'yan!" Achi grumbled when our professor insisted on seating us in alphabetical order.
Nasa unahan si Achi tapos nasa second row naman ako, third row si Aid. Katabi ko si Jess at ang katabi naman niya ay si Zeke.
First day pa lang ay naririndi na ako sa away ng dalawa. I suggested that Jess and Achi should switch places. Hindi naman siguro mahahalata ng mga professors.
Pumayag naman si Jess dahil mukhang mapapatay na niya si Zeke sa inis niya.
"Bagay kayo," I teased.
"What the..." bulong ni Zeke habang masama ang tingin kay Jess.
YOU ARE READING
Visual of Elysian (Abstract Series #2)
Любовные романыShe must be flawless in every way. There is no space for error, otherwise she will be labeled a futile daughter. However, with him, every flaws appears to be a beautiful fracture aligning with the perfect glass. The unblemished mask has a crack bet...